Mga sakit na nakakahawa maaring labanan ng iyong anak gamit ang mga healthy habits na tampok sa artikulong ito.
Mga sakit na nakakahawa tulad ng HFMD
Ang sakit na HFMD o Hand and Food Mouth Disease ay isang sakit na nakakahawa lalo na sa mga batang limang taong gulang pababa.
Bagamat hindi naman ito isang seryosong sakit, nagdudulot naman ng labis na discomfort o pahirap ang mga sintomas nito sa isang bata. Tulad nalang mga paltos o sugat sa kaniyang kamay, bibig, binti at mga paa.
Kaya naman upang hindi na maihawa sa iba ay mahigpit na ipinapayo ng mga doktor na pagpahingain o mag-bed rest ang isang bata na may HFMD. Ito ay para gumaling siya ng mas mabilis at para hindi na ito makahawa ng iba pang bata.
Nanay na may anak na HFMD
Ngunit may isang ina sa Taiwan ang hindi ata alam ang tungkol sa sakit na HFMD. Dahil kahit pinayuhan na ng doktor na huwag munang papasukin ang anak at pagpahingain nalang sa bahay dahil sa sakit ay hindi niya ito sinunod.
Sa halip ay inilabas at ipinasyal niya pa ito sa mga kilalang tourist attractions sa kanilang lugar. Para daw ito ay maaliw matapos silang puyatin nito ng nakaraang gabi sa kakaiyak.
Tila mukha ata talagang walang ideya ang ina sa pinagdadaanan ng kaniyang anak. Dahil sa isang post niya sa social media sa naturang araw ng kanilang pamamasyal ay sinabi nitong mainit ang katawan ng anak at hindi niya alam kung ito ba ay dahil lang sa panahon o kung may lagnat na siya.
“The weather here is as hot as my daughter’s body temperature, I don’t even know if it’s a fever or the weather.”
Ito ang post ng ina sa kaniyang Facebook account.
Hindi naman pinalampas ng mga netizens ang ginawa ng pabayaang ina. At sinabing napaka-selfish niya dahil maaring mahawa sa sakit ng kaniyang anak ang iba pang bata.
Isa rin sa mga netizen ang nagsabi na ang pag-iyak ng isang bata ay palatandaan na hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Kaya naman dapat ay minabuti nalang nitong hindi inilabas ang kaniyang anak at pinagpahinga.
Ngunit hindi naman natin masasabihan ang lahat na huwag lumabas o makihalubilo sa iba kapag sila ay may nakakahawang sakit. Bagamat may mga paraan tayong maaring gawin para proteksyonan ang ating sarili lalo na ang mga batang mas madaling makakuha ng mga sakit na nakakahawa.
Kaya naman narito ang mga healthy habits na dapat ginagawa at itinuturo sa iyong anak para siya ay maproteksyonan mula sa mga sakit na nakakahawa.
Healthy habits bilang proteksyon sa mga sakit na nakakahawa
- Kumain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay.
- Ugaliing maghugas lagi ng kamay para matanggal at hindi magtagal ang mga dumi o germs dito.
- Sigurading laging malinis ang inihahandang pagkain. Pati na ang mga utensils o lugar na pinaglulutuan at ginagamit pangkain.
- Linisin at i-disinfect ang mga lugar sa iyong bahay na laging pinaglalaruan o pinupuntahan ng iyong anak. Ito ay para makasigurado na walang germs na namamahay rito.
- Magsuot ng mask kapag lumalabas ng bahay lalo na sa mga matataong lugar na. Kung uubo o babahing ay takpan ang bibig ng towel o panyo.
- Huwag magpapahiram o gagamit ng personal items ng iba tulad ng toothbrush, towels atbp. At siguraduhing laging malinis ang mga ito.
- Pabakunahan ang iyong anak laban sa mga sakit bilang kaniyang dagdag na proteksyon.
- Kung may sakit ay mas mabuting magpahinga nalang sa bahay. Upang hindi makahawa at mas maging mabilis ang recovery mula sa sakit.
Source: AsiaOne
Basahin: 7 Bagay na dapat malaman tungkol sa nakakamatay na strain ng HFMD