Timmy Llana sa misis na si Maxine Medina: “To my wife, mother of my son, thank you.”

Si Maxine apat na buwan nalang at maipapanganak ang kaniyang first baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maxine Medina husband na si Timmy Llana may sweet na birthday message sa misis niyang soon-to-be mom narin.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maxine Medina husband message to her birthday.
  • Baby nina Maxine at Timmy.

Maxine Medina husband message to her birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Timmy Llana

Ngayong May 9 ay nagdiwang ng kaniyang 33rd birthday ang beauty queen at soon-to-be mom na si Maxine Medina. Syempre ang unang bumati sa kaniyang special day ay walang iba kung hindi ang kaniyang mister na si Timmy Llana.

Ang birthday greetings ni Timmy para sa misis na si Maxine ay ibinahagi niya sa Instagram. Habang ipinapakita ang lumalaki nitong tiyan na buntis sa una nilang anak na isang baby boy. Dahil nga sa sakripisyo ni Maxine sa pagdadalang-tao nito sa kanilang first baby. Ito ang naging sweet na mensahe niya sa kaniyang magandang misis sa araw ng kaarawan nito.

“To my wife, mother of my son, thank you. Thank you for everything that you do!🙏- growing our son in your belly with love, compassion and kindness, being an amazing wife and an adoring daughter, sister and friend.”

Ito ang sabi ni Timmy na malaking pasalamat rin sa pagdating ni Maxine sa buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I pray to God everyday thanking him he gave you to me. I love you babe! Happy happy birthday! ❤️💙”

Ito ang pagpapatuloy pa ni Timmy sa birthday message niya para kay Maxine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maxine Medina

Baby nina Maxine at Timmy

Bago pa man ang birthday ni Maxine ay isinagawa rin ng mag-asawa ang baby shower ng kanilang panganay. Hindi pa man naipapanganak ang kanilang baby ay may palayaw na nga silang naisip para ito. Ito ay tinawag nilang si Baby Z na malapit na nilang makita nitong darating na Agosto.

Sa ibinahagi ngang gender reveal ni Maxine at Timmy ay makikitang napatalon si Maxine ng malamang baby boy ang kanilang panganay. Tinawag niya ngang answered prayer na boy ang first baby nila ng mister na si Timmy Llana.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maxine Medina