Melai Cantiveros may banta sa basher na nagsabing pangit ang anak niya. Papahanap at idedemenda niya r
aw umano ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Banta ni Melai Cantiveros sa basher na nagsabing pangit ang anak niya.
- Si Melia Cantiveros bilang ina.
Melai Cantiveros may banta sa nanlait sa anak niya
Image from Melai Cantiveros Francisco’s Facebook account
Kahapon ay nag-post ang aktres at TV host na si Melai Cantiveros ng screenshot ng pag-uusap nila ng isang netizen. Ang naturang netizen base sa screenshot na ipinakita ni Melai ay sinabing pangit ang mga anak niya.
“Epal mo din e ano. ‘Wag mo i-ship si Kyle kay Chie anak mo nga ang pangit.”
Ito ang sabi ng netizen. Ang netizen ay avid fan umano ng young actress na si Francine Diaz base narin sa username nito sa Instagram. At hindi umano nagustuhan nito ang paglilink ni Melai sa mga young stars rin na sina Chie Filomeno at Kyle Echarri.
Ang sinabing ito ng netizen ay hindi nagustuhan ni Melai. Kaya naman ito ang sinagot niya rito.
“Humanda ka papahanap kita, dedemanda kita.”
Sa caption ng kaniyang IG post ay dinetalye ni Melai na ito ang naging reaksyon niya dahil sa mga sinasabi nito laban sa anak niya.
“Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa NBI ang account mo mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mo sa anak ko, ako sabihan mo okay lang ‘wag ang anak ko .”
Ito ang sabi pa ni Melai Cantiveros sa basher ng anak niya.
Melai pinayuhan ang nambash sa anak niya
Image from Melai Cantiveros Francisco’s Facebook account
Ilang oras matapos ito ay sumunod na nagpost si Melai na nag-reach out na raw ang basher na lumait sa anak niya. Pinakita niya ang naging pag-uusap nila at ito ay humingi na raw ng tawad.
“Alam mo mag-sorry ka mabilis ako magpatawad. ‘Wag mo uulitin kahit hindi artista. At ‘wag anak kasi babalikan ka.”
Ito ang bahagi ng sinabi ni Melai sa naturang basher ng anak niya.
Tinanggap naman ni Melai ang paghingi ng tawad ng basher ng anak niya. Ito rin ay pinayuhan niya pa.
“Ok mag-pray ka kilalanin mu si Jesus para ‘di ka mapuno ng kanegahan, ‘wag ka na rin mambash baka dumating time na ‘di ka na mapatawad mademanda ka na.”
Sa caption ng kaniyang post ay may dagdag pa itong paalala.
“Hayan maging lesson ‘yan na wag basta magpadala sa feelings tapos pipindot nalang na ‘di inaalam kng may mahu-hurt kaba na damdamin. Matuto tayp rumespeto ng tao. Respeto is the key para sa matiwasay na buhay. Kung ‘di mo gusto ang sinasabi ng ibang tao i-respeto mo, and lets mind our own business at last magpatawad at magmahalan.”
Ito ang sabi pa ng TV host na si Melai Cantiveros.
View this post on Instagram
BASAHIN:
Melai Cantiveros, ibinahagi ang paraan niya ng pagdidisiplina sa mga anak
Melai Cantiveros opens up about her battle with postpartum depression
Janella Salvador on unexpected pregnancy: “Hindi naman ako sayang dahil nagka-anak ako”
Melai Cantiveros as a mother
Image from Melai Cantiveros Francisco’s Facebook account
Si Melai Cantiveros at mister niyang si Jason Francisco ay may dalawang anak na sina Mela, 7-anyos at si Steya, 3-anyos.
Sa isang panayam ay ibinahagi ni Melai kung paano pinalalaki ang mga anak niya. Ayon sa TV host, kahit sila na mga magulang nito ay artista o sinabing sikat ng karamihan ay inilalagay niya sa isip ng mga anak niya ang manatiling humble. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagpapa-experience sa mga anak kung anong buhay mayroon siya noon.
“‘Yong buhay ko noon, ‘yon ang pinapa-experience ko sa kanila, para maging aware sila. Like nung Pasko, umuwi kami ng province, hindi kami nag hotel at nag-stay kami sa bahay ng mga kamag anak namin.”
Ito ang sabi ni Melai sa isang panayam.
Maliban dito, tinuturuan niya rin daw umano ang mga anak na maging friendly sa mga taong makakahalubilo nila. Lalo na’t sa ngayon ay marami na ring nag-fofollow sa anak sa social media.
“Happy kami kasi dumadami ang following nila and even sa labas, madami na nagpapa-picture kay Mela. Minsan nga sa kanya na lang, wala na sa amin. So pinapaalala ko sa kanya na dapat nice siya and smile lang siya kasi fans ang reason bakit siya may show.”
Ito ang sabi pa ng TV host kung paano pinalalaki ang mga anak niya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!