Melai Cantiveros, ibinahagi ang paraan niya ng pagdidisiplina sa mga anak

lead image

Alamin kung paano dini-disiplina ng celebrity mom na si Melai Cantiveros ang kaniyang dalawang babaeng anak na si Mela at si Stela.

Nakapukaw ng atensyon ang isang Instagram post ng TV host at comedy actress na si Melai Cantiveros noong July 13, Sabado, nang i-post nito ang litrato ng kanyang dalawang anak na si Mela at Stela na naka-face the wall with matching pagluhod pa.

Melai Cantiveros: "Face the wall" post

Sa Instagram post ni Melai Cantiveros, kinuwento ng Magandang Buhay host kung paano siya dinisiplina noon ng kaniyang mga magulang, "Kami sauna pag gaAway mi diretsu Luhod tapos sabayan ug asin ang tuhod sabay ampo."

Aniya nga noong araw ay pinapaluhod daw sila sa asin ng kapatid niya kapag nag-aaway sila. Pero ngayon nga'y may twist na ginagawa si Melai sa pagpaparusa sa kaniyang mga anak.

Ayon sa kaniyang caption na naka-Bisaya, "Karun kay English na #FaceTheWall na , sabay japun Ampo ug sorry sa usag usa , tapos realization nganu giparusahan , para makakat on . ug pohon mangadagko sila , mudako nga naay maayu nga pamatasan."

"Tama man? Kamu unsaun ninyu disiplinahun inyung mga anak , Comment na mao ning gitawag na #Merese para kay @atemelafrancisco @stelarosalind , kay gaaway mn , #AwaypaMore para #LuhodPaMore," pagpapatuloy ni Melai.

Ang parusa na ginagawa ni Melai di-umano sa kaniyang dalawang babae ay "face the wall" na may kasama ring pagluhod pero wala ng kasamang asin.

Sa kalaunan matapos maparusahan ang mga anak ipinapaliwanag naman daw ng PBB Otso Gold host ang dahilan kung bakit sila pinaparusahan upang maintindihan din nila na mali ang kanilang nagawa at hindi gawin muli.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Melai Cantiveros - Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

Source: Melai Cantiveros

Basahin: Joy at Edric Mendoza, nagbahagi ng tips sa pagdidisiplina sa mga anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner