5 mga event na pwedeng puntahan ng pamilya para sa masayang family bonding!

Naghahanap ba kayo ng pwede niyong puntahan ngayong May para makapag-family bonding? Narito ang ilang May 2024 events na pang family!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parents! Naghahanap ba kayo ng special activities na pwede sa buong pamilya? Sagot na namin kayo! Kinalap namin ang ilan sa mga May 2024 events na maaari niyong puntahan. Tiyak na ang mga event na ito ay magbibigay sa inyo ng masayang alaala habang nag-e-enjoy ang buong pamilya!

5 events na pwede niyong puntahan ngayong May 2024

Kapag naiisip natin ang salitang “pamilya,” agad nating naaalala ang mga masayang sandali kasama ang ating mga mahal sa buhay. Ang pagkakataong makasama sila sa iba’t ibang aktibidad ay isang espesyal na pagkakataon upang palakasin ang samahan at lumikha ng mga bagong alaala. Kaya’t ngayong May 2024, samantalahin ang mga sumusunod na events na tiyak na magbibigay sa inyo ng masayang family bonding:

Wala Ka Sa Nanay Ko: A Mother’s Day Special

Kailan: May 11, 2024 (7 pm)

Saan: Drink Lab Cafe – Araneta, Quezon City

Isang espesyal na pagdiriwang para sa lahat ng mga ina ang event na ito. Ma-eenjoy ng inyong pamilya ang isang gabi ng musika, tawanan, at kasiyahan. Walang bayad ang pagpasok o free admission ang mother’s day event na ito. Magaan na sa bulsa, tiyak na mae-enjoy pa ng pamilya!

Ang event na ito ay handog ng Laya Ph. Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang pasalamatan at iparamdam ang pagmamahal sa ating mga dakilang ina!

South Arts Festival

 Kailan: May 11 & 12, 2024

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 Saan: Filinvest Tent Filinvest City, Alabang Muntinlupa City

Sa mga pamilyang mahilig sa sining, para sa inyo ang South Arts Festival sa Filinvest Tent! May mga art fair, art talks, live art, DJs, at marami pang iba! Siguradong masisiyahan ang buong pamilya sa mga ganap na ito!

Para sa iba pang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa South Arts Festival Facebook Page

May 2024 events: Mom & Baby Fest

Kailan: May 2 (11AM – 9PM), May 3 (11AM – 10PM), May 4 (10AM – 10PM), May 5 (10AM – 9PM)

 Saan: The Fifth At Rockwell, Makati City

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbabalik ang Mom & Baby Fest sa The Fifth at Rockwell sa Makati City! Maaaring dalahin ang pamilya sa event na ito para sa mga bonggang deals para sa inyong mga anak. Ma-eenjoy niyo ang umaabot ng hanggang 70% na discount sa mga baby products. Bukod dito, may mga libreng regalo para sa pamilya at marami pang iba!

Summer Music Festival of the South

 Kailan: May 25, 2024 (4 PM – 11:45 PM)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 Saan: Filinvest City Events Ground, Alabang, Muntinlupa City

Kung music naman ang hilig ng family, maaaring makisaya sa kauna-unahang Summer Music Festival of the South, kasama ang Rise Up! Manila. Hindi lang ito basta music festival, kundi isang collaborative na pagdiriwang ng musika! Siguradong mag-eenjoy ang buong pamilya sa mga paboritong banda at iba pang sorpresa!

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang link na ito.

May 2024 events: FREE COMIC BOOK DAY 2024

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan: May 4, 2024 (10 AM – 6PM)

 Saan: Robinsons Galleria, Ortigas Ave., Ortigas Center, Quezon City

Kung bata pa ang inyong mga anak o kaya naman ay young at heart ang myembro ng pamilya, huwag palampasin ang Free Comic Book Day sa Robinsons Galleria! Makakakuha ng libreng comics, yes! LIBRENG COMICS! Makakasama pa ang mga comic book creator kaya naman talagang espesyal na araw ito para sa mga mahilig sa comics!

Para sa kompletong detalye, maaaring bisitahin ang link na ito.

Sa pagpunta sa mga nabanggit na event, tiyak na mas mabubuo ang inyong pamilya at mas lalakas ang inyong samahan. Samantalahin ang bawat pagkakataon upang mag-bonding at lumikha ng masayang alaala kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan