TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Maxene Magalona sa ina ng kaniyang ex-husband: “I am so grateful to you, Mom for being there for us through all the ups and downs.”

5 min read
Maxene Magalona sa ina ng kaniyang ex-husband: “I am so grateful to you, Mom for being there for us through all the ups and downs.”

Makikitang very close si Maxene at kaniyang mother-in-law. Sa katunayan, ito daw ang nagtupad ng pangarap niya na makapagsuot ng kaniyang dream wedding gown.

Maxene Magalona at ina ng kaniyang ex husband maayos pa rin ang relasyon sa kabila ng hiwalayan nilang mag-asawa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Relasyon ni Maxene Magalona at pamilya ng kaniyang ex husband.
  • Mensahe ni Maxene para sa kaniyang mother-in-law.

Relasyon ni Maxene Magalona at pamilya ng kaniyang ex husband

maxene magalona husband and family

Larawan mula sa Instagram account ni Millet Mananquil

Nitong nakaraang Linggo ay kinumpirma ng aktres na si Maxene Magalona na sila ay hiwalay na ang mister na si Rob Mananquil. Ang kumpirmasyon ginawa niya sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang perks umano ng pagiging “single at childless”.

“No date? No problem!

Perks of being single and childless: You have full control of your schedule. You can literally do anything you want on any day at whatever time. ♀

I watch movies in the cinemas alone, take myself out on dates. And go on long solo drives especially when my vibration is low.”

Ito ang caption ng IG post ni Maxene na sumagot sa mga tanong ng kaniyang fans at followers sa social media na napansing matagal na siyang hindi nagpo-post ng larawan nila ng mister na si Rob na magkasama.

Sa kabila ng status sa relasyon nila ng mister, makikitang very happy at peaceful ang buhay ni Maxene. Sa isa niya ngang IG story nitong isang araw ay ipinakita rin ng aktres kung paano hindi naapektuhan ang relasyon nila ng kaniyang mother-in-law na si Millet Mananquil kahit hiwalay na sila ng anak nitong si Rob.

Ang IG story nga na ito ay orihinal na ipinost ng kaniyang mother-in-law na si Millet na may nakalagay na caption na..

“Is this a birthday dinner for Enzo? Or a despedida for Maxene?”

Sa larawan ay makikitang kumakain si Maxene sa labas kasama ang mother-in-law at ilan pang mga kaibigan.

maxene magalona husband and family

Ang aktres hindi naman napigilang i-repost ang IG story ni Millet na may kalakip pang mensahe niya para dito.

“This is why I love my mother-in-law! I will always be here for you guys! We will still keep meeting up, OK?”

Ito ang sabi ni Maxene.

Mensahe ni Maxene para sa kaniyang mother-in-law

Samantala, sa isa namang IG post ng mother-in-law ni Maxene ay ibinahagi nito ang video ni Maxene at Rob habang nasa isang photoshoot sa Paris.

Sa nasabing video na kuha ng 2017 ay makikitang sweet na sweet ang mag-asawa habang nagigitara si Rob at si Maxene naman ay sumasayaw sa tugtog niya.

“Last tango in Paris. 2017.”

Ito ang caption ng post na naka-tag sina Rob at Maxene.

Si Maxene nagkomento sa post na ito ng kaniyang mother-in-law at pinasalamatan ito sa pagbibigay ng honor sa kanilang pagsasama. Ganoon rin sa pagdamay sa kanila sa mga ups and downs ng kanilang relasyon.

“What a beautiful and solemn way to honor our marriage. I am so grateful to you, Mom for being there for us through all the ups and downs.

I send you my most sincere and heartfelt gratitude. And I feel very blessed to know a soul as kind and genuinely loving as yours. @milletmartinezmananquil”

Ito ang sabi ni Maxene sa kaniyang mother-in-law.

Makikita sa mga post ng mother-in-law ni Maxene na sa mga nakaraang buwan ay madalas ang pagkikita nila. Hindi nga lang ang aktres ang close sa ina ng ex-husband kahit mga kapatid niya ay nakakasama niya rin sa tuwing nag-dedate o kumakain sila sa labas. Present rin si Maxene sa mga events ng pamilya ng ex-husband nitong mga nakaraang buwan.

maxene magalona husband and family

Larawan mula sa Instagram account ni Millet Mananquil

Nitong Enero, isang buwan bago ang 4th wedding anniversary nina Maxene at Rob ay nagbigay pa ng mensahe ang aktres sa mother-in-law na tumupad sa pangarap niyang mag-suot ng isang Vera Wang gown. At kung paano siya napasaya ng regalo nito para sa kaniyang kasal.

“I remember feeling so elated and blissful seeing myself wear something so delicately beautiful. I’ve always dreamt of wearing @verawang @verawanggang on my wedding day and it was my sweet mother-in-law @milletmartinezmananquil who made that dream come true.

I just want to offer her my sincere gratitude for being the kind, generous and selfless soul that she has always been to the lucky people in her life.”

“We have all been touched and moved by her . And I just want to post this photo so that she can see how happy she has always made me. I’m so blessed that I met her and felt her love and acceptance from the very beginning. ✨”

Buhay ni Maxene ngayon

Habang sa isa sa kaniyang IG post kamakailan ay ibinahagi naman ni Maxene ang nararamdaman niya sa mga failed relationships na naging bahagi siya.

Bagamat malungkot ayon sa aktres ay nakatulong ito sa kaniya na mas makilala pa ang kaniyang sarili at matukoy ang mga taong kailangan niyang i-keep sa buhay niya at hindi na.

“I am actually very grateful for the failed relationships I’ve had in this lifetime. Because I understand that I had to go through all of them so that I could determine for myself the soul connections that I want to keep and let go of the ones that don’t match my energy.

To all the souls I’ve crossed paths with in this lifetime, I give you my heartfelt thanks.”

Ito ang sabi pa ni Maxene.

Partner Stories
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
The Brilliant Hour: How Just One Hour a Day Can Shape a Lifetime of Learning
The Brilliant Hour: How Just One Hour a Day Can Shape a Lifetime of Learning
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Irish Mae Manlapaz

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Maxene Magalona sa ina ng kaniyang ex-husband: “I am so grateful to you, Mom for being there for us through all the ups and downs.”
Share:
  • This Pinay Pediatrician’s Baby Safety Tips are Genius—And Surprisingly Simple!

    This Pinay Pediatrician’s Baby Safety Tips are Genius—And Surprisingly Simple!

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • This Pinay Pediatrician’s Baby Safety Tips are Genius—And Surprisingly Simple!

    This Pinay Pediatrician’s Baby Safety Tips are Genius—And Surprisingly Simple!

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Become a Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it