Maxene Magalona shares tips on how to move-on after a breakup: “Pray for yourself and your ex.”

May pinagdadaanan? Payo ni Maxene Magalona ito ang dapat mong gawin para madaling makapag-moveon sa isang hiwalayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maxene Magalona and husband separation, ganito kung paano hinarap ng aktres.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Maxene Magalona and husband separation.
  • 7 paraan na ginawa ni Maxene para makapag-moveon sa hiwalayan nila ng mister.

Maxene Magalona and husband separation

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

Nitong Oktubre 14 ay sinagot na ng aktres na si Maxene Magalona ang mga tanong tungkol sa tunay ng estado ng pagsasama nila ng mister na si Rob Mananquil.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Maxene ang perks ng pagiging single at childless na siyang nagbigay kumpirmasyon na hiwalay na nga silang mag-asawa.

“Perks of being single and childless: You have full control of your schedule. You can literally do anything you want on any day at whatever time.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Maxene tungkol sa kaniyang civil status sa ngayon.

Bagamat kinumpirma niya na ang hiwalayan nila ng mister, makikitang very peaceful parin si Maxene. Sa mga nakalipas niya ngang IG post ay ibinabahagi niya kung paano niya nai-enjoy ang pagiging single at mag-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahapon, sa kaniyang latest IG post ay ibinahagi ng aktres ang ginawa niya para makapag-moveon ng maayos mula sa pinagdaanang hiwalayan. Ayon kay Maxene ay may pitong bagay siyang ginawa. Ang mga ito ay ang sumusunod:

7 paraan na ginawa ni Maxene para makapag-moveon sa hiwalayan nila ng mister

1. “Grieve. Cry. Feel the pain and let it all out.”

Ayon kay Maxene hindi masamang i-feel mo na muna ang kalungkutan na iyong nadarama. Okay lang umiyak at magalit sa kasalukuyang sitwasyon mo. Pero hindi makakatulong ang pag-inom ng alak o ang pag-iisip ng anumang negative thoughts na hindi makakabuti sayo.

“Grieving is an integral part of the process. You cannot move on without properly grieving a loss,” sabi pa ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. “Pray for yourself and your ex. Constantly, sincerely and wholeheartedly.”

Kahit gaano pa kasakit o kapangit ang pinagdaanang break-up payo ni Maxene dapat tulad mo ay ipagdasal mo rin ang ex mo. Ito ay para mas madali mong matanggap ang kasalukuyan mong sitwasyon at unti-unti ka ng makapagmove-on. Bilin pa ni Maxene, makakatulong ang pakikipag-usap sa Diyos para maibsan ang sakit at kalungkutan na nararamdaman.

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

3. “Surrender to the present moment and accept the situation as if you chose it.”

Hindi rin daw makakatulong ang paninisi sa iyong ex sa mga nangyari sa inyong relasyon. Sino man ang tama o mali ay hindi na mahalaga. Kailangan mo nalang tanggapin na hindi kayo match at gamiting dahilan ang breakup ninyo para i-improve pa ang sarili mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. “Be grateful for all the lessons you learned and the knowledge you gained in the relationship.”

Bagama’t may pangit kayong experience, hindi rin daw dapat manghinayang sa mga taon na pinagsamahan ninyong mag-asawa. Dahil sa inyong pagsasama ay may mga lessons kang natutunan na dapat ay i-apply mo na sa iyong sarili higit sa lahat sa susunod mong papasuking relasyon.

“Going through heartbreaks makes us stronger, more resilient and a lot wiser”, dagdag pa ni Maxene.

5. “Understand that your ex is also just like you—a soul who is figuring its way through this lifetime.”

Kung marami kang tanong tungkol sa hiwalayan, mabuting isaisip na tulad mo ay naguguluhan rin ang iyong ex. At magiging madali lang para sa inyong dalawa ang lahat kung susubukan ninyong ilagay ang sarili ninyo sa sitwasyon ng isa’t isa.

Sa ganoong paraan ay maiintindihan mo ang kaniyang nararamdaman, ganoon din kung bakit nauwi ang pagsasama ninyo sa hiwalayan.

6. “Focus on yourself. Use this as a time of personal growth and development.”

Sabi pa ni Maxene, walang dapat ikalungkot sa pagiging single. Ito daw ang perfect opportunity para ma-improve mo ang iyong sarili o kaya naman ay gawin ang mga bagay na gusto mo na wala ka ng iniisip o isasaalang pang desisyon mula sa ibang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas mabuting gamitin mo ang iyong extra time para sumubok ng panibagong hobby o kaya naman ay mag-exercise ka para lalo kang sumexy. Makakatulong din umano ang pag-memeditate para mas matanggap mo ang iyong sarili at katawan.

Larawan mula sa Instagram account ni Maxene Magalona

7. “Let go and let God. Move forward with grace and lightness in your heart.”

Kapag nagawa mo na daw ang mga naunang paraan mas magiging madali sayo ang pag-lelet go. Mas gagaan na ang pakiramdam mo at mas makakapag-moveon ka ng madali.

Tulad nga ni Maxene ay mas mare-realize mo ang kahalagahan ng mga bagay na isinasantabi mo noon. Mas mamahalin mo ang iyong sarili at magpapatuloy ka sa paggawa ng mga bagay na ikakasaya mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagdaan ng araw at buwan ay hindi mo namamalayang nakapag-moveon ka na sa heartbreak na pinagdaanan at ready ka na ulit pumasok sa panibagong relasyon.

Ito ang sabi pa ni Maxene.

Taong 2018 ng maikasal si Maxene sa mister na si Rob Mananquil sa isang beach wedding ceremony sa Boracay. Ito ay isang taon matapos silang ma-engage sa Japan.

Nagsimula ang tsismis na hiwalay na si Maxene at mister niyang si Rob Manaquil ng inalis na ng aktres ang apelyido ng mister sa username niya sa kaniyang social media accounts. At bigla narin siyang hindi nagseshare ng mga larawan nilang magkasama.