Maternal mortality rate: Bilang ng maternal deaths sa Pilipinas tumaas

Tinatayang pitong babae kada araw ang nasasawi dahil sa maternal causes noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung usapin sa maternal mortality rate sa Pilipinas ang pag-uusapan, alam niyo bang dumarami ang mga babaeng nasasawi nang dahil sa pagbunbuntis at panganganak?

Ang maternal death ayon sa World Health Organization ay tumutukoy sa pagkamatay ng babae. Mula sa ano mang sanhi na may kinalaman sa pagbubuntis at panganganak, accidental man o incidental.

Maternal mortality rate sa Pilipinas

Larawan mula sa Pexels kuha ni Joao Paulo de Souza Olivera

Ayon sa artikulo ng Inquirer na may pamagat na, “Philippines Maternal Mortality Rate Worse Than Reported,” mataas ang bilang ng mga babaeng namamatay nang dahil sa maternal causes noong 2021.

Sa report ng Philippine Statistics Authority noong February 22, 2023, mayroong 2,478 ang namatay noong 2021 dahil sa maternal causes. Ibig sabihin ang maternal mortality rate noong 2021 ay nasa 189.21 kada 100,000 live births.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang highest number of maternal deaths sa Pilipinas ay naitala noong 1951. Kung saan ay mayroong 2,645 na babaeng nasawi nang dahil sa maternal cause. Ito ay ayon sa report ng Department of Health. Sinundan naman ito noong 1952 kung saan mayroong 2,511 na nasawi. Ibig sabihin ang taong 2021 ang naitalang ikatlong deadliest year sa usapin ng pagdadalantao sa Pilipinas sa loob ng 69 taon.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Janko Ferlic

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa sa artikulo ng Inquirer. Noong 2019, mayroong 1,458 kababaihan ang namatay dahil sa maternal causes –o tinatayang apat na babae kada araw. Noong 2021 naman ay sumampa ito ng 2,478 o pitong babae kada araw.

Kasagsagan man ng COVID-19 pandemic ngunit hindi lamang ang pandemya ang sanhi ng maternal deaths noong 2021. Sa katunayan mas marami umanong nasawi mula sa preventable causes kaysa sa COVID-19 kung titingnan ang excess mortality sa bansa.

Ang hindi maayos na health care system sa bansa ang isa sa tinitingnan dahilan ng pagdami ng maternal death sa Pilipinas. Makikita sa mga nabanggit na datos na labis na apektado ang maternal health sa mga isyu ng health care system.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan