Maxine Medina sa pagbubuntis sa first baby nila ni Timmy Llana: “Our hearts are bursting with so much love and excitement”

Beauty queen ipinasilip rin ang kaniyang sexy baby bump.

Maxine Medina buntis sa unang anak nila ng mister niyang si Timmy Llana.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maxine Medina buntis.
  • Pakiramdam ni Maxine na siya ngayon ay malapit ng maging ganap na isang ina.

Maxine Medina buntis

maxine medina and timmy llana buntis sa kanilang first baby

Larawan mula sa Instagram account ni Maxine Medina

Beauty queen na si Maxine Medina buntis na sa unang anak nila ng mister na si Timmy Llana. Ito ang masayang balitang ibinahagi ni Maxine nitong nakaraang linggo sa kaniyang Instagram account. Hawak-hawak ang isang ultrasound result, si Maxine makikitang masaya sa bagong yugto na ito ng buhay nila ang mag-asawa.

“So, this is how it feels to hold an ultrasound photo of our own little one, yieeee… We’re thrilled to share the most precious news! We’re expecting our first little bundle of joy!”

Ito ang bahagi ng post ni Maxine.

Pakiramdam ni Maxine na siya ngayon ay malapit ng maging ganap na isang ina

MAXINE MEDINA WEDDING

Larawan mula sa Instagram account ni Maxine Medina

Ayon pa sa beauty queen, very excited silang pareho ni Timmy sa pagpasok sa bagong journey na ito. At inamin niyang legit ang pagiging emotional sa oras na marinig mo ang first heartbeat ng iyong baby.

“Our hearts are bursting with so much love and excitement as we begin this incredible journey into parenthood. OMG… weeee can’t wait 🤭 #blessedlife Thank you Lord 👆🏽🙏🏾 and oh I just wanna share, it’s true that you’ll cry when you hear that first heartbeat yes it was sooo precious 😭😭😭”

Ito ang sabi pa ni Maxine.

Sa latest pa nga niyang Instagram post, si Maxine ipinasilip ang kaniyang baby bump. Ang beauty queen makikitang fresh na fresh sa kaniyang pagbubuntis. Napanatili rin nito ang kaniyang sexy figure kahit buntis na.

“My heart is full, and my belly too 🤭 here’s my belly shots (feel na feel ko 😂) I love my baby bump 🤰🏽.”

Ito ang sabi pa ni Maxine.

maxine medina buntis sa first baby

Larawan mula sa Instagram account ni Maxine Medina

Congratulations Maxine and Timmy!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!