Ang katigasan ng ulo ng bata ay hindi laging masama

Makabubuti daw sa bata ang minsa'y hindi pagsunod, ayon sa mga pag-aaral. Bakit? Alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huwag hayaang maubusan ng pasensiya kung ang iyong anak ay tila hindi sumusunod.

Ayon sa pag-aaral na tumagal ng apat na dekada dapat daw tanggapin ng mga magulang ang katigasan ng ulong mga bata.

Sa pagaaral nila, sinubaybayan nila ang 700 na mga batang edad 12 hanggang tumungtong sila sa edad na 52. Yung mga batang nagpakita ng katigasan ng ulo ay mas naging successful bilang adults. Yung mga batang hindi sumusunod lagi sa rules ay naging highest achievers sa kanilang napiling propesyon, kahit na yung mga batang hindi sumusunod sa magulang.

Inilathala ang study sa Journal of Developmental Psychology at natagpuan nito na tunay ngang ang pasaway ay nagtagumpay sa buhay, mas mataas din daw ang sweldo nila.

Matigas ang ulo ng anak mo? Imbis na magalala, i-encourage ito, pero dapat nasa lugar pa rin. | Image from Dreamstime

Narito ang mga ugali ng mga batang matigas ang ulo:

  1. Pagsuway sa magulang
  2. Pag-break ng rules
  3. Pagmamataas
  4. Kawalan ng pasensiya
  5. Hindi nakikinig
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Maliban sa mga ito, sinubaybayan din ng mga researchers ang pagiging mabuting magaaral patin na rin sa sense of entitlement ng mga bata.

Ang pagsuway ay nagbago, nag-evolve sa pagiging responsable

Hindi nagtapos sa pagiging matigas ang ulo lamang kundi nagbago ang ugali nilang ito at naging mas responsable sila. At ang pagiging responsable ay importante para magtagumpay sila sa kanilang career.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil daw ito sa pagiging assertive nila sa buhay, kahit bata pa lamang sila ay hindi sila basta’t basta pumapayag na hindi makuha ang gusto nila.

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung matibay ang loob ng bata, asa nagiging competitive sila sa buhay. Nagiging palaban sila at hindi sumusuko sa hirap ng mga suliranin sa buhay.

Siyempre importanteng tandaan na ang katigasan ng ulo lamang ay hindi kasiguruhan ng kaligayahan at tagumpay. Kailangan pa ring gabayan at turuan ang mga bata upang maging positibo ang resulta ng kahit sa pinaka-negatibong paguugali.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinalin sa wikang Filipino mula sa orihinal na Ingles ni Bianchi Mendoza.

BASAHIN: Paano maiiwasan na maging pasaway ang anak ko?

Sinulat ni

Bianchi Mendoza