Melissa Ricks sinagot ang isang netizen na nang-bash sa pagiging mataba niya.
Pagbabalik ni Melissa Ricks
Matagal ding hindi narinig ang pangalan ni Melissa Ricks sa mga balita. At kamakailang lang nang siya ay bumalik ay may pinatunayan siya. Iyan ay walang dapat ikahiya sa pagiging mataba at pagiging solong ina.
Sa isa sa pinakalatest niyang Instagram post ay ibinahagi ni Melissa Ricks ang isang larawan na kuha sa Puerto Prinsesa Underground River sa Palawan. Ngunit higit sa larawan ay mas maganda ang caption na nakalagay rito.
“During one of the hardest times in my life someone told me “the best days are still ahead of you.” It was exactly what I needed to hear at that time, I broke down in tears. So I want you to hear it too. “your best days are still ahead of you” things didn’t get better right away, but I got stronger. Until things started falling into place. Sometimes God is just waiting for us to call onto him, surrender all to him. There is a great plan for each and every one of us, a plan only he already knows and has laid out for us. It might be a bumpy road now, but at the end it is truly worth every pain, every tear and every heart break. ❤️”
View this post on Instagram
Ilan sa mga kilalang personalidad sa showbizness ay agad na nag-komento sa post na ito ni Melissa. Kabilang na si Gabby Concepcion na inaalala kung gaano kabuting tao ang pagkakakilala niya kay Melissa.
concepciongabby
@mellyricks09 I will never forget that you started my I.G. account. Thanks for helping me out. You are a good person. You are blessed. Standing behind you. It’s true, the best days are still ahead of you. 👍😊🙏👌
Habang may ilang netizen naman ang natuwa sa ibinahaging post na ito ng aktres.
toriburch_gie
In every angle of our life there’s always problem on our way . What we can do is drop it, leave it n let it go . God will fight for our battle . I’m happy for you . ❤️❤️❤️🙏
Sagot ni Melissa Ricks sa isang basher
Ngunit tila may isa sa mga netizen ang may napunang negatibo sa post na ito ni Melissa Ricks. Ito umano ay ang kaniyang katawan na malayong-malayo sa dating hugis nito. Hindi naman ito pinalampas ni Melissa, at agad na sinagot ang komento ng nasabing netizen.
Pero hindi parin tumigil ang netizen at sinabing hindi naman daw dapat magalit si Melissa sapagkat sinasabi lang nito ang totoo. Lalo pa’t ang ibang tulad niya na isa lang anak ay hindi pinapabayaan ang sarili nila at hindi lumubo.
Mom shaming is not ok.
Dito na sinabi ni Melissa na iba-iba ang mga tao. At imbis na hiyain ang kapwa babae dapat daw maging positive at i-encouraging pa siya sa mga ito.
Pag-amin ni Melissa sa pinagdaanang depresyon
Hindi naman in denial si Melissa sa malaking pagbabago ng katawan niya kumpara noong siya ay active sa showbiz pa. Sa isang Instagram post noong nakaraang taon ay emotional na ibinahagi ni Melissa na siya ay dumaan sa matinding depresyon na umapekto sa kaniyang physical at emotional health. Inamin niya ring siya ay single mom na at tanggap niyang may mga pagkakamali siyang nagawa. Ngunit patuloy lang siyang lumalaban para maging malakas.
Nagbigay rin siya ng paalala sa mga netizen tungkol sa depression at anxiety na maaring gumugulo sa kanila.
“That really affected me because actually the truth is I have been battling for so long to keep strong, trying to keep everything together, and knowing that I could touch a lot of people meant alot to me, so I became an emotional wreck during the comments!! Hahaha. YES I’m a single mom, YES I gained a lot of weight, YES I’m not active in showbiz anymore, YES I have made mistakes and YES I’m still battling my demons but that doesn’t define me. Not being okay is OK. Lets not let depression, anxiety, anger and hate get the best of us. Lets push through. God put us in each situation for a reason and I thank all these people who made me realize that and Made this journey fun.”
View this post on Instagram
Buhay ni Melissa Ricks ngayon
Si Melissa ay mayroong 4-year old na anak na babaeng si Kiera sa kaniyang ex-boyfriend na si Charles.
View this post on Instagram
Matatandaang pinakilala niya ang ex-boyfriend sa publiko noong 8th Star Magic Ball noong 2014 na kung saan buntis na siya sa anak na si Kiera. Nagsama ngunit hindi nagpakasal ang dalawa. At noong 2016 ay tila may pasaring si Melissa sa Instagram sa ama ng anak niya na kinalaunan ay nauwi na nga sa kanilang hiwalayan.
View this post on Instagram
A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09) on
Samantala sa isang Instagram post niya noong Setyembre kasama ang pinaniniwalaang boyfriend niya sa Singapore ay nag-komento rin ang parehong netizen na nang-bash sa pagiging mataba niya.
View this post on Instagram
A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09) on
Ngunit, naging matapang at palaban rin ang sagot ni Melissa tulad ng iba pang solong ina.
Source: ABS-CBN Push, Inquirer Entertainment, ABS-CBN Star Cinema
Basahin: 4 Types of mom-shaming that all moms can relate to
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!