LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

Nag-celebrate ng ika-10th annversary ang mag-asawang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa "Magandang Buhay" ng kanilang tambalan na nagsimula nga sa "PBB Double-Up," kahapon ng ika-30 ng Setyembre, Lunes.

Emosyonal na pagpalitan ng mensahe ni Melai Cantiveros at Jason Francisco

Noong una nga ay nagbiro pa ang comedy-actress na si Melai Cantiveros, "Mayroon kaming i-a-announce, ngayon din after ng 10th year, hanggang dito na lang, maga-annulment na kami. Charot lang!"

Sabay bawi at tawa rin ng mga kasamahan nitong sina Jolina Magdangal at Karla Estrada sa talk show.

Pagbawi naman ni Melai sa kaniyang biro, mensahe nito kay Jason, "Papang, thank you so much for always being there sa ating family."

Aniya pa, "Ikaw talaga ang nagneu-neutralize sa akin kasi iba ang pagkatao ko, talagang outgoing ako at ikaw 'yung nagdi-disiplina sa akin para maging seryoso sa buhay."

"Ikaw ang aking security guard at ikaw ang aking pride," dagdag pa ng "Magandang Buhay" co-host.

Sabay kiss kay Jason matapos maibigay niya ang mensahe nito.

Matapos magbigay ng mensahe si Melai, si Jason naman ang nagbigay ng kaniya para sa asawa.

Panimula nga ng aktor, "Baliktad nga. Ewan ko bakit tayo nagkatuluyan," sabay tawa nila.

Pagpapatuloy ni Jason, "Ikaw napakakulit, ako sa totoong buhay ayaw ko ng makulit, gusto ko tahimik lang."

"Iniisip ko na lang, hindi tayo pagtatagpuin kung walang dahilan at walang rason," sambit ng asawa ni Melai.

Dito na nga nagsimulang manggilid ang mga luha ng celebrity mom na napansin pa ng co-host nito na si Karla.

Dagdag pa ni Jason, "Sabi ko nga talagang araw-araw ilaban. Lalo na tayo artista, ang hirap, lahat pinapansin."

"May iba't-ibang interpretasyon ang tao. Sila hindi naman natin sila kasama sa bahay," aniya pa.

"Kaya tama 'yung mindset, kasi kapag inisip mo na hindi kayo maghihiwalay, hindi naman talaga, hindi ba?" pasaring ni Jason.

"Kaya huwag kang mag-alala. Hindi na 'yon mauulit ulit. Basta lang makinig ka," sabay tawa ni Melai.

"Hindi ba? 'Yun lang naman. Lagi niyong isipin kayo pati si Nanay mahal na mahal ko kayo," dagdag pa nito.

Present din sa interview ang mga anak nila Jason at Melai na sina Mela at Stela.

Nandoon rin ang nanay ni Melai na si Nanay Virgie, kung saan naging emosyonal din siya ng sambitin ni Jason na hindi na nga mauulit ang hiwalayang nangyari sa kanila dati.

Pasasalamat ni Melai

Nagpasalamat nga rin si Melai Cantiveros sa kaniyang "Magandang Buhay" family, dahil sa pag-celebrate din nito ng 10th anniversary nga nilang mag-asawa.

Sa kaniyang Instagram post aniya, "Thanks @_magandangbuhay family sa Love and pag celebrate nyu dn ng #10thanniversary nmin sa #pbbdoubleup, at ngayun merun na kaming dalawang anak ❤️"

Dagdag pa niya, "Tapos may morning show ako na host ako, nakkataba ng puso, itu pala ang iniisip namin nun na anu kaya ang mangyayari after 10 yrs."

"At lahat ng itu dahil sa ating Panginoong Jesus :) ❤️ To God be the Glory Amen ? kaya watch na tayu On nyu na tv nyu malapit na 8:00 AM na sa @_magandangbuhay," pagimbita pa nito sa mga manonood na manood ng kanilang interview segment.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Melai Cantiveros - Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

Source: ABS-CBN News

Basahin: LOOK: Tito Sotto at Helen Gamboa, nag-celebrate ng 50th wedding anniversary

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner