Melissa Ricks, pregnant sa kaniyang second baby!

Balikan natin ang buhay pag-ibig ni Melissa at ang masayang relasyon niya ngayon sa mister na si Michael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Melissa Ricks ay pregnant sa kaniyang pangalawang anak at unang baby nila ng mister na si Michael Macatangay.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Melissa Ricks pregnant sa first baby nila ni Michael Macatangay
  • Buhay pag-ibig ni Melissa Ricks
  • Kasal nina Melissa at Michael

Melissa Ricks pregnant sa first baby nila ni Michael Macatangay

Larawan mula sa Instagram account ni Melissa Ricks

Masayang ibinalita ni Melissa Ricks na siya ay pregnant na sa first baby nila ng mister na si Michael Macatangay. Ito ay ginawa niya sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan makikita ang prenatal check-up niya kasama ang mister at panganay niyang anak na si Keira.

Ito ay isang maikling video na kung saan maririnig ang boses ng isang baby na nagbibigay-update sa kaniyang development habang nasa tiyan ng kaniyang mommy.

Si Melissa very happy sa bagong blessing na dumating sa kanilang pamilya. Base nga sa caption niya right timing ang pagdating ng ipinagbubuntis niyang sanggol. Ito ay sinabi niya sa pamamagitan ng isang Bible verse.

“’When the time is right, I, the Lord, will make it happen.’ Isaiah 60:22”

 
View this post on Instagram

Ang mga celebrity friends ni Melissa masaya para sa kaniya. Ito ang ilan sa reaksyon nila.

Kitkat: Yahoooo finally its out! Love you ninang! Congratz! Super happy for you! Mwah!

Mariel Padilla: Congratulations

Jessa Zaragoza: Congrats momma! @mellyricks09

Jeck Maierhofer: Ayannnnn naaaa ang announcement. See you soon inaanak!

Larawan mula sa Instagram account ni Melissa Ricks

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buhay pag-ibig ni Melissa Ricks

Ang panganay ni Melissa ngayon ay pitong taong gulang na. Siya ay nagngangalang Keira na naging anak ni Melissa sa nauna niyang ka-relasyon na si Charles Togezaki.

Matatandaang pinakilala niya ang ex-boyfriend sa publiko noong 8th Star Magic Ball noong 2014 na kung saan buntis na siya sa anak na si Kiera. Nagsama ngunit hindi nagpakasal ang dalawa. At noong 2016 ay tila may pasaring si Melissa sa Instagram sa ama ng anak niya na kinalaunan ay nauwi na nga sa kanilang hiwalayan.

Hanggang nitong 2020 ay ibinalita ni Melissa na siya ay engage na sa non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay. Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinahagi niya kung gaano siya ka-thankful sa pagdating nito sa buhay niya.

“I’m very thankful and blessed ako na God placed him in my life at sa time na hindi ko talaga akalain na I would fall in love again pa. Dahil talagang isinuko ko na kay Lord. Sabi ko, ‘Lord, ikaw na ang bahala sa akin.’ And God gave me Michael.”

Ito ang pahayag ni Melissa sa kaniyang naging engagement kay Michael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pamamagitan pa rin ng Instagram ay ibinahagi ni Melissa noon kung paano nagsimula ang love story nila ni Michael.

Kuwento niya, nakilala niya ito sa isang simbahan sa Rosario, Batangas na kung saan nagsisimba sila ng kaniyang anak na si Kiera linggo-linggo.

Ito ay two and ½ hours away sa kanilang bahay. Pero pagbabahagi ng aktres, sa lugar na iyon ay naramdaman niyang siya ay may pamilya at hindi nag-iisa. Hindi niya inakala na doon niya din pala makikilala ang taong ipinagdadasal niya sa Diyos.

At nito ngang May 2021, ikinasal na si Melissa sa mister na ngayong si Michael Macatangay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasal nina Melissa at Michael

Sa kaniyang Instagram account noon ay masayang ibinahagi ng dating aktres ang naging kasal niya sa non-showbiz boyfriend.

Ayon sa aktres, ang naging kasal nila ay very simple and intimate. Ito ay dinaluhan lang ng 15 katao at ginanap sa maliit na chapel sa California. Sinundan ito ng reception sa bakuran ng stepdad niya na very fun umano para sa aktres dahil nandoon ang kaniyang pamilya.

Dagdag niya pa, ang kaniyang kasal ay pinaghandaan lang nila ng kaniyang mister na ngayong si Michael sa loob lang ng 3 linggo.

“Our Wedding. Our special day made special by my closest friends and relatives here in California in only 3 weeks!”

“I woke up early, hubby cooked breakfast, we went to the grocery to get some snacks and soda for the guests. Went through the drive thru at jack in the box to get churros and tacos, then proceeded home to get ready. I did my own hair and makeup.”

“Zipped myself into my gown, drove down to the chapel, had a simple ceremony with 15 people. Afterwards we had the reception in my step dad’s backyard. (I) couldn’t get any simpler than that.”

Ito ang pagbabahagi ni Melissa sa special na event na ito sa buhay niya sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi rin ng aktres kung paano naging possible ang kasal nila ni Macatangay sa effort mismo ng kaniyang mister na ngayon. Sa katunayan, kahit nga umano sa gown na isinuot niya ay halos ito ang nag-asikaso. Mula sa pakikipag-usap sa designer, telang gagamitin at sa design nito.

Ang kaniyang gown ay idinesenyo ng Batangas-based designer na si Lauren Berberabe Hernandez.

Ayon pa rin sa mga Instagram post ng aktres, naganap ang kanilang kasal ng mister na si Michael noong May 23, 2021. Isang bagay na inakala umano ni Melissa na hindi na mangyayari sa kaniya. Ang pagdating ni Michael sa buhay niya, ayon kay Melissa ay isang answered prayer.

“5 years ago I was in a totally different place in my life. I wouldn’t think I would be where I am today. God has truly been good, he has answered my prayers as he has promised.”

Ito ang pahayag pa ni Melissa tungkol sa naging kaniyang kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement