Dalawang babae, ginamit ang vacuum cleaner para pahintuin ang regla

Ano nga ba ang menstrual extraction at ligtas nga ba ito para sa mga kababaihan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Menstrual extractions method gamit ang vacuum cleaner naging dahilan para ma-ospital at malagay sa state of shock ang dalawang babae.

Ayon sa isang viral tweet na mula sa isang Twitter user na nagpakilalang nurse ay dalawang babae ang na-admit sa ospital na pinagtratrabahuan niya matapos gumamit ng vacuum hose para pahintuin ang regla nila.

Ikinagulat ng mga netizens ang viral tweet na ito na kung saan ang iba ay natawa at ang iba naman ay hindi makapaniwala.

Kahit nga ang gynecologist at author ng The Vagina Bible na si Dr. Jennifer Gunter ay napa-comment at naitanong kung ginawa daw ba ito bilang home abortion.

Image from Freepik

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement


Kaya naman mas marami ang na-intriga sa viral tweet na ito at naitanong kung posible at effective nga daw ba ang procedure na ito.

Agad naman na sinegundahan ng nurse na nagbukas ng topic sa Twitter na hindi ito safe at maaring malagay sa state of shock ang katawan na nangyari sa dalawang babaeng gumamit ng vacuum cleaner. Kahit siya nga daw mismo ay hindi makapaniwala kung hindi lang siya ang nurse na nag-aasikaso sa dalawang pasyente.

Bagamat, hindi kapani-paniwala ito ay  tinatawag na “menstrual extractions” sa medical term ngunit hindi ginagawa gamit ang vacuum cleaner.

Ano ang menstrual extractions?

Ang ideya ng menstrual extractions ay nagsimula pa noong 1971. Dinevelop ito ng feminist activist na sina Lorraine Rothman at Carol Downer bilang isang paraan ng abortion.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa itong manual vacuum aspiration technique na ginagamitan ng syringe at cannula tube para sisipsipin o i-vacuum ang laman ng uterus ng isang babae.

Maraming health organizations ang tumutuligsa sa procedure na ito lalo na ang hindi sumusuporta sa ideya ng abortion. Ngunit may iilang babae sinusubukang gawin ito para pahintuin ang kanilang regla kung kinakailangan at para nga matanggal ang laman ng kanilang sinapupunan.

Tulad nalang sa bansang Bangladesh na kung saan legal ang abortion at ginagawa ang menstrual extractions o menstrual regulation para ma-terminate ang early pregnancy.

Sa kaso nga ng dalawang babaeng na-ospital ay ginawa nila ang menstrual extractions sa kanilang DIY way gamit ang vacuum hose na mas nagpapala ng threat na naidulot nito sa kanilang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Reaksyon ng mga eksperto

Dahil sa naging viral na topic ay nagbigay naman ng kanilang payo at paalala ang mga eksperto sa nangyari na talaga nga namang daw delikado.

Ayon kay Dr. Shazia Malik, isang obstetrician at gynecologist ng The Portland Hospital for Women and Children sa London ay ngayon lang din siya nakarinig ng balita tungkol sa menstrual extractions sa loob ng 20 years niya bilang gynecologist.

Ngunit paliwanag niya, ang menstrual extraction daw ay hindi magpapahinto ng regla lalo pa’t ang menstrual blood ay galing sa womb lining at hindi sa uterus. Kaya naman kahit ano pa daw ang ilagay sa vagina ay hindi nito mababago ang haba ng period ng isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi nga din daw ito safe lalo na kung gagamit ng vacuum cleaner na maaring magdulot ng genital trauma sa mga babae.

Dr. Shazia Malik:

“It would be completely unsafe. Not just unsafe, but downright dangerous. You could damage the surface of your vagina, and you could risk bleeding or infection. You can imagine the germs on the end of your vacuum cleaner and the power of its suction. You could end up with genital trauma. You could damage your cervix and end up in excruciating pain.”

Para naman sa isang doktor at professor na si Sophia Yen ng Stanford School of Medicine, hindi safe ang menstrual extraction na sinusubukang baguhin ang natural na proseso ng katawan.

Dr. Sophia Yen:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s not safe because the body wants to shed in a safe way. To me, it would be like ripping off a scab. It’s disrupting a natural, safe process. It might make you bleed more—your body’s shedding and trying to heal.

Payo ni Dr. Yen ay may ibang paraan naman na ligtas na maaring magpahinto o magpahina ng iyong regla ng hindi gumagamit ng vacuum cleaner.

Maari daw itong gawin sa pamamagitan ng pag-inom ng birth control pills para makontrol ang bleeding. O kaya naman kung may malusog na katawan ay uminom ng 600 milligrams ng ibuprofen 3x a day sa loob ng limang araw. Ayon sa kaniya ay nababawasan nito ang pagdurugo ng hanggang 30%.

 

Source: Health, Vice, Wikipedia
Photo: Freepik

Basahin: 5 side effects ng abortion sa kalusugan ng babae