Ang meconium ang dark green fecal material na nabubuo sa intestines ng fetus bago ito ipanganak. Pagkapanganak, ilalabas ng sanggol ang dumi ng meconium nang ilang araw.
Kung ang iyong baby ay makaranas ng stress bago o habang ipinapanganak, maaaring itong magtae ng meconium nang wala sa oras. Ang dumi na may meconium ay hahalo sa amniotic fluid na pumapaligid sa fetus.
Maaari namang pumasok sa baga ng fetus ang naghalong dumi at at amniotic fluid bago, habang, o pagkatapos nitong maipanganak. Ito ang tinatawag na meconium aspiration on meconium aspiration syndrome (MAS).
Bagamat madalas ay hindi delikado ang MAS, sa ilang kaso ay maaari itong magdulot ng komplikasyon para sa kalusugan ng iyong bagong panganak na sanggol. At kung malala at hindi naagapan ang MAS, maaari itong makamatay.
Sanhi ng meconium aspiration syndrome
Ang MAS ay nangyayari kung nakakaranas ng stress ang baby. Ang stress ay nangyayari kung kung nababawasan ang oxygen ng fetus. Madalas nagkakaroon ng fetal stress kung:
- lagpas na sa due date ang ina (higit 40 weeks)
- matagal o mahirap na labor
- kung may kondisyon ang ina gaya ng hypertension o diabetes
- impeksyon
Ang meconium ay nabubuo lamang ng fetus sa huling bahagi na ng pagbubuntis, kaya kung overdue na si baby, mas malaki ang tiyansa na ma-expose sa meconium ang baby.
Habang lumalapit ang ina sa due date nito, nababawasan din ang amniotic fluid, kaya nagiging mas concentrated ang meconium. Dahil dito, mas madalas mangyari ang MAS sa mga overdue ipinanganak. Madalang naman itong mangyari sa premature newborns.
Sintomas ng meconium aspiration syndrome
Respiratory distress ang pinakakitang-kitang sintomas ng MAS. Makikitang labis na mabilis ang paghinga ng baby, at umiingit ito kapag humihinga. May ilan ding humihinto ang paghinga kung nabarahan ng meconium ang kanilang airway.
Ang iba pang sintomas ay:
- maasul na kulay ng balat, na ang tawag ay cyanosis
- pagkalata
- mababang blood pressure
Paano ito nada-diagnose?
Batay sa sintomas ng iyong sanggol, pati na ng meconium sa amniotic fluid ay malalaman ng doktor kung may MAS ang iyong anak.
Papakinggan din ang dibdib at paghinga ng iyong anak para sa abnormal breathing. Ang ibang paraan upang makumpirma ang MAS ay:
- blood gas test upang makita ang dami ng oxygen at carbon dioxide
- chest X-ray upang makita kung may pumasok sa kanyang baga
Lunas
Kung may meconium aspiration syndrome ang iyong sanggol, kinakailangang maalis agad ang meconium sa kaniyang upper airway. Pagkapanganak, isa-suction agad ang ilong, bunganga at lalamunan.
Kung hindi humihinga o hindi nagre-respond si baby, maaaring lagyan ng tubo ang kanyang windpipe o trachea, upang mahigop ang fluid na may meconium sa kanyang windpipe.
Kung hindi pa rin humihinga ang sanggol at mababa ang heart rate nito, maaari siyang lagyan ng oxygen mask upang matulungang ma-inflate ang kanyang mga baga.
Matapos mabigyan ng paunang lunas, kailangang obserbahan ang paghinga ni baby. Ang ilang pang karagdagang lunas upang maiwasan ang komplikasyon ay:
- oxygen therapy upang masigurong may sapat na oxygen sa dugo
- paggamit ng radiant warmer upang mapanatili ang body temperature
- antiobiotics upang magamot o maiwasan ang impeksyon
- paggamit ng ventilator upang tulungang huminga si baby
- extracorporeal membrane oxygenation (ECMO) kung hindi pa rin nagre-respond si baby sa paggamot, o kung meron itong high blood pressure sa baga
Komplikasyon
Ang pagkakaroon ng meconium sa baga ng baby ay maaaring magdulot ng inflammation at impeksyon.
Binabarahan din ng meconium ang airways, na dahilan upang mag-over expand ang lungs. Delikado ito dahil maaaring pumutok o mag-collapse ang mga baga. Ang hangin sa loob ng baga ay maiipon sa chest cavity at sa paligid ng baga. Ang kondisyong ito ay tinatawag na pneumothorax, at pag nagkaroon nito, mahirap nang ma-reinflate ang baga.
Pinapataas din ng MAS ang tiyansa na magkaroon ang iyong anak ng persistent pulmonary hypertension of the newborn (PPHN). Kung may high blood pressure sa baga, pinipigilan nito ang pagdaloy ng dugo, kaya nahihirapang huminga si baby. Ang PPHN ay isang rare ngunit life-threatening condition.
Bagamat madalang, Kung malala ang MAS ng isang sanggol ay maaari nitong malimitahan ang oxygen sa utak, na maaaring mauwi sa permanent brain damage.
Paano iwasan ang MAS
Upang maiwasan ang MAS, dapat mayroong fetal monitoring bago manganak upang malaman kung nakararanas ng stress ang fetus. Early detection ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang MAS.
Source: Healthline
Basahin: What should you do if you’re already past your due date?