Lola nagbuntis at nagsilang ng kaniyang apo para sa anak na may MRKH Syndrome

Narito ang kwento ng pagmamahal ng isang ina sa anak sa pamamagitan ng pagbubuntis at panganganak para dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayer-Rokitansky-Küster-Hauser Syndrome o mas kilala sa tawag na MRKH Syndrome ang kondisyon na pumigil kay Tracey Smith, 31, na magbuntis at magsilang ng sarili niyang anak.

Kaya naman para maisakatuparan ang pangarap, ay hiningi niya ang tulong ng kaniyang ina na si Emma Miles, 55, para magbuntis at manganak para sa kaniya.

Image from DailyMail UK

Ano ang Mayer-Rokitansky-Küster-Hauser Syndrome?

Si Tracey Smith ay isinilang na may kondisyon na kung tawagin ay Mayer-Rokitansky-Küster-Hauser Syndrome o MRKH Syndrome.

Ang Mayer-Rokitansky-Küster-Hauser Syndrome ay isang uri ng vaginal agenesis o “not developed vagina” sa Ingles.

Isa itong congenital abnormality na kung saan natutukoy dahil sa kawalan o absence ng vagina, womb at cervix ng isang babae.

Ang Mayer-Rokitansky-Küster-Hauser Syndrome ay umaapekto sa isa sa kada 5,000 na babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaso ni Tracey siya ay walang matris o womb na kaniyang natuklasan noong siya ay 16 years old pa lamang.

Dahil sa Mayer-Rokitansky-Küster-Hauser Syndrome ay hindi rin nakaranas ng pagbisita ng buwanang dalaw o regla si Tracy na nag-udyok sa kaniyang magpatingin at madiagnose ng bibihirang kondisyon.

Bagamat wala o kaya underdeveloped ang vagina, womb at cervix ng isang babae na may MRKH Syndrome, normal naman ang external genitalia nito kaya naman hindi agad matutukoy ang sakit.

Makakaranas rin ng normal signs ng puberty o pagdadalaga ang isang babae na may Mayer-Rokitansky-Küster-Hauser Syndrome dahil mayroon parin itong normally functioning ovaries.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang tanging palatandaan na mayroong MRKH Syndrome ang isang babae ay ang hindi pagkakaroon ng regla na unang nararanasan ng mga babae sa gulang na 12 to 15 years old.

Maliban sa hindi pagkakaroon ng regla, madidiagnose naman ang sakit sa pamamagitan ng MRI, ultrasound, o laparoscopic surgery na isinisagawa ng isang doktor.

Dahil sa kaniyang sakit ay tinanggap na ni Tracey na hindi na siya magkakaanak.

Ngunit ito ay nabago ng makilala niya ang asawang si Adam Smith at gustuhing bumuo ng masayang pamilya kasama ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from DailyMail UK

Kaya naman para magkaanak ay hiningi ni Tracey ang tulong ng kaniyang ina na si Emma Miles para magbuntis at magsilang ng kaniyang anak sa pamamagitan ng IVF at surrogacy.

Hindi nagdalawang-isip si Emma na tulungan at gawin ang lahat sa ikasasaya ng anak na si Tracey.

Para nga matagumpay na maisakatuparan ang buong proseso ng IVF at surrogacy ay kinailangan ni Emma na magbawas ng 38kg sa kaniyang timbang para sa malusog na pagbubuntis.

Ang eggs ay nagmula sa normally functioning ovaries ni Tracey na finertilized sa sperm ng asawang si Adam gamit ang IVF.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa edad na 55, si Emma ay menopause na ngunit hindi naman naging problema ito dahil healthy parin ang kaniyang uterus na pinaglagyan ng embryo mula sa fertilized egg at sperm ni Emma at Adam.

At nito nga lang January 16, ay isinilang ni Emma ang isang healthy baby girl na may bigat na 7lbs 7oz sa pamamagitan ng caesarian section delivery.

Image from DailyMail UK

Pinangalan nila itong Evie Siân Emma Smith na isang tanda kung gaano kamahal ni Emma ang kaniyang anak na si Tracey.

Dahil kahit delikado na para sa kaniyang edad ang pagbubuntis ay hindi nagdalawang-isip ito na sumugal para sa ikasasaya at maisakatuparan ang pangarap ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sources:

DailyMail UK, Very Well Health

Basahin: Emotional photos capture the moment a mother met her baby born by surrogate