Melai Cantiveros as a mom sinabing hindi niya naman kailangan ng appreciation. Dahil bilang isang ina ay mahal niya ang ginagagawa niyang pagsisilbi sa mga anak niya at asawa.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Melai Cantiveros as a mom.
- Realization ni Melai.
Melai Cantiveros as a mom
Sa isang exclusive interview ay ibinahagi ng celebrity mom na si Melai Cantiveros ang fulfilling feeling niya bilang isang ina. Ayon sa kaniya, pagdating sa pagiging nanay hindi batayan ang anumang regalo o appreciation. Dahil ginagampanan niya daw ang tungkulin niyang ito ng buong puso.
“Actually, wala ka namang hinihinging appreciation kasi mahal mo naman yung ginagawa mo.”
Ito ang sabi pa ni Melai sa panayam.
Pero kung may nais nga man daw siyang regalo na matanggap kaugnay nitong nagdaang Mother’s Day ay para parin ito sa kaniyang pamilya. Ito ay ang pagkakaroon ng good health o maayos na kalusugan para sa kaniya at buo niyang pamilya.
“The best gift talaga is ever since after nung pandemic, is good health. Good health talaga ang masabi ko. Wala ako ibang mahihiling. I realized na health is wealth talaga.”
Ito ang sabi pa ni Melai sa panayam. Dahil ayon sa kaniya kung malusog ka ay mas maraming oras mong makakasama ang iyong pamilya. At bilang isang ina ay masisiguro mo ang maayos na pag-aalaga sa kanila. Dahil aanhin mo nga naman daw ang pera o material na bagay kung may sakit kang nararamdaman na maaring maging balakid sa mas marami mong oras kasama ang iyong pamilya.
Larawan mula sa Instagram account ni Melai Cantiveros-Francisco
Realization ni Melai
“Yung time na healthy ka, kasama ang mga mahal mo sa buhay at mga anak mo, yun ang pinaka precious talaga na gift sa akin na ibibigay sa akin ni Lord. Kaya every year na good health ka is a blessing.”
“Unless, yung mga pera makakaya yan kung masipag ka makakaya yan, makikitaan mo yan ng paraan. Pero pag yung health na ang problema, yan ang pinakamahirap na problema na pagdadaanan.”
Ito ang sabi pa ni Melai sa panayam.
Larawan mula sa Instagram account ni Melai Cantiveros-Francisco
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!