Mga bawal dalhin sa airport nadagdagan! Ito ay alinsunod sa bagong guidelines at standards na inilabas ng International Civil Aviation Organization.
Ito ang pahayag ng Office of Transportation Security o OTS sa kanilang pinakalatest na Facebook post. Para ito sa dagdag na seguridad at kaligtasan hindi lang ng mga paliparan at eroplano kung hindi para narin sa mga pasahero.
Kung noong una ay may mga gamit na ipinagbabawal lang na dalhin sa aircraft o sa hand-carry bag ay naging mas mahigpit ngayon. Dahil may ilang items na puwedeng ilagay sa checked-in baggage noon na bawal ng ipasok o dalhin sa loob ng airport ngayon. Ilan sa mga ito ay subject to special requirements o instructions mula sa airlines o eroplanong sasakyan ng pasahero.
Ang pangunahing ipinagbabawal sa mga items na bawal dalhin sa airport ay ang mga may taglay na chemicals o toxic substances. Kabilang rito ang vinegar, paints, insect repellent sprays at lighters.
Bawal din ipasok sa airport ang posporo, hoverboards at pepper spray.
Ipinagbabawal parin ang pagdadala ng liquid items na nakalagay sa mas malaki sa 100ml na container.
Ang pagbabawal sa liquid items ay nagsimula noong 2006 matapos mahuli ang ilang terorista na nag-smuggle ng liquid explosives sa isang flight papuntang North America.
Pakiusap ni OTS Administrator Arturo Evangelista sa mga pasahero, mas mabuting huwag ng magdala ng mga items na ipinagbabawal dalhin sa loob ng airport para maiwasan ang delays at inconvenience.
“If you are unsure whether an item is prohibited or not, you may contact us through email, SMS Hotline, or any of our official social media accounts, or better yet, if it is not that important, we suggest that you just leave it at home”.
Ito ang payo ni OTS Administrator Arturo Evangelista sa mga pasahero.
Para naman sa buong listahan ng mga bawal dalhin sa airport, narito ang pinakabago at updated list mula sa Office for Transportation Security.
2019 Updated list ng mga bawal dalhin sa airport
Narito ang mga items na bawal dalhin sa airport ayon sa Office for Transporation Services at International Civil Aviation Organization:
Source: ABS-CBN News
Photo by Sergey Zolkin on Unsplash
Basahin: Are you aware of you and your family’s rights as airline passengers?