Isa sa mga pinakamahalagang gawin mo habang ikaw ay nagbubuntis ay ang pagkain ng wasto at siguraduhing mayroong well-balanced diet. Ngunit sapat na nga ba ang masusustansyang pagkain at food supplements?
Sa isang local barangay sa Samar, mayroong nutritional campaign na sinimulan ng isang community nurse na si Kaycee Abria. Ang campaign na ito ay ang ‘Mother’s Class’. Ito ay naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga makabagong ina tungkol sa Maternal Nutrient Deficiency. Sa pag-iwas sa komplikasyong dulot nito, maaaring masimulan ang pagkakaroon ng happy and healthy pregnancy sa maliit na komunidad ng Samar.
Kagaya ni Kaycee, nais rin ng Anmum na magkaron ng mabuting kalusugan at maayos na panganganak ang mga makabagong ina ng henerasyong ito. Ano nga ba ang Maternal Nutrient Deficiency at bakit kailangan ito seryosohin?