Mga food allergy sa ng mga baby: Pagkaing allergen sa mga bata

Ano nga ba ang mga karaniwang food allergies symptoms at allergens ng mga babies, at ano ang dapat gawin kung mayroon nito si baby? | Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang mga karaniwang mga food allergy symptoms at allergens ng mga babies, at ano ang dapat gawin kung mayroon nito si baby? Ano rin ang gamot sa allergy ng bata at paano ito maiiwasan? Alamin ang mga detalye dito.

Mga food allergy ng mga baby

Ang immune system ng katawan ang lumalaban sa mga impeksiyon at ibang panganib sa kalusugan. Ang allergy reaction sa mga pagkain ay nangyayari kapag nararamdaman ng immune system na may panganib sa pagkain o bagay na nadampi o pumasok sa katawan, na nagsisimula ng “protective response”.

Mas karaniwan daw ang allergy sa mga sanggol at bata, kaysa sa mga matatanda, ayons sa mga pagsasaliksik at medical journals, bagamat nakikita ito kahit sa anong edad. Nade-develop ang allergy sa anumang edad, at sa mga pagkain na matagal nang kinakain dati. Paano at bakit nga ba?

Madalas ay namamana ang allergy, pero hindi pa rin ito panigurado na mamanahin ng isang bata ang food allergy ng kaniyang magulang.

Mga food allergy ng mga baby | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga pagkaing allergen sa mga baby

Bagamat kahit anong pagkain ay pwedeng maging sanhi ng allergic reaction, mayron 7 uri ng pagkain na nagiging dahilan ng halos 90 porsiyento ng allergy, ayon kay nurse Apple Tagatha, RN, licensed nursery school nurse:

  1. Dairy, tulad ng itlog at gatas
  2. Mani o anumang nut family
  3. Isda
  4. Shellfish, tulad ng hipon
  5. Wheat
  6. Soybean
  7. Iba pang mga buto, tulad ng sesame at mustard seeds.

Peanut o mani ang pangunahing “trigger” ng food allergies sa mga bata.

Mga food allergy ng mga baby at sintomas nito

Madalas ay pamumula ng balat o pagpapantal-pantal ang unang sintomas ng allergy. Ang ibang bata ay sumisinghot na parang may sipon, at ang iba ay bahing ng bahing. Sa balat din karaniwang nakikita ang unang reaksiyon sa allergen. Naaapektuhan din ang tiyan o gastrointestinal tract, cardiovascular system at respiratory tract.

Sa mga sanggol at mga bata, cow’s milk, dust mites, at mga alagang hayop ang karaniwang allergen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga food allergy ng mga baby | Image from iStock

Ang mga pinakakaraniwang sintomas ay:

  • Sakit ng tiyan
  • Pagbahing o pagsinghot na parang may sipon
  • Pananakit ng tiyan
  • Pag-ubo ng paulit-ulit
  • Diarrhea
  • Pagkahilo
  • Pamamantal sa balat o pagkalat ng rashes (sa braso, mukha, paligid ng bibig, binti, mga singit)
  • Pagsusuka
  • Hirap sa paghinga, na may pag-aagahas (wheezing)
  • Pamamaga ng dila, kaya hindi makapagsalita o makahinga
  • Mahinang pulso
  • Pamumutla

Mga food allergy symptoms ng mga baby

Ang mga sintomas na ito ay makikita o lumalabas sa loob ng 2 oras pagkatapos makain ang allergen, kung hindi man kaagad. Mayrong iba’t ibang sintomas ang iba’t ibang tao, at maaaring iba rin ang sintomas sa bawat reaksiyon ng isang tao.

May mga allergy na lumalabas lang ng depende sa panahon, o ang tinatawag na hay fever o allergic rhinitis. Ito ang pag-bahing o pagsinghot kapag naeexpose sa mapunong lugar o damo at weeds.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pollen sa mga puno ay nagbabadya ng pangangati ng ilong, pagbahing o pananakit ng mata. May mga pagkakataon na hindi malala ang unang reaksiyon, pero nagiging mas malala ito sa ibang pagkakataon.

Ayon sa journal ng American College of Allergy, Asthma and Immunology na  Allergist, mayrong uri ng delayed food allergy reaction o allergic reaction na lumalabas  ilang oras pagkatapos makain ang isang allergen.

Ito ang tinatawag na “food protein-induced enterocolitis syndrome” (FPIES), na karaniwang nangyayari sa mga sanggol na unang beses pa lang na-expose o nakakain ng pagkain na hindi kasundo ng sistema nito.

Ito ay isang malubhang gastrointestinal reaction na nararamdaman o lumalabas sa pagitan ng 2 at 6 na oras,  matapos uminom ng gatas, o kumain ng produktong soy o grains na allergen.

Mga sintomas nito ay pagsusuka o di kaya ay pagdudumi na may kasamang dugo, na nagiging sanhi ng dehydration. Rehydration ang unang lunas dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pinakamalubha at mapanganib na allergic reaction ay anaphylaxis—isang reaksiyon ng buong katawan na maaaring makahadlang sa paghinga, pagbagsak ng blood pressure at pagbagal ng heart rate.

Umaatake ang anaphylaxis ng ilang minuto matapos ang pagdampi ng pagkain o pagpasok nito sa katawan. May mga reaksiyong kasabay na nakakaapekto sa ibang bahagi ng katawan tulad ng sakit ng tiyan at pangangati ng balat. Nakamamatay ito at nangangailangan ng epinephrine (adrenaline) para humupa.

Ano ang dapat gawin kung may diagnosis ng allergy ang bata?

Gamot sa allergy ng bata? Una, kailangang ma-eksamin ng doktor (pediatrician at allergist) para malaman ang allergen,  maiwasan ito, at kung ano ang pinaka-epektibong paggamot kapag inatake ng allergic reaction.

May mga masusing allergy test (mga skin-prick tests), kasama na ang blood test para masiguro kung ano ang mga allergen.

Ang pangunahing paraan para makaiwas sa allergic reaction ay ang pag-iwas sa mga pagkaing may bahid, kahit kaunti, ng anumang natukoy na allergen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga uri ng allergy na malubha ang resulta, madampi lang o maamoy ng batang may allergy. Kaya’t sinisiguro ng mga magulang na walang anumang allergen sa buong bahay.

Masusi ring binabasa ang mga ingredient labels ng mga pagkain bago bilhin o ipakain sa bata. Ito ang dahilan kung bakit sa mga paaralan at day care lalo na sa ibang bansa, ay may istriktong NUT-FREE rule.

Nasa batas din na dapat lahat ng nakapaketeng pagkain ay may listahan ng ingredients sa balot nito, at nakalagay kung may nakalahok o nakasahog na common allergens. Pati sa mga restawran ngayon ay nilalagay na kung may mani ang pagkaing nasa menu.

Ang epinephrine (adrenaline) ang unang ginagamit na panlaban sa allergic reaction, lalo na ang anaphylaxis. May mga binibigay na epinephrine auto-injector o EpiPEn, ang mga doktor para sa  mga may malalang kaso ng allergy, na itinuturo sa mga magulang o sa pasyente kung paano gamitin. Ginagamit ito sa unang senyales ng malalang sintomas, tulad ng hirap sa paginga, pamamaga ng balat, at pagsikip ng lalamunan at dibdib.

Makakatulong ang pagkonsulta sa doctor upang mabigyan ng tamang gamot sa allergy ng bata.

Ipaalam sa caregiver at sa eskuwelahan

May mga polisiya na ngayon ang mga paaralan na dapat ipaalam sa mga guro at administrador kung may allergy ang anak, sa enrolment pa lamang.

Kung dinadala ang bata sa day care, nursery o eskwelahan, siguraduhing may nakapaskil na listahan ng allergies ng inyong anak sa classroom at sa nurse’s clinic, para maiwasan ang anumang aksidente.

Alamin din kung may emergency plan ang eskwelahan o day care kung sakaling atakihin ang bata sa pangangalaga nila.

Gayundin kung naiiwan ang bata sa tagapag-alagang nanny o kamag-anak. Siguraduhing alam ng lahat ng tagapag-alaga ang allergy ng bata at kung ano ang gagawin kapag inatake ito.

Naiiwasan ba ang pagkakaron ng allergy?

Ayon US National Institute for Allergy and Infectious Disease (NIAID), hindi dapat bigyan ng mani ang mga batang 6 na buwan hanggang 2 taong gulang dahil ito ay  maaaring makabara sa lalamunan at airway.

Sa madaling salita, ito ay choking hazard. Sa pag-aaral at pagsasaliksik ng American Academy of Pediatrics (AAP) na inilathala noong 2013, ang pagpapakain daw ng solid food sa murang edad ng mga sanggol (bago mag-17 linggo) ay nakakapagbukas ng posibilidad ng pagkakaron ng allergies.

Mga food allergy ng mga baby | Image from iStock

Kung may history na ng allergy ang pamilya, payo ni Nurse Apple at ng NIAID ang pagpapasuso ng eksklusibo sa unang 6 na buwan, at patuloy na pagpapasuso hangga’t may gatas ng ina, dahil ito ay mahusay na panlaban sa pagkakaron ng allergy.

Iwasan ang labis na pagkain ng produktong dairy tulad ng isda, itlog at nuts, habang buntis at habang nagpapasuso.

Nawawala ba ang allergy sa pagtanda?

Habang lumalaki, may posibilidad na mawala ang allergy sa isa o ilang allergen, na mayron sa pagkabata. Hindi nangyayari sa lahat, pero may mga kaso na nangyayari ito.

Huwag isipin na ito ay lifelong o kondisyong panghabambuhay. Kapag nasa sapat na edad na, lalo na 18 taong gulang pataas, may mga unti-unting sumusubok ng mga pagkaing bawal sa kanila, para makita kung may masamang reaksiyon pa ba sila.  Ito ay sa paggabay ng doktor o allergist.

Ano ang gluten? Totoo bang may gluten allergy?

Ang gluten ay isang protina na nakukuha sa mga grains tulad ng wheat, barley at rye. May mga allergic sa wheat, pero hindi ito ang gluten allergy.

Ayon sa mga doktor, walang “gluten allergy”. Ang tinutukoy na “gluten allergy” ng marami ay ang celiac disease, isang delikadong digestive condition.

Ito ay isang autoimmune disorder kung saan ang immune system ay may malubhang reaksiyon sa gluten na nasa wheat, barley, at rye, na karaniwang ginagamit sa tinapay, cake o pasta at iba pang pagkain.

Ang iba ay mayron lang gluten intolerance, o hindi kaya ang labis na gluten sa sistema—maaaring hindi ito celiac disease, at lalong hindi ito allergy.

Madalas ay nagkakaron ng diarrhea o labis na pananakit ng tiyan at rashes ang pasyente kapag nakakain ng mga pagkaing may gluten.

Minsan naman, hindi ito kaagad napapansin, pero makikita ang pagbagsak ng timbang at madalas na abdominal pain. Sa mga bata, mapapansin ang hindi dumadagdag na timbang, pero walang inaangal na pananakit. Tanging ang lisensyadong gastroenterologist ang makakapag-diagnose ng celiac disease.

 

NHS

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.