Isang couple na tinaguriang pinakamatandang buhay na mag-asawa

Para sa mga nagtatanong kung may forever ba? Para sa isang mag-asawa na ito, mayro'n! 80 na taon na silang kasal at balak nilang magsama hanggang sa hukay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano kaya ang mayroon sa mga Japanese pagdating sa magandang kalusugan at mahabang buhay? Ang kanilang mga anak ay sinasabing “healthiest in the world,” kilala rin sila sa nakamamanghang populasyon nila ng mga centenarians o yung mga mahigit 100 years old.

Ngayon, makikilala na naman sila dahil sa isang record—ang pagkakaroon ng pinakamatandang buhay na mag-asawa! Walongpung taong nang kasal ang mag-asawang si Masao Matsumoto, 108, at kanyang asawang si Miyako, 100, nang mabigyan sila gawaran sila ng award Guiness World Records.

Kaya para sa mga nagtatanong kung may forever ba? Para sa mag-asawang ito, mayro’n! Alamin ang kanilang sikreto sa matagal na pagsasama.

Screengrab from Youtube

Kasal sa loob ng 80 taon: Isang napakaganda at nakakahangang na istorya

Kung pagsasamahin ang edad nina Masao at Miyako, ito ay aabot sa 208 years old. Ikinasal sila noong 1937, at diumano’y ipinakilala sa isa’t isa ng isang kakilala. Sila ay may limang anak na babae at 25 na mga apo!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinaniniwalaan na hindi pormal na ikinasal ang mag-asawang Matsumoto dahil noong panahong iyon, sumailalim sa isang giyera ang Japan, at kinailangan ni Masao na mangibang bansa para lumaban bilang isang sundalo.

Tatlong beses na ipinatawag si Masao para sa military service bago matapos ang Second World War. Kinailangan niyang iwan si Miyako at kanilang dalawang anak sa tuwing ito ay mangyayari. Samantala, si Miyako naman ay nagsikap na itaguyod ang kanilang mga anak.

Wala ring kasiguraduhang makikita niya pang muli ang kanyang asawa, ayon sa mga ulat. Pero noong 1946, bumalik si Masao sa kanyang asawa at mga anak, “na halos buto’t balat na,” ayon kay Miyako. Sa kaniyang pagbabalik, nagkaroon pa sila ng tatlong anak na babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo: Guinnes World Records

Ano ang sikreto ng walongpung taong pagsasama?

Ginawaran kamakailan ng sertipiko sina Miyako at Masao ng Guiness World Records bilang pagkilala sa kanilang nakamamanghang matagal na pagsasama, sa nursing home kung saan sila nakatira ngayon.

Kasama nilang tumanggap ng sertipiko ang ilang miyembro ng kanilang pamilya. Ayon kay Miyako, ang pinakaimportanteng sikreto ng 80 taong pagsasama nila ni Masao, pasensiya!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Napakasaya ko. Pasalamat talaga sa matinding pasensiya ko,” natatawang paliwanag ni Miyako. “Naiiyak ako sa sobrang pasasalamat ko,” sabi niya sa Reuters.

Samantala, sabi namaan ng anak nilang si Hiromi, “Nasa huling bahagi na sila ng kanilang buhay. Isang karangalan (para sa kanila) ang makatanggap ng ganitong pagkilala. Hiling ko na mabuhay pa sila nang matiwasay.”

Dito sa Asianparent, ito rin ang aming hiling para sa mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pasensiya… ano pa?

Sa magandang kuwento nina Masao at Miyako makikita ang ilang mahahalagang aral para sa mga mag-asawa sa modernong panahon ngayon—na madaling sumusuko sa tuwing magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Siyempre, may ilang bagay, tulad ng abuso sa mag-asawa, ang hindi dapat mapatawad. Pero kung magkaroon ng problema sa inyong pagsasama, narito ang ilang paraan para mapanatiling masaya ang inyong relasyon:

 

  • Work-life balance. Ang pagkasubsob sa trabaho ay maaaring maging dahilan para mawala ang mga importanteng tao sa’yo—ang iyong pamilya. Balansehin ang oras sa trabaho at pamilya at makikita mo ang positibong epekto nito.
  • For better or for worse: Nang mawala si Masao dahil sa giyera, sumuko ba si Miyako? Hindi. Hindi palaging masaya ang relasyon ng mag-asawa. Katulad ng iba pang bagay sa buhay, mayroon din itong hirap at ginhawa. Matutong yakapin pareho at palaging suportahan ang isa’t isa lalo na sa panahon ng kalungkutan.
  • Magkasundo sa co-parenting rules. Maaaring magkaiba ang paraang ng pagiging magulang ng isang ina at ama. Sa pagkakataon na hindi kayo magkasundo sa paraan ng pagpapalaki ng inyong anak, maaaring hindi maging maganda ang epekto nito sa inyong pagsasama. Agree to disagree, ika nga. At pagdating sa pagpapalaki ng inyong anak, malaking bagay ang pagkakasundo.
  • Sex. Bagamat minsan ay mahirap sa mag-asawa ang magkaroon ng oras para sa pagkikipag-sex, laging isipin na importante na panatilihin ang init ng relasyon ninyong dalawa.
  • Kiss and make up. Normal na sa mag-asawa ang paminsan-minsangdi pagkakasundo. May panahon na magkakaaway kayo at tila ayaw n’yo nang makita ang isa’t isa. Gayunman, siguraduhin pa rin na ayusin ang inyong hindi pagkakaunawaan. Kung hindi ito masosolusyunan agad bago matulog, siguraduhing pagkagising ay wala na ang galit kung pag-uusapan ito.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Reuters

Isinalin mula sa wikang Ingles
https://sg.theasianparent.com/married-for-80-years

Sinulat ni

Nalika Unantenne