5 tips para mapatulog nang mahimbing si baby

Hindi lang si baby ang nangangailangan ng sapat na tulog—si Mommy at Daddy rin! Ano nga ba ang dapat gawin para sa madaling pagpapatulog sa baby?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mabilis makatulog si baby? Alamin ang ilang paraan rito.

Kung maayos ang tulog ni baby, mapayapa ang buong gabi ng mga magulang—at mas maaliwalas din ang paggising ng lahat kinabukasan. Kaso nga lang, mailap ang tulog na ganito lalo kapag bagong panganak ang sanggol. 

Tulog ni baby

Ang tulog ng sanggol ay depende rin sa kanilang edad. Wala pang regular na oras ng tulog ang karamihan ng mga sanggol hanggang sa umabot sila ng 6 na buwan.

Ayon sa Stanford Children’s Health, ang mga newborn ay natutulog ng 16 hanggang 17 oras kada araw, pero ang haba ng bawat tulog ay nasa 1 hanggang 2 oras lang.

Habang lumalaki si baby, mas kaunting tulog na ang kailangan nila. Kumokonti na rin ang oras ng tulog nila pero mas humahaba naman ito.

Kailan ba makakatulog ng buong gabi si baby? Karamihan sa mga sanggol ay nagsisimulang matulog nang diretso nang hindi gumigising sa madaling araw pagdating ng 3 buwan. Kadalasan, bago sila mag-6 na buwan, magiging mas regular na ang kanilang sleep schedule at makakatulog ka na rin nang mahimbing sa gabi.

Posible pa bang makahanap ng kumpletong tulog ng buong gabi si baby? Walang imposible kung alam ni Mommy at Daddy ang mga epektibong paraan ng pagpapatulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mabilis makatulog si baby?

1. Swaddle o pagbabalot

Itinuro ito sa akin ng pinsan kong parenting expert at early childhood educator noong manganak ako sa panganay ko.

Mula pagkapanganak  hanggang mga 4 na buwan, mayroong tinatawag na “startle reflex” ang mga sanggol. Katulad ito ng karaniwang panaginip natin kung saan para kang nahuhulog.

Sa mga sanggol, para siyang biglang nabubulat, kaya’t bigla ring nagigising, at umiiyak. Ang sikreto para maiwasan ito ay ang pagswaddle o pagbabalot ng maayos at mahigpit sa katawan ni baby, gamit lang ang isang manipis na kumot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Nakakatulong ito na maparamdam sa sanggol na matiwasay siya, parang noong nasa sinapupunan siya, ayon sa librong The Happiest Baby on the Block ni Harvey Karp, MD, isang pediatrician. 

Bukod sa nakakatulong ito para mapabilis at mapahimbing ang tulog ni baby, ang init na nararamdaman niya habang nakabalot ay maari ring makatulong para mabawasan ang kabag at mapakalma ang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa tamang paraan ng pag-swaddle sa iyong anak, basahin rito.

2. Orasan ang tulog sa maghapon, at limitahan ito.

Madalas, hindi nakakatulog ang bata sa gabi kasi tulog siya sa araw. Subukang limitahan ang daytime nap ni baby ng hindi lalagpas sa 2 oras kada pagtulog.

Kung sa tingin mo ay kailangan niya pa ng mas mahabang tulog, bigyan ng dagdag na kalahating oras pa. Gawin ito sa umaga o tanghali. Kapag mas malapit na sa oras ng pagtulog sa gabi, iwasan na ang nap, at mag-isip ng mga sleep rituals para maramdaman ng bata na ito na ang oras ng pagtulog.

Kapag mahaba ang oras na gising ang bata, labis naman ang pagod niya at magbubwisit ito, iiyak, at mahihirapang makatulog ulit. Himukin siyang umidlip ng paunti-unti, pero madalas, at kumain o dumede, at makakatulog siya nang kusa nang hindi pinipilit.

3. Gumamit ng bedtime ritwal o routine.

Lahat ng bata ay kailangan ng routine, at ang mga magulang ang dapat na magbigay nito. Katulad ng takbo ng bawat araw ni baby—gigising, kakain, maglalaro, kakain, matutulog—kailangan din niya ng routine at ritwal para mahanap ang mailap na tulog sa gabi.

Ang pagpapatulog ay paraan ng maraming magulang na makipag-bonding sa mga anak. Makakatulong sa proseso ng pagpapatulog sa bata ang gawing positibo ang lahat ng bagay na may kinalaman sa tulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailangang maramdaman ng sanggol na gabi na, at oras na ng isang mahabang pahinga para sa lahat. Kaya iwasang makipaglaro o bigyan siya ng mga aktibong gawain bago matulog.

Dapat bang pagurin si baby para makatulog nang mabilis?

Huwag mong akalain na kapag pinagod ay mas madali siyang makakatulog. Ang magiging problema dito ay ang “over-stimulation” kaya’t mas magiging gising na gising ang diwa niya, imbis na mapagod. Gayundin, kapag overstimulated ang bata, maari siyang maging balisa, at mas magiging mahirap sa iyong patulugin siya.

Ayon sa pediatrician na si Dr. Maureen Ahman, para mas mabilis makatulog si baby, dapat ay mabawasan ang cortisone levels sa kanilang katawan. Ang cortisol ay isang hormone sa katawan na maaring magdulot ng stress at pagkabalisa sa isang sanggol.

Maaaring punasan o paliguan ang bata para maging presko ang pakiramdam niya. Siguruhin rin na medyo madilim at tahimik ang kaniyang paligid para mawili siyang natulog.

Bigyan ng baby massage para ma-relax, basahan ng bedtime story o bulungan ng mga malalambing na salita. Pwede ring kantahan ng lullabye. Higit sa lahat, padedehin siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anumang ritwal ang maisip, kailangang gawin ito ng ayon sa pagkakasunud-sunod para maisaloob ng bata na ito ang hudyat na oras na para matulog.

4. Huwag tugunan ang bawat imik o ingit.

Nararamdaman ng bata kung nahihikayat siyang gumising sa gabi, sa pamamagitan ng pagmamadali ng magulang sa bawat pagkakataon na umiingit lang naman siya, o umiiyak ng bahagya.

Alam rin niya kung dali-daling darating at kakargahin siya ni nanay o tatay sa gabi, kaya’t nawiwili rin itong umiyak para magpakarga, kahit sa gitna ng gabi. Pansinin na kadalasan pa nga, magigising at magdadaldal pa ito, pero natutulog ding muli.

Kapag narinig na umiiyak si baby, bago tuluyang kargahin at ihele ulit, hintayin ng saglit. Pwede mo muna siyang tapik-tapikin ng kaunti at tingnan kung makakabalik na siya sa pagtulog.  Minsan ay nakakatulog siyang muli nang walang tulong ni nanay o ‘di kailangang kunin ni tatay.

Hindi lahat ng pagkakataon at hindi lahat ng iyak ay karga at hele ang tugon. Pakinggan at alamin rin ang klase ng iyak ng bata na nangangailangan ng kaagad na pansin.

5. Ibaba ang sanggol ng inaantok pa lang, pero hindi pa tulog.

Walang masama sa paghele at paghagod para mapatulog ang bata, dahil paraan din ito para mapadama ang haplos ng pagmamahal natin sa anak.

Pero tandaan rin na importanteng matuto ang bata na matulog nang sarili lang niya—walang tapik o hindi hinehele palagi. Mas mainam at mas madali para sa lahat kung matuto siya ng “independent sleep.” Para nang sa ganoon, makakaya rin niyang matulog mag-isa kapag nagising siya sa gabi, at hindi umaasa lang sa atensiyon ng magulang.

Paano mo ba malalaman kapag inaantok o handa nang matulog si baby? Narito ang ilang senyales na pwede mong abangan:

  • Kinakamot ang mga mata
  • Naghihikab
  • Tumitingin sa malayo
  • Nagiging mas balisa

Paalala sa mga magulang: mahihirapan kang patulugin si baby kapag siya ay nababalisa. Kaya siguruhin na maayos ang pakiramdam niya bago siya matulog. Siguruhin na nakadede na siya at palitan ang kaniyang diaper bago siya subukang patulugin.

Kung madalas nakakaranas ng pagkabalisa at matinding pag-iyak ang sanggol kapag gabi, huwag mahiyang kumonsulta sa kaniyang pediatrician. Maaring mayroon pala siyang medikal na kondisyon na iniinda kaya hirap siyang matulog.

Dapat tandaan na sa kaniyang unang taon, inaaral pa lang ng sanggol ang kaniyang mundo. Kaya mas mabuting habang maaga ay maituro sa kaniya ang healthy sleeping habits at tamang routine sa pagtulog.

Sa ngayon, habaan lang ang iyong pasensya, at subukang gawin ang mga paraan sa itaas. Hindi magtatagal ay magiging mas madali na ang pagpapatulog kay baby.