Matteo itinangging may sinuntok siya sa kasal nila ni Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli denies the rumor that he punches the family bodyguard of Geronimo during their wedding with his fiance Sarah Geronimo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matteo punches bodyguard?

Popstar royalty na si Sarah Geronimo at ang kanyang nobyong Filipino-Italian actor na si Matteo Guidicelli, ikinasal na!

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli Wedding 2020

Nitong Huwebes, February 20, kumpirmadong ikinasal na nga ang long time couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ang civil wedding ay ginanap sa Shangri-La Fort sa Bonifacio Global City.

Sa kabila ng secret wedding na ito, kumalat sa social media ang umano’y pagsuntok ni Matteo sa bodyguard ni Geronimo. Ito ay matapos biglaang sumulpot ang nanay ni Sarah na si Mommy Divine sa kanilang kasal. Ang dahilan niya, gusto lamang nitong kausapin ang kanyang anak.

Kilala bilang isang striktong nanay si Mommy Divine sa kanyang anak.

Matteo punches bodyguard?

Binigyang linaw naman ni Matteo ang kumakalat na rumor tungkol sa kanilang kasal.

“Wala akong sinuntok.”

Ito ang mga binitawang salita ng aktor sa isang interview nito kay Mario Dumaual ng ABS-CBN matapos madiin siya na sinuntok niya ang bodyguard ni Geronimo na si Jerry Tamara. Dahil ang bodyguard daw mismo ang itinuturong nagpakalat ng detalye sa kanilang kasal at sinabi ito sa mga magulang ni Sarah.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon naman sa police blotter, agad na nireport ng bodyguard na si Tamara ang nangyaring insidente noong 3:27 ng umaga noong Biyernes.

Hinihintay pa rin ng Taguig Police na mag-file ng formal complaint si Tamara kay Matteo.

Ngunit pagkatapos rin kanilang confirmation tungkol sa kanilang kasalan, nag-bahagi si Matteo ng mensahe para sa mga magulang ng kanyang asawa. Ang open letter na ito, na pinost niya sa kanyang Instagram ay magsisilbing daan para sa pamilya Geronimo.

Ayon sa aktor, ang pagkakaroon ng pamilya ay ang kanyang pangunahing priority at nagagalak siyang simulan ito kasama si Sarah.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pangarap niya na makitang magkasamang kumakain sa iisang lamesa ang pamilya niya at ni Sarah. Para sa magulang ni Sarah, ito ang iniwang mensahe ni Matteo

“Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life.”

www.instagram.com/p/B41ic1Tp_An/

Isang pangako naman ang binitawang salita ni Matteo para sa mga magulang ni Sarah.

“Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayung magulang nya at mga kapatid nya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya.”

Halos anim na taon din ang pagsasama nina Sarah at Matteo. At mahigpit isang taon na rin silang engaged.

Nanatili pa ring tikom ang bibig ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Celebrities Reaction to Mommy Divine

Narito naman ang iba’t-ibang reaction ng mga celebrities tungkol sa kasalang Sarah at Matteo.

Screenshot image from iamsuperbianca on Twitter

 

Courtesy from marvin_agustin on Twitter

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Screenshot image from mor1019chacha on Twitter

 

Courtesy from apldeap on Twitter

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Screenshot image from DJBDonna on Twitter

 

Courtesy from mjfelipe on Twitter

 

Source: ABS-CBN

BASAHIN: Celebrity weddings na inaabangan ngayong 2020

Written by

Mach Marciano