Madalas ay inaalala natin ang pagbabasa, pagsusulat, at iba pang academic skills bago pumasok sa paaralan ang bata. Ngunit dahil dito, nalilimutan natin ang mga praktikal na bagay. Ito ang ilang kapaki-pakinabang na kasanayang mga kailangan matutunan ng bata bago magsimulang mag-aral.
Kailangan nilang matutunan gumamit ng palikuran mag-isa
Malaking tulong sa mga bata ang kakayahan na gumamit ng palikuran mag-isa bago pumasok sa paaralan. Mag-practice sa mga pampublikong palikuran at ipaliwanag na hiwalay ang para sa babae at lalaki. Ituro din sakanila ang mga praktikal na bagay tulad ng pagbukas at pagsara ng locks ng cubicles, pagtaas ng pantalon bago lumabas ng cubicle, at para sa mga lalaki, ang paggamit ng urinal. Para sa iba pang tips sa pagtatag ng mabuting hygiene routines sa bahay, puntahan ang Starting Blocks website.
Kailangan nilang matutunan ang pagbukas ng mga baunan at pag-alis ng balot ng mga pagkain
Hindi tulad sa bahay, hindi maiaasa sa iyo ng iyong anak ang pagbukas ng kanilang pagkain. Ipag-practice sila sa bahay bago pumasok sa paaralan na may dalang cheese stick wrapper. Huwag kalimutan ang bote ng tubig, dahil kailangan nilang makayanang buksan at isara ang mga ito.
Pasensya, pasensya, pasensya
Sa bahay, puro tungkol sa kanila ngunit iba na pagdating ng paaralan. Turuan silang mag take turns, gawin itong laro. Hikayatin silang magbahagi. Ipa-alam sa kanila na hindi sila laging mauuna at OK lang ito.
Tandaan ang mga emergency na detalye
Ngayon na mas-independent na sila, magandang matandaan nila ang mga importanteng detalye na kakailanganin sa emergency. Kabilang dito ang kaalaman kung ano ang gagawin kapag maligaw papunta o mula sa paaralan. Kahit papaano, dapat ay alam ng bata ang address ng tirahan at mga pangalan ng kanyang mga magulang.
Ihanda sila na magpaalam
Totoo ang separation anxiety, at hindi ito isang bagay na dapat binibigla sa bata. Bago magsimula ang pagpasok sa paaralan, kailangan silang bigyan ng magandang ‘goodbye routine’. Ang pag-ulit ay makakatulong na makasanay at magsisigurado sa kanilang ikaw ay laging babalik.
Maging responsable sa kanilang mga kagamitan
Una ay gawing madaling makilala ang kanilang mga gamit, subukang lagyan ng matching stickers o label na madali nilang makikita. Mula dito ay ipractice sila at ipaalam ang katotohanan na dapat silang maging maingat sa kanilang mga gamit, dahil pagnawala nila ito, wala na. Maaari itong simulan sa mga bahay, gawin silang responsable sa kanilang sumbrero. Hayaan silang itabi ito matapos gamitin at ituro na maalalang isuot muli bago lumabas.
Paano ipaparating ang nararamdaman
Image source: iStock
Hindi lahat ng bata ay marunong makipaglaro sa iba. Kailangan ng iyong anak na magkaroon ng kumpiyansang magsabi ng ‘no’ minsan, pati ng ‘hindi ko yan gusto’. Makakabuting pag-usapan ito bago pumasok sa paaralan para matutunan nilang sabihin ang nararamdaman imbes na magwala sa galit kung may hindi pagkakasundo.
Ang article na ito ay unang na-publish sa KidSpot at na-republish sa theAsianparent nang may pahintulot.
Source: theAsianparent Singapore