Plano na nina Max Collins at Pancho Magno na i-proseso ang kanilang divorce. Ito ay makalipas ang lampas six years nilang marriage.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ex-couple Max Collins, Pancho Magno magdi-divorce na!
- Max Collins hindi na naniniwala sa kasal
Max Collins at Pancho Magno magfa-file na ng divorce
Makalipas ang higit anim na taon bilang mag-asawa, nagdesisyon na ang ex-couple na sina Max Collins at Pancho Magno na i-proseso ang kanilang divorce.
Larawan mula sa Instagram
Ayon sa report ng GMA Entertainment, pinili ng dalawa na gawin ang divorce proceedings sa America, kung saan ipinanganak si Max Collins. Sa ngayon ay hindi pa naman daw active ang filing, pero parehong inaasikaso na nila ito.
Ngunit sa kabila ng pag-aasikaso sa kanilang divorce, patuloy pa rin naman daw ang healthy parenting relationship nila sa kanilang anak na si Sky. Siniguro nina Max at Pancho na maayos ang co-parenting nila sa kanilang anak.
Larawan mula sa Instagram ni Max Collins
“We’re good, we’re great. It really works for us. It’s been really healthy and we’re both happy as our son’s very happy so it really worked out for the best,” saad ng aktres sa interview sa kaniya sa 24 Oras.
Max Collins hindi na naniniwala sa kasal
Bukod sa usapin sa divorce, ibinahagi rin ng aktres ang kaniyang pananaw ngayon sa kasal.
Aniya, hindi na siya naniniwala sa kasal at para sa kaniya hindi na ito ang basehan sa pagmamahal.
“Ako, I don’t believe in marriage. No, I’m sorry, I don’t. I mean, I don’t personally.”
Larawan mula sa Instagram ni Max Collins
“Hindi yun basehan of what love means, to be married, no. You can still love each other and be together without being married. It’s really a commitment. So even if you marry each other, that doesn’t mean you’ll be together forever,” aniya.
Nilinaw din naman ng aktres na open pa rin siya sa pakikipag-date ulit. Pero extra careful na siya ngayon bago pumasok muli sa relasyon.
Sa ngayon ay ine-enjoy niya ang kaniyang pagiging single. Aniya pa, “Being single isn’t always a status. It’s a choice.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!