Ikinasal na ang isa sa mga guitarist-vocalist ng bandang Ben&Ben na si Miguel Benjamin Guico sa kaniyang girlfriend na si Karalle Bulan nitong February 10, 2023. Church wedding ang kasal nila. Alamin pa ang ibang detalye sa artikulong ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kasal ni Miguel Benjamin Guico at Karalle Bulan
- Tips sa hassle free na pagpapakasal
Kasal ni Miguel Benjamin Guico at Karalle Bulan
Sa isang Instagram post inanunsyo ni Miguel ang kasal nila ni Karalle, caption niya sa kaniyang post,
“Umaga na sa ating duyan.
Sa hirap at ginhawa
lungkot at ligaya
Ikaw ang kasama,
ang aking mahiwaga.”
Maraming netizens naman ang nagbigay nang pagbati sa dalawa sa kanilang pag-comment sa post ni Miguel. Ang banda kasing Ben&Ben ay sikat sa pagpapakilig sa kanilang mga kanta. Masaya ang mga netizen dahil natagpuan na ni Miguel ang kaniyang true love.
Larawan mula sa Instagram account ni Miguel Benjamin Guico
Pagbati ng mga netizen,
macocustodio
“Congratulations and Best wishes!!!”
jillasara
“The LOVE! Congratulations MigsRelle!”
yomf.lily
“huhuhu, kaiiyaaaaak. Kasal na tinatangi naminnnn.”
Nagbigay rin ng pagbati ang kanilang mga kaibigan na mga sa industriya katulad na lamang ni Krissy Achino, “OMG!!! Congratulations & best wishes, Miguel and Karelle! May God bless your married life. Love, love, love!!!”
Sabi naman ni Moira, “Congrats guyssss!”
Siyempre dinaluhan din ng mga kabanda ni Miguel ang kanilang kasal.
Larawan mula sa Instagram account ni Miguel Benjamin Guico
Matatandaan noon na sinabi ni Miguel sa na nasa isang nasa isang LDR set up relastionship siya. Pagbabahagi niya,
“Ano kasi siya, medical student.
“So, ang nagbabadya soon ay magsa-start na siya ng duty. So, pagkaganun, most likely, LDR muna kami pero okey lang ‘yon.”
Congratulations Miguel at Karalle!
Larawan mula sa Instagram account ni Miguel Benjamin Guico
Tips sa hassle free na pagpapakasal
1. Pagplanuhan kung kailan ba ang date ng inyong kasal
Kapag engaged na kayo magandang pagplanuhan niyong mabuti kung kailangan kayo ikakasal. I-consider din ang mga dadalo sa inyong kasal sa pagpaplano nito.
2. I-outline ang inyong budget sa iyong kasal
Mahalagang i-budget ang inyong mga expenses sa inyong kasal. Sa ganitong paraan, ay magiging smooth ang mga kailangan at pagpaplano niyo sa inyong kasal.
3. I-consider ang oras ng iyong pagpapakasal
4. Mag-research patungkol sa mga kailangan niyong dalawa sa pagpapakasal. Katulad ng mga supplier at iba pa.
5. I-book ng mas maaga ang venue ng inyong kasal
6. Pag-isipan din ang decor ng inyong kasal.
7. Pagpaplanuhan din ang mga pagkain na gusto niyong i-serve sa inyong kasal.
8. Pag-usapan kung sino ang kasama sa inyong guest list
Magandang mapag-usapan kung sino-sino ang iimbitahin sa inyong kasal, para ma-budget niyo rin ang inyong pera sa catering at iba pa. Pag-isipan kung intimate lang ang wedding na inyong gusto o isang malaking wedding.
9. Pumili rin ng gagawa ng inyong mga damit sa inyong wedding
Kasabay nito, dapat na ring maghanap kung sino ba ang gagawa ng make-up ng bride pagsapit ng wedding.
10. Asikasuhin ang mga importanteng papels sa pagpapakasal
Last but not the least, mahalaga na ilista ang mga kinakailangan na papels sa pagpapakasal. Lalo na simbahan at munispyo. Sa ganitong paraan mapapadali ang pagpaplano niyo ng inyong kasal.
Tandaan, minsan sa mga pagpaplano may sasablay pa rin pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na perfect ang inyong wedding.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!