Ano ba ang mga dapat gawin bago magpakasal?
Gusto nating lahat ng “happily ever after”, ngunit laging may posibilidad ng paghihiwalay sa relasyon. Ayon sa pananaliksik mula sa Emory University sa US, ang mga magkasintahang naghihintay ng tatlong taon bago magpakasal ay mas malamang na magsama habangbuhay kumpara sa mga mas maagang nagpakasal.
Tuwing naghihintay ang mga magkasintahan nang dalawang taon, bumababa ang probabilidad ng diborsyo nang 20%. Para sa mga naghihintay ng isa pang tao (o tatlong taon), bumababa ang probabilidad nang 50%!
Mga dapat gawin bago magpakasal, ayon sa mga eksperto
Ngunit ang mga minumungkahi na katagalan na ito ay hindi para sa lahat. Ibang-iba ang sitwasyon ng mga magkasintahan na 21 na taong-gulang sa mga 35 na taong-gulang. Ang mga ibang magkasintahan ay unang nagkakilala bilang magkaibigan, ang iba bilang estranghero.
Isang mahalagang factor ay kung gaano natin kakilala ang ating partner, at hindi ito laging binabase sa katagalan ng inyong relasyon. Maaaring magkasama kayo nang sampung taon, ngunit parang di pa rin kayo nagkakaintindhihan. Maaaring iilang buwan lang kayo nakikipag-date, pero ramdam niyong parang magkakilala na kayo mula pagkabata.
“Para sa akin, mas mahalaga ang dami ng inyong karanasan bilang magkasintahan sa tagal ng inyong relasyon,” sabi ni Dr. Ian Kerner, isang psychologist, sa The Knot. Dapat malaman ng magkasintahan kung paano nila haharapin ang mga problema nang magkasama.
Kung marami nang pinagdaanan ang isang magkasintahan—tulad ng pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, o pagpunta sa isang kasal o libing, o paglalakbay sa malayong lugar—maaaring sapat na ang isang taon para matanto kung puwede na silang magpakasal.
Ano ba talaga ang mahalaga?
Ayon kay Dr. Tammy Nelson, isang therapist, mas importanteng malaman kung paano kayo nakikitungo sa isa’t isa tuwing di kayo nagkakasundo, at paano ninyo inaayos ang inyong mga salungatan.
Sabi ni Dr. Nelson na walang “magic time frame” para magpakasal, ngunit dapat alam ng lahat ng mga magkasintahan na may “romantic love phase” na nagtatagal ng dalawang araw hanggang 26 na buwan, at pag natapos na ito, magkakaron na ng “conflict phase.” Dapat maintindihan ng mga magkasintahan na normal at di naiiwasan ang salungatan. Ang importante ang malinaw na komunikasyon at kung paano ninyo haharapin ang inyong mga isyu.
Kaya hindi talaga mahalaga kung naghintay kayo ng limang taon o limang buwan bago kayo nagpakasal. Ang importante ay ang pagiging tapat ninyo sa isa’t isa.
Ang paglilive-in ay isang paraan upang lalong makilala ang ating partner bago magpakasal. Ngunit hindi siya para sa lahat. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ito: Should living together before marriage still be a controversial issue?
Sources: The Knot, Social Science Research Network
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!