Lola, nag-panggap na buntis at kinidnap ang apo para palabasing 'anak' niya

Narito ang mga impormasyong dapat malaman ng mga babae tungkol sa pagme-menopause at pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Menopausal baby, iyan ang naging papel na ginampanan ng isang buwang sanggol matapos kidnappin ng kaniyang lola. Ang dahilan? Ayaw ni lolang iwan siya ng kalaguyo niya.

Image from Freepik

Isang 55-anyos na babae sa China ang iniulat na kinidnap umano ang apo niya. Ito ay matapos biglang mawala ang lola at kaniyang apo sa family celebration ng ika-1st month birthday ng sanggol.

Tatlong araw matapos ang kidnapping incident, natunton ang apartment na pinagtataguan ng lola at na-rescue ang bata. Dito na nalaman ng pamilya ni lola kung bakit nagawa niya ito sa apo niya.

Lola na nangidnap ng apo niya

Ayon sa ginawang imbestigasyon, ang lola na pinangalanang Zeng ay may affair umano sa ibang lalaki na pinangalanang Cai. Hindi naman ito lingid sa kaalaman ng kaniyang asawa.

Sa edad na 55, kahit nasa menopausal stage na, ang relasyon ni Zeng at Cai umano ay nagbunga. Ngunit, hindi rin daw ito natuloy dahil nakunan si Zeng matapos madulas sa kaniyang trabaho.

Ang nangyari ay hindi daw pinaalam ni Zeng kay Cai. Dahil may usapan daw sila na magsasama na sa oras na magkaanak sila. Kaya naman para maitago ang pagkawala ng kaniyang dinadala ay lumayo si Zeng at umuwi sa Anhui Province sa China na kinalakihan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pamamagitan ng long distance relationship ay pinagpatuloy daw ni Zeng at Cai ang kanilang relasyon. Ito na pala ang naisip na paraan ni Zeng para maisagawa ang kaniyang plano. Ang magpanggap na buntis parin para hindi hiwalayan ni Cai at magpatuloy ang relasyon nila.

Sa mga larawang nakalap ng mga pulis mula kay Cai ay makikitang malaki ang tiyan ni Zeng na talaga nga namang buntis kung titingnan. Ayon kay Cai, pinapadala daw ni Zeng ito sa kaniya bilang update at patunay ng kaniyang pagbubuntis.

Base naman sa report ng mga pulis, habang dumadaan daw ang buwan ng pagpapanggap na buntis ni Zeng ay nilalagyan niya ng mga damit o unan ang kaniyang tiyan para kunan ng litrato. Saka ito ipapadala kay Cai para magmukha itong lumalaki at mapaniwala ang kalaguyo na buntis talaga siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image Screenshot from Pear Video

Ngunit may nakaambang problema si Zeng. Sino ang baby na ipapakita niya kay Cai at ipapakilalang anak nila?

Pinalabas na anak niya ang sanggol

Dito naging mabait ang tadhana kay Zeng. Dahil sa pagkakataong iyon ay tiyempong kapapanganak lang ng asawa ng stepson ni Zeng ng isang lalaking sanggol.

Ito na ang simula ng part 2 ng plano niya. Palalabasin niyang ang sanggol ay ang menopausal baby niya at dadalhin niya kay Cai para tuluyan na silang magsama.

At ang naging pinakamagandang pagkakataon para kunin ang sanggol ay noong 1st month birthday celebration nito. Dahil busy ang mga tao sa selebrasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento ng asawa ni Zeng na pinangalanang Zhang, hinanap niya umano ang kaniyang asawa sa buong bahay. Ganoon rin ang kaniyang apo na kasabay nitong nawala.

Tinawagan niya daw ang cellphone ni Zeng ngunit patay na ito at hindi na makontak. Dito na naisip ni Zhang na tumawag ng pulis dahil alam niyang may kakaiba at hindi na magandang nangyayari.

Matapos ang tatlong araw ay natunton ng mga pulis ang kinaroronan ni Zeng at nabawi ang bata. Saka lang nila naintindihan ang tunay na intensyon ni Zeng kung bakit nagawa nito ng krimen.

Sa ngayon si Zeng ay nakakulong at pinagdudusahan ang pangloloko at kasalanang kaniyang ginawa.

Ngunit paano nga ba nangyari na sa edad ni Zeng na 55-anyos ay nabuntis pa siya ni Cai? Normal lang ba sa mga babaeng nasa edad niya na karamihan ay menopause na ang magkaanak pa?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Menopausal stage sa mga babae

Ayon kay Dr. Margery Gass, executive director ng North American Menopause Society o (NAMS) ang salitang “menopause” ay tumutukoy sa mga babaeng hindi na niregla sa loob ng isang taon o higit pa dala ng kanilang edad.

Ito ay madalas na nangyayari sa mga babaeng 40 to 55 years old. Sa stage na ito ay hindi na nag-oovulate ang isang babae at hindi na mabubuntis pa.

Ngunit bago ang pag-memenopause ay may tinatawag na perimenopausal stage. Ito ang transition period na kung saan nagiging irregular palang ang period ng isang babae. Makakaranas rin sila ng sintomas tulad ng hot flashes o pag-init ng katawan na parang may lagnat na sinasabayan minsan ng night sweats o pagpapawis sa gabi.

Nag-rerelease parin daw ng eggs ang ovaries ng isang babae sa stage na ito. Bagamat hindi na kasing dalas o buwan-buwan tulad ng mga nakakabatang kababaihan.

Bumaba na rin ang tiyansa ng fertility sa stage na ito. Ngunit may posibilidad parin na maaring magbuntis kapag nakipagtalik.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang phase na ito ay maaring magtagal ng maraming taon bago pa tuluyang maabot ng isang babae ang menopausal stage. O ang stage na kung saan ang pangunahing sintomas ay hindi na siya ni-regla ng tuloy-tuloy sa loob ng isang taon.

Tiyansa ng pagbubuntis ng menopausal baby

Ayon parin kay Dr. Gass, ang mga babae ay bumaba ang tiyansa ng pagbubuntis habang nagkaka-edad.

Ang mga 30-anyos na babae ay mayroon nalang 20% chance na mabuntis sa kahit anong buwan. Bumababa naman ito ng hanggang 5% kapag tumungtong na ang isang babae sa edad na 40.  At sa edad na 45 pataas, ang chance ng pagkakaroon ng healthy pregnancy ng isang babae gamit ang sarili niyang eggs ay bumaba na sa 1%.

Kaya naman kahit na nagkakaedad na, huwag daw mag-aassume na hindi na mabubuntis pa paalala ni Dr.Gass. Maliban nalang kung hindi na nagkaroon ng regla sa loob ng isang taon o yung talagang menopause na.

Risk ng pagbubuntis ng menopausal baby

Dagdag pa niya, ang mga babaeng nagkakaedad na ay mas mabuting gumamit ng contraceptives o birth control kung wala ng planong magbuntis. Dahil habang nagkakaedad daw ang isang babae ay mas nadadagdagan ang health risk kung siya ay magbubuntis. Ganoon din ang banta sa kalusugan ng kaniyang magiging sanggol.

“Medically speaking, the risks go up considerably with age. In women over 40, gestational diabetes is twice as common, and the risk for high blood pressure and placental problems, such as placenta previa increases as well”, paliwanag ni Dr. Gass.

Maliban sa diabetes, high blood pressure at kondisyon tulad ng placenta previa ang cervix ay tumataas rin daw ng 50% ang tiyansa ng isang 40-year-old or above na buntis na ma-caesarian. Dahil hindi na daw “efficient” ang uterus nito na normal na maipanganak ang isang sanggol.

“Older women may also be more prone to ectopic pregnancy which can be life-threatening”, dagdag pa niya.

Mas tumataas din daw ang tiyansa ng miscarriage sa mga babae habang tumatanda. Sa edad na 30 ay 20% ang tiyansa ng miscarriage. Sa pagitan ng 40 to 44 years old, ito ay nagiging 33%. At nagiging 50% naman kapag umabot na sa edad na 45 years old.

Habang ang mga baby naman na ipinagbubuntis ng isang babaeng pa-menopause na ay mas mataas ang tiyansa na makaranas ng down syndrome.

Kaya naman sa pagkakataong ito ay ipinapayo ni Dr. Gass ang tripleng pag-iingat sa mga babaeng nagdadala ng kanilang menopausal baby.

At kung wala naman ng planong magbuntis pa, mas mabuti daw gumamit ng contraceptives para masigurong hindi na mabubuntis sa pagitan ng perimenopause at menopause stage ang isang babae.

Source: AsianOne, The Epoch Times, Heathline

Basahin: Warning sa mga magulang: May bagong kidnapping modus!