Workout Outfit Ideas For Men: Best Brands Na Mabibili Online

Narito ang ilan sa men's workout outfit ideas na maaari mong mabili online upang mas maging komportable ka at ligtas habang nag-eehersisyo.

Malaki ba ang itinaas ng iyong timbang noong mga nakaraang taon?

Men's Workout Outfit Ideas: Best Brands Available Online

Tiyak na kasama sa New Year's resolutions mo ang pagpapapayat. Kaya naman kung plano mo nang simulan ang pag-eehersisyo upang maachieve ang dream body mo, kinakailangan mo nang mag-invest sa mga comfy workout outfits.

Naglista kami ng iba't ibang men's workout outfit ideas na tiyak makakapagbigay suporta sa iyo habang ikaw ay nag-eexercise. Keep on scrolling at alamin kung saan mabibili ang mga ito.

Best Men's Workout Outfit Ideas

Workout Outfits for Men
Walker Men Gym Drifit Liquidry Sleeveless Shirt
Best sleeveless workout top
Buy Now
Adidas Training & Gym 3-Stripes Tee
Best Workout Top
Buy Now
Santic Men Cycling Underwear Shorts
Best Cycling Shorts
Buy Now
PUMA Woven 7" Men Running Shorts
Best Running Shorts
Buy Now
Decathlon Kiprun Running Socks
Best Workout Socks
Buy Now
PEAK Ultralight Sports Dry-Fit Cap
Best Workout Cap
Buy Now

Walker Men Gym Drifit Liquidry Sleeveless Shirt

Best sleeveless workout top

Men's Workout Outfit Ideas: Best Brands Available Online | Walker

Kung sando or sleeveless workout top ang hanap mo, tamang-tama para sa iyo ang Walker Men Drifit Sleeveless Shirt. Ginamitan ang top na ito ng 100% polyester material kaya naman ito ay lightweight at presko suotin. Madali lamang din ito matuyo kaya naman kahit na pagpawisan ka sa iyong workout ay maiiwasan mo ang pagkakaroon ng iritableng pakiramdam at body odor.

Available ang workout top na ito sa mga kulay na black - neon green at black - neon orange. Pagdating naman sa sizes, ito ay available mula small hanggang extra large.

Features we love:

  • Drifit sleeveless shirt
  • Polyester material
  • Lightweight at breathable

Adidas Training & Gym 3-Stripes Tee

Best Workout Top

Men's Workout Outfit Ideas: Best Brands Available Online | Adidas

Good investment din ang mga workout shirts kung daily ang iyong pag-eexercise. At kung naghahanap ka ng magandang brand ng gym at training top, you can never go wrong with Adidas. Ang Adidas Training & Gym 3-Stripes Tee ay gawa sa 100% polyester fabric kaya ito ay madaling matuyo kapag ikaw ay napagpawisan na.

Komportable rin ito suotin at strategic ang pagkakagawa rito. Ang pattern ng shirt na ito ay akma sa kahit anong uri ng workout kaya naman maayos kang makakagalaw habang suot ito. Stylish din ito at mayroong classic design na 3-stripes na signature ng nasabing brand.

Features we love:

  • Classic adidas style
  • Drifit shirt
  • Aeroready

Santic Men Cycling Underwear Shorts

Best Cycling Shorts

Men's Workout Outfit Ideas: Best Brands Available Online | Santic

Malaking tulong din ang paggamit ng cycling shorts upang maiwasan ang discomfort habang nag-eehersisyo. Nakakapagbigay suporta rin ito sa private part ng lalaki kapag sumasailalim sa intensive exercises. Kaya naman isa rin ito sa mga workout must-haves para sa mga kalalakihan. At kung wala ka pang nabibiling cycling shorts, check out Santic Men Cycling Underwear Shorts.

Ginawa ang cycling shorts na ito para sa biking. Akma ito gamitin para sa dalawa hanggang tatlong oras na pagbibike dahil padded ito at nakakapabigay suporta at proteksyon sa ari at puwet. Dahil din dito, makakaiwas ka sa ngalay dahil sa matagal na pagkaupo. Bukod pa riyan, ginamitan ito ng nylon at spandex material kaya naman napaka stretchable nito at moisture-absorbing na rin.

Maaari rin itong gamitin sa pagjojog o di kaya ay sa iba pang workout sa gym man o sa bahay.

Features we love:

  • Stretchable
  • Moisture-absorbing
  • Padded

PUMA Woven 7" Men Running Shorts

Best Running Shorts

Men's Workout Outfit Ideas: Best Brands Available Online | Puma

Jogging ba ang napili mong ehersisyo para maachieve ang iyong dream body this year? Perfect ang running shorts na ito para sa'yo! Ang Puma Woven 7" Men Running Shorts ay may running technology dryCELL feature na nakakapagpanatili ng dryness ng shorts kahit na mapagpawisan dulot ng pagwoworkout.

Karagdagan, gawa ito sa recycled polyester material kaya naman magaan, presko at komportable suotin. Adjustable rin ang waistband nito at may drawcord upang maadjust. Mayroon din itong backzip pocket na maaaring pagtaguan ng mga maliliit na bagay. Ang kagandahan pa sa running shorts na ito ay may built-in inner bried ito na nakakapagbigay suporta sa ari.

Features we love:

  • dryCELL feature
  • Backzip pocket
  • Built-in inner brief

Decathlon Kiprun Running Socks

Best Workout Socks

Men's Workout Outfit Ideas: Best Brands Available Online | Decathlon

Kinakailangan ding piliin ang medyas na gagamitin kapag nagwoworkout. Kapag kasi manipis o di kaya ay sobrang kapal ng iyong gamit, maaari kang magkaroon ng paltos o di kaya ay pananakit ng paa. Isa sa mga best choices ng workout socks na mabibili sa market ay ang Decathlon Kiprun Running Socks.

Ang medyas na ito ay ginawa para sa pagtakbo. Kaya nitong bigyan ang paa mula sa blisters at iba pang discomforts. Komportable rin itong suotin dahil sa microfibre thread na mayroon ito. Hindi rin ito mainit suotin dahil katamtaman lamang ang kapal nito.

Maaari rin itong gamitin sa paglakad, pag-jojogging at iba pang uri ng ehersisyo.

Features we love:

  • Microfibre thread
  • Breathable

PEAK Ultralight Sports Dry-Fit Cap

Best Workout Cap

Men's Workout Outfit Ideas: Best Brands Available Online | Peak

Kung outdoor exercises naman ang susubukan mo this year, kailangan mo rin ng sports cap upang mabigyan ka ng proteksyon mula sa araw. Best pick ang Peak Ultralight Sports Dri-fit Cap for you dahil ito ay gawa sa poly-blend material na madaling matuyo. Pawisan ka man dahil sa outdoor activity na iyong ginagawa ay makakaiwas ka pa rin sa anumang odor o discomfort.

Higit pa riyan ay napakagaan nito na para bang makakalimutan mong may suot kang cap. Adjustable rin ito dahil sa velcro adjustment strap nito. Available ito sa black at white color.

Features we love:

  • Dri-fit sports cap
  • Lightweight
  • Velcro adjustment strap

Price Comparison Table

Brand Price
Walker Php 424.00
Adidas Php 1,600.00
Santic Php 697.00
Puma Php 1,425.00
Decathlon Php 290.00
Peak Php 445.00

Paano pumili ng men's workout outfit ideas

Narito ang mga factors na dapat mong i-consider sa pagpili ng outfit para sa iyong pag-eehersisyo:

Comfort

Napaka importanteng isaalang-alang sa pagpili ng workout outfit ang comfort. Kung hindi ka komportable sa iyong suot, tiyak na mahihirapan ka o di kaya ay hindi mo matatapos ang pag-eehersisyo. Pumili ng mga outfits na ginawa talaga para sa pag-eehersisyo. Karaniwan sa mga ito ay gawa sa dri-fit, moisture-absorbing at breathable fabric.

Support

Mahalaga ring nakakapagbigay ng suporta sa iyong katawan ang mga outfits na pipiliin. Ang mga active wear ay ginawa hindi lamang para maging stylish habang nagwoworkout. Ginawa ang mga ito para rin makapagbigay suporta sa likod, dibdib, ari, puwet, legs at sa iba pang parte ng katawan.

Other Features

Mainam din na bumili ng mga outfits na may special features o iba pang gamit. Mas masusulit mo ang mga ito kung magagamit mo rin sa iba pang activities o di kaya ay bilang pang-alis na damit.

 

Siguradong mas gaganahan ka sa pagwoworkout kung komportable ang mga damit na iyong susuotin. Kaya naman kung may napupusuan ka na sa aming listahan ng men's workout outfit ideas, ano pang hinihintay mo? I-add to cart na agad at 'wag palagpasin ang malaking discounts na naghihintay sa'yo!