Melai Cantiveros gustong magkaroon ng baby boy, pero pagkakaroon ng 3rd baby nakasalalay daw sa desisyon ng mga anak niyang si Stela at Mela

Ito ang paliwanag ni Melai kung bakit gusto nila ng mister na si Jason na kasama ang mga anak sa pagkakaroon nila ng 3rd baby.

Melai Cantiveros ibinahaging gusto ng magkaroon ng 3rd baby na sana ay isang boy na.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Melai Cantiveros on having a 3rd
  • Birthday celebration ni Melai.

Melai Cantiveros on having a 3rd baby

melain cantiveros and jason velasco on having 3rd baby Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

Kung pagbibigyan ay gusto na daw sana ng komedyanteng si Melai Cantiveros na magkaroon na ng baby boy. Dahil sa mayroon na silang two beautiful daughters ng mister na si Jason Francisco at isang baby boy ang kukumpleto na sa kanilang pamilya.

“Sana magka-baby pa para may boy kami. Tapos sana April din ipanganak para ang pangalan ay April Boy.”

Ito ang pabirong pagbabahagi ni Melai na nagdiwang ng kaniyang 36th birthday nito lamang April 6.

Pero pagdating daw sa pagkakaroon ng pangatlong anak, ang desisyon ay hindi lang basta nakasalalay kay Melai at mister na si Jason. Isinasama daw nila sa pagdedesisyon ang mga anak na sina Stela at Mela.

“Wini-wish ko din na magka-baby pero kasi si Jason kasi hinahayaan niya na magustuhan ni Stela. Kasi kumbaga, para sa kanya, hindi lang kami ang magdedesisyon, magdedesisyon din ang mga magkakapatid. Kung gusto mo na, e, gagawin na namin ni Papa mo. Pero kung hindi mo pa gusto because part ka rin ng family, dapat isa ka rin sa magdesisyon. E, ayaw pa ni Stela."

Ito naman ang pahayag ni Melai tungkol sa pagkakaroon niya ng pangatlong anak.

melai cantiveros family Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

Birthday celebration ni Melai

Samantala, kahit hindi pa nagbibigay ng kaniyang go signal ang anak nilang si Stela sa hiling ni Melai sa baby boy ay masaya at kontento daw ito sa kanilang pamilya. Nang matanong nga sa wish niya pa nitong nagdaan niyang kaarawan ay ito ang nasabi pa ng komedyante.

“Wala na kong wish na mga bagay, ang wish ko talaga is i-sustain ako ni Lord ng wisdom. Ang pinaka-wish ko maibigay sa kin ni Lord para sa daily journey sa life.”

Pagdating naman sa gift niya sa kaniyang sarili ngayong 36 years old na siya, ito naman ang nasabi ni Melai.

“Ang pakiramdam ng 36 ay alam mong peace of mind ang best gift to yourself. Una si Lord, nagbibigay ng peace of mind. Number 2 is my family - Jason, Mela and Stela, mama and papa ko.”

melai cantiveros on having 3rd baby Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!