Micro-cheating: Ang mga simpleng paglalandi na maaaring sumira sa relasyon

Alamin ang ibig sabihin ng micro-cheating, kung paano ito nakakasira ng isang relasyon at kung ano ang mga maaaring gawin upang mailigtas ang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pag-aaral, 23% ng mga lalaki at 12% ng mga babae na may asawa ay nagawa nang makipagtalik sa iba. Ngunit, hindi lang sa pakikipagtalik nakikita ang pangangaliwa sa asawa. Isa sa mga maaaring maka-sira sa relasyon ng mag-asawa ay ang tinatawag na micro-cheating.

Micro-cheating

Ito ay tumutukoy sa kaugalian na naglalaro sa gitna ng katapatan at pagiging hindi tapat sa asawa. Ang depinisyon na ito ay nagmula kay Lindsey Hoskins, isang couples therapist mula sa Maryland. Kanya ring idinagdag na mahirap itong ilugar dahil iba-iba ang basehan ng tao sa pagloloko.

Depende sa nakasanayan ng tao at pinagpapahalagahan sa isang relasyon, maaari maibilang dito ang paggamit ng dating apps bilang katuwaan hanggang pang-aakit sa isang natitipuhan. Ang mga madalas na nakikita ni Hoskins na nasasabing micro-cheating ay ang mga:

  • Madalas na pakikipag-usap o chat sa social media sa isang posibleng karelasyon.
  • Madalas na pakikipag-usap sa dating kasintahan.
  • Masyadong pagiging pala-kaibigan sa isang ka-trabaho.

Paano ito nagiging problema

Ayon kay Jayson Dibble, isang associate professor sa Hope College, mahirap hatulan ang humahanga dahil likas itong ugali ng tao. Dahil dito, ang micro-cheating ay nagiging problema lamang kung may kasama nang emosyonal o pisikal na bahagi.

Ibinahagi ni Dibble na ang pakikipag-landian ay kadalasang hindi delikado. Ito ay dahil kadalasan itong ginagawa para lamang mapataas ang kumpiyansa sa sarili kaysa sa paghanga sa tao.

Idinagdag ni Dibble na ang pagpantasya sa iba kahit habang katalik ang asawa ay hindi problema dahil maaari itong makabuti sa kalusugan. Pinapanatili nitong malakas ang isang tao para sa kanyang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang pagaaral noong 2014 na co-author si Dibble, kanyang natuklasan na walang makikitang pagbawas sa pagiging tapat sa relasyon ang pakikipag-usap sa mga maaaring maging romantiko o sekswal na partner.

Ngunit, ang maaaring nagsimula sa simpleng pakikipag-usap o pakikipagkaibigan ay maaaring lumala, sinasadya man o hindi. Maaaring maging problema na ito kapag ito ay kumakain na ng oras o emosyonal na lakas mula sa relasyon.

Isa pang dapat alalahanin ay ang magiging pagtanggap ng karelasyon sa mga ganitong gawain. Ang pagkakaroon ng madalas kausap ay maaaring hindi makapagpabago sa nakikipag-usap ngunit hindi maganda ang dating sa karelasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Hoskins, nagiging problema ang micro-cheating kung ito ay problema para sa karelasyon. Sa pagpasok sa isang relasyon, dapat maging sensitibo sa maaaring makapagpabagabag sa karelasyon.

Ang maaaring gawin sa micro-cheating

Ang pagkakaroon ng magandang komunikasyon ang payo ni Hoskins. Dapat malinaw sa magka-relasyon ang hangganan ng isa’t isa bago pa ito maging problema. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagkakaroon ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan.

Malaking bagay din kung paano pag-uusapan ang ganitong bagay. Kung pakiramdam ay may mali nang nagagawa ang karelasyon, dapat iwasan ang pagiging agresibo sa pagkumpronta dito. Ang pagiging defensive ay dahil sa pakiramdam na inaatake, kaya pinapayuhan ang nagaaalala na maging sigurado sa mga salita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para naman sa inaakusahan ng micro-cheating, maging tapat sa nagawa. Makinig sa mga sasabihin ng karelasyon at alamin kung paano magiging mas maalam sa susunod.

Sa huli, alamin ang pinagmulan ng micro-cheating. Sa pamamagitan nito, malalaman ang maaaring kulang sa pagsasama. Bigyang pansin ang pagkukulang na ito nang maayos nag relasyon at hindi ito hanapin sa iba.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Time

Basahin: 5 Senyales ng CHEATING na madalas hindi natin nahahalata