Melai Cantiveros to Jason Francisco on their 9th wedding anniversary: “Kahit minsan di mu ko MaGets love na love padn kita”

Melai at Jason ganito pinayuhan ang anak na si Stela sa naranasan nitong break-up sa bata niyang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Melai Cantiveros and Jason Francisco celebrates 9th wedding anniversary. Melai may sweet na mensahe sa kaniyang mister.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Melai Cantiveros and Jason Francisco 9th wedding anniversary.
  • Jason Francisco at Melai Cantiveros bilang magulang sa mga anak na sina Stela at Mela.

Melai Cantiveros and Jason Francisco anniversary

Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

Ang celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco ay nag-cecelebrate ng kanilang wedding anniversary sa pang-siyam na taon. Si Melai may sweet na mensahe sa mister niyang si Jason na ibinahagi ng comedian sa kaniyang Instagram account.

Pagsisimula ni Melai, 9 years ng love-hate ang relasyon nila ni Jason. Mukha mang perfect ang relasyon nila sa kanilang mga social media post, tulad ng ibang mag-asawa ay away-bati at may mga hindi pagkakaintindihan rin ang dalawa. Pero ang mga ito sa loob ng siyam na taon, ayon kay Melai ay naging dahilan para mas mapatibay pa ang pagsasama nila.

“9yrs of Loving and Hating, 9 yrs of Accepting and Blocking each other, 9 yrs of Recieving and Giving, 9 yrs of Keeping the Faith and Losing the Faith to each Other and 9 yrs of Trusting and Doubting each other
= Is equals to Matured and Best Version of ourselves for each other.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Melai para sa mister niyang si Jason Francisco sa kanilang 9th wedding anniversary.

Kasunod nito ay ipinarating ni Melai ang pagmamahal sa mister na love na love parin niya kahit minsan ay hindi sila nagkakaintindihan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy 9 yrs Wedding Anniv PapaNuggets . Kahit minsan di mu ko MaGets love na love padn kita wanggets Love u with our Nuggets , Ate Nuggets and Baby Nuggets. ❤❤❤. May Godbless more our Journey.”

Ito ang sabi pa ni Melai.

Sa post na ito ni Melai ay bumaha rin ang pagbati sa kanila ni Jason  mula sa mga kaibigan nila sa showbiz industry. Ito ang ilan sa mga celebrities na nagpaabot ng kanilang suporta at pagmamahal sa mag-asawa na siyam na taong matagumpay na isinasalba ang kanilang pagsasama.

iamsuperbianca Happiest anniversary #MelasonForever

sueannadoodles Labyu Ate and Kuya! Happy anniversary po 

iamandalioloisa Happy anniversary MelaSon!!!!!

mariajolina_ig Happy happy A!!!!

Melai Cantiveros at Jason Francisco as parents

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

Maliban sa pagiging mahusay na comedian ay hinahangaan rin ang mag-asawang sina Melai at Jason sa pagpapalaki sa kanilang dalawang anak na si Mela, 8yo at Stela, 5yo.

Ang mga ito ay marami naring followers sa kanilang social media accounts. Dahil ito sa ipinapakita nilang kabibohan na walang alinlangang namana nila sa kanilang magulang na parehong komedyante.

Kamakailan nga lang sa Instagram ay ibinahagi ni Melai kung paano nila tinulungang mag-asawa na mag-moveon ang anak na si Stela sa kaniyan broken heart. Dahil si Stela hindi na daw crush ng crush niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’m super sad. Kasi si Sam lagi niya ako pine-play, bakit ngayon hindi. Kasi hindi na niya ako crush.”

Ito ang sabi ng malungkot na si Stela. Si Melai agad namang pinanatag ang feelings ng anak sa pamamagitan ng pagsasabi na lagi silang nandyan para sa anak at handa silang maging constant playmate nito.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram

“Pero Stela kahit hindi ka na pineplay ni Sam mayroon namang Mama at Papa mo na pine-play ka saka si Ate. Ang pinaka-importante love na love ka ni Jesus.”

Sa sinabing ito ni Melai ay agad lumiwanag ang mukha ni Stela. Si Jason hindi napigilang mapahawak sa kaniyang ulo ng ikuwento ng anak na si Stela ang crush story niya at kung paano nauwi ito sa break up.

“Nagha-hide kami dun sa slide. Na-hold ko siya, ni let go niya sa baba.”

Si Jason natata-tawa na hindi makapaniwala na sa batang edad ng anak ay nakaranas na ito ng break up.

Si Melai tinanong ang anak sa kung anong natutunan niya sa naging break-up experience nito. Ito ang sabi ni Stela.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kung na broken heart kayo guys, wag kang mag-revenge. Tapos puwede kayo mag-find ng another love.”

Nang tanungin nga ni Melai si Stela kung bakit niya naging crush ang playmate niyang si Sam ay ito ang sagot ng bata na naningning ang tingin sa kaniyang amang si Jason.

“Kasi kamukha ni Papa. Tapos ‘yong color eyes niya ay color brown.”

Si Jason nangiti sa sagot na ito ng anak at pinayuhan ito sa kaniyang naging break-up sa bata nitong edad.

“Pagpahingain mo muna baka sa susunod na linggo crush ka na ulit. Wag ka mawalan ng pag-asa.”

Ilan lamang ito sa mga nakakatuwang moments ng pamilya nila Melai at Jason Francisco. Matatandaang ang relasyon ng dalawa ay nagsimula ng magkasama sila sa Pinoy Big Brother house noong 2009. Sila ay ikinasal noong 2013 na sinundan ng panganganak ni Melai kay Mela noong 2014 at si Stela naman noong 2017.

Larawan mula sa Facebook account ni Melai Cantiveros-Francisco

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement