Mccoy De Leon may sweet message para sa 3rd birthday ng baby nila ni Elisse Joson

3-years-old na ang anak nina Elisse Joson at Mccoy De Leon. Nagbahagi ng mga cute photo ang aktor kasama ang anak at partner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napaka-cute ng mga larawang ibinahagi ni Mccoy De Leon sa kaniyang Instagram. Sa nasabing pictures, makikita ang saya nila ng kaniyang anak na si Felize at partner na si Elisse Joson.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Baby Felize nina Mccoy De Leon at Elisse Joson 3-years old na!
  • Lahat gagawin para sa anak

Baby Felize nina Mccoy De Leon at Elisse Joson 3-years old na!

“Parang kailan lang,” ito na lang ang nasabi ng mga netizen nang ibahagi ni Mccoy De Leon ang kaniyang latest Instagram post.

Sa kaniyang social media, ibinahagi ng aktor ang mga larawan nila ng kaniyang anak na si Felize at partner na si Elisse Joson. Kitang-kita ang saya ng kanilang pamilya.

Larawan mula sa Instagram ni Mccoy De Leon

Ang mga larawan na ibinahagi ni Mccoy ay bilang pag marka sa ika-3 taon ng kanilang baby Felize.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“May 3 yrs old na kami :)) Happy Birthday sa anak ko na laging full energy.?” caption ni Mccoy sa kaniyang IG post.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang aktor sa Panginoon sa pagkakaroon ng simpleng pamilya.

“Thank you Lord sa aking simpleng pamilya.??”

Larawan mula sa Instagram ni Mccoy De Leon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahat gagawin para sa anak

Dalawang araw bago ang birthday ni Felize, mayroon ding Instagram post si Mccoy. Sa naturang post, ibinahagi niya ang maikling conversation nila ng kaniyang anak.

“Felize: Daddy! Its already my birthday!
Me: Wala pa anak. Oh what do you want for your birthday?
Felize: Hmmm party... and I want DISNEYLAND!
Me: ☺️”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang caption ni Mccoy sa IG post. Dagdag pa rito, sinabi rin ng aktor na lahat ay gagawin nila ni Elisse Joson para sa kanilang anak.

“Kahit ano anak hanggang sa makakaya ni daddy at mommy.?”

Kalakip ng nasabing social media post ang picture kung saan ay magkaharap sila ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Mccoy

Biro naman ng mga netizen, parang nananalamin daw si Mccoy.

“Anong feeling noong para kang nanalamin? So cute!!!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“She is a spicy image of you Maccoy! She is getting big ang beautiful!”

Instagram: @mccoydeleon

Sinulat ni

Jobelle Macayan