5 Dahilan Kung Bakit Naghihiwalay Ang Mag-asawa

Iwasang mauwi sa hiwalayan ang pagsasama ninyong mag-asawa sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga bagay na maaring magdulot nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag asawa ayon sa isang marriage at relationship expert. Pati ang mga paraan kung paano ito maiiwasan at mapanatili ang masayang pagsasama.

Mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag asawa

Ayon sa mga marriage expert na si Susan Pease Gadoua, ang desisyon ng mag-asawa na maghiwalay ay hindi lang biglaan o basta-bastang nangyayari. Marami na munang isyu sa kanilang pagsasama ang mangyayari bago nila tuluyang maisipang itigil na ang kanilang relasyon. Ito ang mga isyu na kung titingnan ay maliit na bagay lamang. Ngunit habang ito ay pinapatagal maari itong magdulot ng malaking lamat sa relasyon. Ang mga ito ayon kay Gadoua ay ang sumusunod:

Image from Freepik

1. Hindi ninyo tanggap ang differences o pagkakaiba ng isa’t-isa.

Sabi nga ng matatanda, malalaman mo lang ang tunay na ugali ng isang tao sa oras na makasama mo ito sa loob ng iisang bubong. Ang kasabihan na ito ay iniiugnay sa pag-aasawa. Dahil sa oras na magkasama na sa iisang bubong ang isang magkarelasyon ay dito lang nila natutuklasan ang ugali ng isa’t-isa. Maaring ito ay mabuti o nakakatuwa. Ngunit madalas ito ay maaring hindi mo magustuhan na maaring maging dahilan ng pagkainis mo sa iyong asawa.

Payo ni Gadoua, mabuting i-address agad ito at pag-usapan kung paano ninyo maayos. Dahil kung itatago o hindi i-open ito sa iyong asawa ay maari itong mas lumala. Ang dating inis lang ay maaring mauwi sa galit na. At magsimula na kayong mag-sumbatan o magsisihan.

Ang mga palatandaan nga daw na lumalala na ang isyu na ito sa pagitan ng mag-asawa ay kapag nagsimula na kayong gumamit ng mga salitang “never” at “always”. Tulad ng mga halimbawang ito sa salitang tagalog:

“Lagi ka nalang ganyan, hindi mo ko pinapakinggan!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ni minsan hindi mo ko tinulungan sa gawaing-bahay!”

Kaya imbis na umabot pa sa sigawan at sumbatan, ay pag-usapan na agad ang mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduang mag-asawa. At dapat ay matuto rin kayong mag-adjust at magbigay sa isa’t-isa.

2. Hindi kayo nag-uusap o nag-cocommunicate tungkol sa inyong mga nararamdaman.

Tulad nga ng naunang nabanggit, mahalaga ang pagkakaroon ng open communication sa pagitan ninyong asawa. Dahil ito ang unang daan sa malusog na pagsasama. Sa oras na ito ay nawala ay para bang nawalan narin kayo ng tiwala sa isa’t-isa. Tulad nalang sa kung may problema kayo na imbis na i-open sa kaniya ay i-open mo sa iba. Palatandaan ito na wala kang tiwala sa iyong asawa na maiintindihan ka niya o makakatulong siya sa kinahaharap mong problema.

Huwag magdalawang-isip na mag-open sa iyong asawa. Dahil bilang asawa at kung talagang mahal ka niya ay bubuksan niya ang kanyang isipan at iintindihan ka. Maging tapat sa kaniya sa nararamdaman mo. Kung kailangan mo ng tulong sa gawaing-bahay ay ipaalam mo sa kaniya. Kailangang mong magsalita, dahil wala siyang kakayahang basahin ang nasa isip mo. Higit sa lahat, hindi naman masosolusyonan ng ibang tao ang problema ninyo. Tanging kayong dalawa lang ang makakagawa nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

3. Wala na kayong oras sa isa’t-isa.

Kahit gaano man ka-busy, bilang mag-asawa ay dapat magkaroon parin kayo ng oras sa isa’t-isa. Ito ay upang makapag-bonding kayo, makapag-usap at maiparamdam sa bawat isa ang pagmamahal ninyo.

Muli, kung may problema ay hindi dapat iwasan ito. Dapat ito ay iyong harapin at ipaalam sa iyong asawa. At magagawa ito sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa kaniya. Subukan ninyong lumabas na magkasama. Pumunta sa mga lugar na makakapagpaalala kung paano kayo nagsimula. O kaya naman ay gawin ang mga bagay na makakapag-paalala sa pagmamahalan ninyong dalawa.

Higit sa lahat, huwag tumigil o mag-alinlangan na iparamdam sa iyong asawa ang pagmamahal mo sa kaniya. Kahit sa maliliit na gestures o bagay tulad ng mga cute texts o goodbye kiss bago pumasok sa trabaho. O kahit ang simpleng pag-checheck sa kaniya kung kumain na ba siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil ayon sa mga relationship experts, ang mga little gestures na ito ay kasing kahuluguhan rin ng salitang I love you. Kaya naman ang unti-unting pagkawala ng mga ito ay isang senyales na rin ng unti-unting pagkawala ng lambing at love sa inyong pagsasama. At kung ang pagpaparamdam sa inyong partner ng pagmamahal mo sa kanila ay least priority mo na, kailangan mo ng magdahan-dahan at mag-isip para muling ibalik ang sigla ng inyong pagsasama para hindi lumala pa ang problema.

4. Hinahanap ninyo ang solusyon sa inyong problema sa labas ng inyong bahay o pagsasama.

Ang problema ninyong mag-asawa ay ma-sosolusyonan ninyo lang dalawa. Hinding-hindi ito maayos ng iba, sa halip ay maari pa nga itong mas lumala. Kaya hindi dapat humanap ng comfort sa iba. Dahil baka hindi mo namamalayan, mas lumalayo na ang loob mo sa iyong asawa at ganoon rin siya sayo. At habang ito ay mas tumatagal ay nasasanay kayong malayo na sa isa’t-isa na maaring matuloy na sa inyong paghihiwalay.

Image from Freepik

5. Hindi kayo humihingi ng tulong sa iba o mga taong eksperto sa relasyon at pag-aasawa.

Sa oras na nararanasan ninyo na ang mga naunang dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag asawa ay dapat lang na humingi na kayo ng tulong sa iba. Katulad ng mga therapist na maaring pumagitna sa inyong dalawang mag-asawa. Maaring sa ganitong paraan ay mas maipapaliwanag ninyo ang inyong nararamdaman. Mas masasabi ninyo ang mga gusto ninyong sabihin. Dahilan upang mabawasan ang bigat o negatibong nararamdaman mo sa iyong asawa. At muling manumbalik ang dating tamis ng pagmamahal mo sa kaniya.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Psychology Today

BASAHIN:

6 dahilan kung bakit minsan ay okay lang mag-away sa harap ng anak

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement