Kakaibang lungkot ang nararamdaman ng maraming kababaihan sa tuwing nagta-try silang magkaroon ng baby at hindi nagtatagumpay. Isa sa susi upang magkaroon ng malaking chance na mabuo ang baby ay ang pag alam sa iyong menstrual cycle. Dito kasi malalaman kung kailan ka pinaka fertile at ang iyong ovulation. Kapag ganito, dapat ay gumamit na ng menstruation calculator for pregnancy.
Bawat babae ay may iba-ibang cycle kaya magandang naka-calculate ang bawat isa. Hinanap namin ang mga best online sites kung saan maaaring kayong matulungan upang ma-calculate ang menstration at mapadali ang paggawa niyo ng little one ni mister!
Paano nga ba maiintindihan ang menstruation calculator for pregnancy?
Para tuluyang maunawaan kung bakit mahalaga ang menstrual cycle sa pagco-conceive, narito ang ilang impormasyon kung paano nga ito nagwo-work:
- Nagsisimula ang cycle ng babae sa first day ng kanyang menstruation at nagtutuloy-tuloy hanggang sa first day muli ng kanyang next menstration.
- Dito na nagsisimulang mag mature ang mga egg cell sa ovary niya.
- Naghahanda na rin ang lining sa matres at handa na para ma-fertilize.
- Sa panahon ng ovulation, dito na nagsisimulang maging mas manipis at malinaw ang cervical mucus upang matulungan naman ang sperm cells na maabot ang ni-release na egg cells ng ovaries.
- Tinatayang nasa 10 hanggang 16 na araw bago ang iyong next menstruation ang pagri-release ng egg cells sa isa sa iyong ovaries.
- Kung sa panahon na ito ng ovulation ay nagkipag sex ka at naging present ang sperm cell sa loob ng 24 oras ay magtatagumpay na maging fertilized ang egg cell.
- Kung sakaling hindi naman naging na tagumpay ang magfe-fertilize, irere-absorb ng iyong katawan ang egg at bababa ang hormone levels.
- Dito na magsisimula muli ang sunod mong menstruation.
- Kaya ang pagkakaroon ng menstration ay nangangahulugang hindi ka buntis.
Iba’t-ibang tips to get you pregnant
Kasabay ng menstruation calculator for pregnancy, maraming bagay pa ang maaaring makatulong sa iyong pagbubuntis. Narito ang ilan sa kanila:
- Pumili at uminom ng prenatal vitamins daily na good for you and your baby.
- Mag ehersisyo nang regular.
- Sumulat ng birth plan at i-educate ang sarili patungkol sa iba’t-ibang bagay tungkol sa pregnancy.
- I-track ang weight gain at panatilihin ang healthy diet sa pamamagitan ng pagkain ng balanced meals.
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa folate, calcium, at fiber.
- Uminom ng maraming tubig.
- Iwasan ang anumang bisyo kagaya na lamang ng alcohol, yosi, at iba pang droga.
- Matulog sa tamang oras at kumpletuhin ito.
- Maaaring mag enroll sa mga pregnancy class at discussion.
- Baguhin ang ilang daily routines kasama na ang heavy workloads o kaya ang paggawa ng mga mabibigat na gawain.
- Kumonsulta sa mga healthcare professionals.
5 menstruation calculator for pregnancy websites
Gawing accurate ang pagca-calculate ng iyong menstrual cycle at i-try ang different websites sa aming recommendations:
Brand | Website |
Tommy’s Together for Your Baby | https://www.tommys.org/pregnancy-information/calculators-tools-resources/ovulation-calculator |
Motherhood Women and Children’s Hospital | https://www.motherhoodindia.com/ovulation-calculator/ |
Stanford Children’s Health | https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=ovulation-date-calculator-41-OvulationCalc |
IVF Australia | https://www.ivf.com.au/planning-for-pregnancy/how-to-get-pregnant/ovulation-calculator |
Your Fertility | https://www.yourfertility.org.au/everyone/timing |
Menstruation Calculator for Pregnancy – Tommy’s Together for Your Baby
Para matulungan kang magkaroon kaagad ng baby, narito ang Tommy’s website para sa iyo. Pag-open sa site ay matatagpuan mo kaagad ang kanilang “Ovulation calculator” o menstruation calculator. Dito hahayaan ka nilang ilagay ang iyong huling araw ng period maging ang average na cycle length. Mayroon din silang fun activity na pwede mong i-try tulad ng kanilang pregnancy quize upang malaman kung handa ka na ba talaga for pregnancy.
Mayroon na ring information patungkol sa kung kailan ba ang best time para magconceive at kung paano nagwowork ang menstrual cycle. Kasama na rin sa details na makukuha sa site ang patungkol sa conceive at pagtatalik niyo ni partner. Tuturuan ka rin nilang malaman ang different signs of ovulation.
Maging ang mga ovulation test kits ay available na rin na matutunan dito.
Motherhood Women and Children’s Hospital
Pagclick mo website ng Motherhood Women and Children’s Hospital ay papapiliin ka kaagad nila kung anong calculator ang need mo, ito ba ay for due date calculator or ovulation calculator. Para sa due date calculator, tutulungan ka nilanag malaman kung kailan mo i-eexpect ang pagdating ng iyong little one. Sa ovulation calculator naman ay upang matulungan kang mapadali pa ang iyong pagbubuntis. Bibigyan ka na rin nila ng information about different signs of ovulation.
Maaari ka ring makapagconsult sa kanila at makikita ang option na “Book an appointment,” “Book a video consultation,” at “Book vaccination. Maaari ka ring magsubmit ng query para ilang katanungang nais malaman sa website.
Stanford Children’s Health
Very easy at easy to use ang interface ng website ng Stanford Children’s Health. Makikita mo kaagad sa introduction ang details about sa mentstrual cyclge na babae. Mayroon ding pagpapaalala na ang ovulation calculator na ito ay hindi maiiwasan ang pagbubuntis ng babaeng may dinadalang-tao na.
Maaari ring makapag-avail ng kanilang medical services sa kanilang website.
IVF Australia
Easy to use ang ovulation calculator ng IVF Australia. Hinahayaan nitong maunawaan ang “fertile window” mo upang mabuntis sa pinaka accurate na paraan. Matapos na sumubok ng pregnancy calculator nila pwede ka ring magsogn-up upang makareceive ng daily e-mail reminders from them.
Mayroon ding option para sa male fertility upang sabay kayong malaman kung kailan perfect na makipagsex at makabuo ng little one.
Your Fertility
“Apart from being healthy, what else can help you get pregnant? Sex of course – at the right time!” Ito ang bubungad na introduction sa iyo ng website na Your Fertility. Tumutulong ang site na ito upang maunawaan ng mommies at women kung paano at kailan dapat mataas ang chance na siya ay mabuntis. Mayroon na ring main points sa unahan pa lang ng interface.
Sa kanilang calculator ay aalamin nila ang unang araw ng first period mo maging ang tagal ng cycle na ito. Ipapaliwanag na rin nila sa iyo ang ovulation calculator at kung paano ito nagwowork para sa mga babae. Bibigyan ka na rin nila ng iba’t ibang facts patungkol sa “timing” ng pakikipagsex kung saan maaaring magkaroon ka ng chance na mabuntis kaagad.
Mga iba pang dahilan kung bakit nahihirapan kang magbuntis
Bukod sa maling timing sa pagbubuo ng baby dahil hindi nauunawaan ang menstrual cycle, marami rin ang iba pang dahilan kung bakit hindi mabuntis. Ang ilan sa potensyal na dahilan ay ang mga sumusunod:
- Hindi nag-oovulate ang iyong katawan at maaaring mayroong issue o problema sa iyong ovulation kaya hindi nagiging healthy ang egg cells.
- Mayroong issue sa sperm cells ni mister kabilang na diyan ang bilang, hugis, quality at maging movement nito pagpasok sa reproductive system ng babae.
- Ang edad ay medyo matanda na para madali pang mabuntis, pababa kasi nang pababa ang chance ng pagdadalang-tao habang tumatanda dahil bumaba rin ang quality ng mga egg cell.
- Pagkakaroon ng blockage sa fallopian tube dahilan upang mawalan ng tamang lugar para sa implantation at fertilization.
- Pagkakaroon ng issue sa uterus kung saan hindi na-iimplant ng maayos ang fertilzied egg at nauuwi sa failure ang pagbubuntis.
- Pagtetake ng birth control kaya tuluyang nadedelay ang pagbubuntis.
- Hindi pagtiigil sa kahit anumang bisyo na nakakasama sa kalusugan.
- Pagkakaroon ng iba pang health related issues ng katawan.
- Hindi madalas na pagtatalik ninyo ng partner.
- Pagkakaroon ng issue ni partner sa kanyang reproductive organs.
Kung ikaw naman ay buntis na, basahin: 5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey