Importanteng maalagaan ang iyong mental health sa panahon ng COVID-19

lead image

Iwasan ang negatibong epekto ng COVID-19 pandemic sa iyong mental health sa pamamagitan ng mga tips mula sa CDC.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pangalagaan ang iyong mental health during COVID 19 outbreak sa pamamagitan ng mga tips na itinatampok sa artikulong ito.

Mental Health During COVID 19

Image from Freepik

Mental health during COVID 19

Ayon sa isang report na nailathala sa CDC, ang COVID-19 pandemic ay nagdulot ng mental health crisis sa China na kung saan nagmula at unang kumalat ang sakit. Sa gitna nga daw ng COVID outbreak sa bansa ay naging pangkaraniwan na ang “generalized fear at fear-induced overreactive behavior” sa mga taga-rito. Na sinundan ito ng depression at post-traumatic stress.

Base parin sa pag-aaral ay may limang dahilan kung bakit naging ganito ang reaskyon ng mga Chinese sa nangyaring COVID-19 pandemic sa kanilang bansa.

Una, ay dahil mas mabilis makahawa ang COVID-19 kumpara sa sakit na SARS. At mas mataas ang case-fatality rate nito na 2.3% kumpara sa seasonal influenza o flu. Pangalawa, dahil sa ito ay bagong virus ay hindi pa matukoy ang mahahalagang impormasyon sa sakit. Tulad ng kung gaano katagal ang incubation period nito at ang posibilidad na maaring hindi nagpapakita ng sintomas o asymptomatic ang isang taong infected na ng sakit.

Naging dagdag na alalahanin rin ng mga Chinese noon ang ginawang hakbang ng gobyerno. Na kung saan inilagay sa quarantine ang mga syudad at hindi na pinalalabas ang mga tao sa kanilang bahay. Dagdag pa ang kakulangan ng medical protective supplies, staff at hospital beds na pagpapagalingan sana ng mga biktima ng sakit. Ang pinakahuli ay ang “infodemic” o ang pagkalat ng maling impormasyon sa social media tungkol sa pagkalat ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pangangalaga sa mental health sa gitna ng COVID-19 outbreak

Kaya naman sa kasalukuyan na kung saan patuloy na kumakalat ang sakit sa iba pang bahagi ng mundo ay may iminumungkahi ang mga researcher ng ginawang pag-aaral. Ito ay ang ma-address ng mga pamahalaan ang pangangalaga ng mental health during COVID 19 pandemic sa kanilang nasasakupan.

“As the virus spreads globally, governments must address public mental health needs by developing and implementing well-coordinated strategic plans to meet these needs during the Covid-19 pandemic.”

Ito ang pahayag ng mga authors ng isinagawang pag-aaral.

Ang findings na ito ay sinuportahan naman ng CDC at sinabing mapabata man o matanda ay maaring maapektuhan ng mental health concern na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The outbreak of coronavirus disease 2019 (COVID-19) may be stressful for people. Fear and anxiety about a disease can be overwhelming and cause strong emotions in adults and children.”

Ito ang pahayag ng CDC sa kanilang website. Dagdag pa ng ahensya ay may apat na grupo ng indibidwal ang mas mataas ang tiyansang makaranas ng mga negative emotions na ito. Sila ay ang mga sumusunod:

Sino ang mas prone na makaranas ng mental health problem during COVID-19 outbreak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

  • Matatandang mas prone sa sakit o nagtataglay na ng iba pang karamdaman tulad ng hypertension at diabetes.
  • Mga bata at teenagers.
  • Mga frontliners o tumulong sa pagkokontrol ng pagkalat ng sakit tulad ng mga doktor at iba pang mga health workers.
  • At mga taong mayroon ng iniindang mental health condition kabilang na ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Palatandaan ng stress sa gitna ng COVID-19 outbreak

Ang mga palatandaan naman daw na nakakaranas na ng stress ang isang adult dahil sa nangyayaring COVID-19 outbreak ay ang sumusunod:

  • Labis na pagkatakot sa kaniyang kalusugan at sa mga mahal niya sa buhay.
  • Hirap sa pagtulog, pag-coconcentrate o kawalan ng gana kumain.
  • Pagbabago sa sleep o eating patterns.
  • Paglala ng sakit o chronic health problem na iniinda.
  • Dagdag na pag-inom ng alak o paninigarilyo.

Habang ang palatandaan naman ng stress sa isang bata o teenager ay ang sumusunod:

  • Labis na pag-iyak o iritasyon.
  • Bumabalik sa mga gawing dati nilang ginagawa tulad ng pag-ihi sa kama.
  • Labis na pag-aalala o kalungkutan.
  • Hirap na magka-concentrate o magbigay ng kaniyang atensyon.
  • Pag-iwas sa mga bagay na dati ay kinaaliwan niyang gawin.
  • Hindi maipaliwanag na pananakit ng katawan.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paano mapapangangalagaan ang mental health during COVID 19 outbreak?

Nguit maari naman raw na maiwasan ito. At ito ay sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

Para sa matatanda

  • Tigilan na muna ang panonood ng TV, pagbabasa ng balita sa dyaryo o sa social media patungkol sa sakit. Dahil ang pakikinig tungkol sa pandemic ay makakalungkot lang sayo.
  • Alagaan ang iyong katawan.Huminga ng malalim at mag-stretching ng iyong katawan. Kumain ng masusustansyang pagkain, mag-exercise, kumuha ng sapat na tulog at iwasan ang uminom ng alak at gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
  • Mag-libang o gumawa ng mga activities na mai-enjoy mo.
  • Makipag-usap sa iba ng tao tulad ng kapamilya o kaibigan na maari mong mapagkatiwalaan o mapagsasabihan ng iyong nararamdaman.
  • Tumawag sa iyong doktor o health care provider kapag naapektuhan na ng stress na iyong nararamdaman ang pangaraw-araw mong buhay.

Paalala pa ng CDC, iwasan ring magdulot ng stress sa iyong kapwa sa pamamagitan ng pagbabahagi lang ng mga tamang impormasyon.

Para sa mga bata

Para naman sa mga bata ay maiibsan ang epekto ng COVID-19 outbreak sa kanilang mental health sa sumusunod na mga paraan:

  • Kausapin ang iyong anak at sagutin ang mga katanungan niya tungkol sa kumakalat na sakit. Siguraduhin lang na gagawin mo ito sa paraan na kaniyang maiintindihan.
  • Siguraduhin sa iyong anak na siya ay ligtas at magiging maayos rin ang lahat. Ibahagi sa kaniya ang mga paraan na iyong ginagawa upang maibsan ang stress na iyong nararamdaman.
  • Limatahan ang exposure ng iyong pamilya sa mga news coverage at events kabilang na ang social media.
  • Gumawa ng mga fun at relaxing activities na mai-enjoy niya habang siya ay walang pasok at nasa bahay lang.
  • Maging magandang halimbawa sa iyong anak, Kumain ng masustansiya, matulog ng maaga at mag-ehersisyo. Makipag-usap sa mga kaibigan at kapamilya at ibahagi sa kanila ang positibong pananaw ukol sa nangyayaring COVID-19 pandemic.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

SOURCE: Telegraph, CDC

BASAHIN: Pagkawala ng sense of smell at taste? Maaaring sintomas ng COVID-19