Narito ang mga activities para sa newborn na maaaring gawin na makakatulong sa development ng motor, social at cognitive skills ni baby.
Mga sanggol mabuting turuan agad ng mga dapat nilang malaman ng mas maaga
Woman photo created by senivpetro – www.freepik.com
Ayon sa isang bagong pag-aaral na nailathala sa journal na Infant Behavior and Development, ang pagtuturo sa mga skills na dapat malaman ng mga baby ay mabuting gawin ng mas maaga hangga’t maaari.
Partikular na nga sa oras na sila ay maipanganak hanggang sa mag-tatlong buwang gulang na. Paliwanag ng mga naunang pag-aaral, ang mga sanggol ay natututong i-imitate o kopyahin ang ating mga ginagawa sa oras na sila’y maipanganak. Halimbawa na nga nito ay ang pag-imitate nila ng ating facial expression na unang hakbang nila para matuto.
Kaya naman, ayon sa bagong pag-aaral, mas mabuti umanong ipakita na natin ng mas maaga sa mga sanggol ang ilang activities na dapat ay matutunan na nilang gawin.
Hayaan silang humawak o umabot ng mga bagay sa kanilang paligid. Pati na ang pakikipag-usap o pagkakaroon ng social interaction sa kanila. O kaya naman ay pagtuturo sa kung ano ang functions ng bawat bahagi ng kanilang katawan.
Sa pamamagitan nito, naiuugnay nila ang kanilang movements sa kanilang paligid. Natutulungan din silang mahasa ang kanilang motor, social at cognitive skills na mahalaga sa kanilang development.
“Research published since 1970 has shown that babies can copy facial expressions as soon as they’re born.
We suggest they imitate manipulative motor actions just as much as expressions. When babies see adults using their hands, they copy the movements, and this helps them use their own hands.”
Ito ang pahayag ni Priscilla Ferronato, professor mula sa Health Sciences Institute of Paulista University (UNIP) sa São Paulo, Brazil. Siya ay isa sa mga author ng ginawang pag-aaral.
Mga activities para sa newborn na maaaring gawin na makakatulong sa development ni baby
Woman photo created by pch.vector – www.freepik.com
Base pa rin sa ginawang pag-aaral, may mga activities para sa newborn na maaaring gawin na tiyak na makakatulong sa early stages ng kaniyang development. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Paglalagay sa kamay ng sanggol, una sa isang madulas na surface. Sundan ito ng paglalagay ng kamay ng sanggol sa isang object na nakalagay naman sa isang magaspang na surface. Sa pamamagitan nito, natuturuan ang sanggol na umabot at humawak ng mga bagay.
- Pag-o-offer sa sanggol ng iyong daliri para hawakan. Sabay siya ay ngingitian na makakatulong sa kaniyang touch at visual stimulus.
- Paglalagay ng bukas na flashlight o cellphone sa dibdib ng sanggol habang nasa loob ng isang madilim na kwarto. Sa pamamagitan nito, natuturuan siyang gamitin ang kaniyang braso dahil pilit niyang aabutin ang ilaw na kaniyang nakikita. Maaari ring hawakan ang flashlight at galaw-galawin para masundan ni baby ang bawat paggalaw ng ilaw.
Iba pang mga activities na maaaring ipagawa kay baby
Love photo created by user18526052 – www.freepik.com
Samantala, ayon naman sa artikulong nailathala sa website na Kid’s Health, ang iba pang mga activities para sa newborn na maaaring gawin na makakatulong sa kaniyang development ay ang sumusunod:
- Magpatutog ng soothing music habang hawak si baby. I-swing siya na sumasabay sa tono ng music o kanta. Ito ay makakatulong sa body movements at coordination niya.
- Pumili ng soothing song o lullaby at kantahin ito palagi kay baby. Maliban sa pagkakatuto niya sa mga salita, ang pagiging familiar niya sa mga music at salita sa kanta ay makakatulong na mapatahan siya kapag siya ay wala sa mood o nagwawala.
- Ngumiti, dumila o magpakita ng iba pang facial expressions sa iyong sanggol. Ito ay para matuto siya sa paggalaw ng kaniyang mukha at imitate ang iyong ginagawa.
- Gumamit ng laruan na ipapakita at pasusundan kay baby. Ito ay para maturuan siya na mag-focus. Makakatulong din ang paggamit ng laruan na tumutunog o maaaring patunugin na kaniyang susundan at hahanapin.
- Hayaang dumapa ang sanggol para ma-exercise at tumibay ang kaniyang balikat at leeg. Pero huwag na huwag siyang iiwang mag-isa habang siya ay nakadapa.
- Madalas na kausapin si baby o kaya naman ay magbasa ng libro o kuwento sa kaniya.
- Kargahin ang iyong baby at saka idetalye sa kaniya ang iyong mga ginagawa araw-araw. Sabihin ang mga pangalan ng mga gamit o bagay na iyong hinahawakan o kaniyang nakikita. Ganoon din kung paano o para saan ito ginagamit. Halimbawa: “Pupunta tayo sa kusina, bubuksan natin ang refrigerator para kumuha ng itinabing gatas mo.”
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga activities para sa newborn na maaring gawin para maturuan si baby. Tandaan napaka-halaga ng oras na ilalaan mo sa pakikipag-usap at pakikipaglaro sa kaniya para sa overall development niya.