Scholarship para sa mga nais maging doktor, aprubado na sa senado

Nangangarap bang maging duktor ang iyong anak? Maari niya ng maisakatuparan ito sa tulong ng medical scholarship na ini-ooffer ng gobyerno.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Batas na nagsusulong ng medical scholarships in the Philippines aprubado na sa Senado. Magandang balita ito para sa nangangarap maging isang duktor!

Doktor Para Sa Bayan Act

Image from Freepik

Kahapon ay inaprubahan na sa Senado ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 1520 o “Doktor Para Sa Bayan Act”. Ang bill na ito ay naglalayon na magbigay ng scholarship sa mga Pilipinong deserving ngunit walang kakayahang makapag-aral ng medisina. Layunin din ng batas na ito na magkaroon ng isang doktor sa kada munisipalidad sa Pilipinas. Ito’y upang ma-improve ang healthcare services sa bansa at mas maging handa rin ang ating bansa sa mga sakit at pandemya tulad ng nararanasan natin ngayon.

Sa ilalim ng scholarship grant na ibinibigay ng batas na ito, ang bawat qualified na scholar ay mabibigyan ng suporta sa kaniyang tuition sa pag-aaral ng medisina. Ganoon din ang kaniyang school fees, uniform, allowance sa dormitoryo at transportasyon. Pati na rin ang internship fees, medical board review fees, licensure fees, medical insurance, at living allowance.

Ang sinumang nagnanais na makakuha ng scholarship grant na ito ay kailangang makapasa muna sa National Medical Admission Test. Ganoon din sa mga entrance examinations na kinakailangan upang makakuha ng Doctor of Medicine degree.

Kapalit ng scholarship ay kailangang magserbisyo ng iskolar sa gobyerno

Sa oras naman na mapabilang sa scholarship ay kailangang agad na kumuha ng iskolar ng licensure exam sa loob ng isang taon matapos makumpleto ang kaniyang internship program. Kung makapasa ay dapat magtrabaho o magserbisyo muna ang medicine scholar sa isang government health office o government hospital sa kaniyang hometown. Ang haba ng pag-sesebirsyo niyang ito ay nakadepende sa kung ilang taon siya sumailalim sa scholarship program. Dahil ang isang taon ng pagiging iskolar niya sa nasabing batas ay katumbas ng isang taon ng pagrerender niya ng serbisyo sa pampublikong ospital. Kung hindi tutupad dito ang iskolar ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng gastos ng gobyerno sa pagpapaaral sa kaniya.

“We will give free medical education to poor and deserving students in all our regions. But we will also require them to render a return service, fitting and proper to the Filipino people, from medical doctors who were educated from the government’s coffers.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Sen. Joel Villanueva na isa sa sponsor ng nasabing batas.

Image from Freepik

Malaking tulong para sa mga Pilipinong nagnanais maging isang doktor

Ayon pa rin sa Senado, ang batas na ito ay isang napakalaking tulong sa mga Pilipino. Dahil para makumpleto ang kurso sa medisina ay kailangang gumastos ng P40,000-P50,000 kada semester sa isang private university ang isang estudyante. Nasa P8,000-P13,000 kada semester naman ang pag-aaral ng medisina sa isang pampublikong unibersidad.

Ang pag-aaral ng medisina ay tinatayang aabot ng 9 na taon. Apat na taon para sa pre-medicine course o bachelor’s degree. At dagdag na 5 taon para Doctor of Medicine degree. Kasunod nito, para maging ganap na doktor ay kailangang makapasa muna sa board exam o Physician Licensure Examination.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman ang pagbibigay ng medical scholarship na ito’y napakalaking bagay hindi lamang sa mga nagnanais maging doktor kung hindi pati na rin sa kinabukasan at antas ng kalusugan sa bansa.

“Ang pagsasabatas ng Doktor Para sa Bayan Act ang unang hakbang para patuloy na maging matagumpay at mamayagpag ang ating mga kabataang nais na maging mga doktor.”

“Naniniwala akong magaling ang mga Pilipino sa larangan ng medisina. Kaya nating mag-produce ng mga world-class doctors na maipagmamalaki ng ating bansa.”

Ito naman ang pahayag ni Senator Vicente “Tito” Sotto tungkol sa Doktor Para Sa Bayan Act.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Medical scholarships in the Philippines

Samantala, maliban sa bagong aprubadong batas na ito sa Senado, may ibang institusyon na rin ang nag-ooffer ng medical scholarships sa Pilipinas. Narito ang mga sumusunod:

1. DOH Medical Scholarship Program

Ang medical scholarship program na ito ay bukas para sa mga miyembro ng IP o indigenous people, barangay health workers, local health workers, empleyado ng DOH at kanilang mga anak. Ganoon din para sa mga estudyanteng nagmula sa mga low-income family. Pati na sa mga geographically-isolated at disadvantaged areas sa bansa.

Para mapabilang sa medical scholarship Kinakailangan lamang mag-apply sa mga partner school ng DOH at kumpletuhin ang kanilang hinihinging requirements. Sa oras na makapasa o mapabilang sa scholarship program ay makakatanggap ng full tuition subsidy at five-year scholarship package ang estudyante. Kabilang dito ang kaniyang allowances, miscellaneous at laboratory fees.

Bilang kapalit sa scholarship ay kailangan din nilang magserbisyo sa pampubliko, pribadong ospital sa bansa, sa mga local government health facilities, o barrio na kanilang tinitirhan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

2. University of the Philippines Manila – Bailon Dela Rama Scholarship

Ang scholarship grant na ito ay bukas para sa mga 2nd year students na naka-enroll sa College of Medicine and Public Health sa UP Manila.

Para maging iskolar ay kailangang mapanatili ng estudyante ang General Weighted Average o GWA ng hindi bababa sa 2.50 sa loob ng dalawang semester. Ito’y upang makatanggap siya ng allowance na nagkakahalaga ng P10,000 kada semester.

3. University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Inc. (UERMMMCI) Scholarship Programs

May scholarship program din na ini-offer ang UE College of Medicine. Ito’y bukas para sa lahat ng estudyante ng medisina na financially deserving na makakuha nito.

4. St. Luke’s College of Medicine – William H. Quasha Memorial

May ibinibigay rin na full scholarship ang St. Luke’s College of Medicine sa kanilang mga estudyante. Ngunit para mag-qualify ay kailangan munang bachelor’s degree holder and with latin honors mula sa isang Philippine university ang isang estudyante. Siya’y dapat magkaroon din ng GWA na 85% o higit pa.

5. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Medicine

May ini-offer din na medical scholarship ang PLM para sa kanilang mga estudyante. Bagama’t mas istrikto ito sa mga hinihinging admission requirements.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Silliman University, Dumaguete – Romeo P. Ariniego Scholarship for Medical Education –

Sa mga nagnanais na mag-aral malayo sa Manila ay may ini-ooffer din na medical scholarship ang Siliman University. Ito’y bukas para sa mga estudyante na graduate ng qualified baccalaureate degree programs mula sa public o private school sa Pilipinas. Sila’y dapat Filipino citizen at nakapasa sa National Medical Admission (NMAT) at may percentile rank na 75 o higit pa.

 

Source:

DOLE, Senate PH

BASAHIN:

National Teachers College provides flexible, affordable, quality education for all during COVID-19