Sharon Cuneta, mayroong sweet at puno ng pasasalamat na mensahe sa kaniyang adopted son na si Miguel Pangilinan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Miguel Pangilinan, ang best gift from God ni Sharon Cuneta
- Paano aaminin sa iyong anak na siya ay adopted?
Miguel Pangilinan, ang best gift from God ni Sharon Cuneta
Sa Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, ipinakita niya sa mga tao ang kanyang mensahe para sa kaniyang adopted child na si Miguel Pangilinan. In-upload niya ang isang imahe mula sa Thoughts Wonder na naglalaman ng quotation ukol sa pamilya.
Nakasaad sa litratong ito,
“Family is not about blood. It’s about who is willing to hold your hand when you need it the most.”
Kasama nito ang sweet na mensahe ni Megastar para sa kaniyang bunso at nagiisang anak na lalaki na si Miguel. Ayon sa kaniya,
Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta
“Miguel Samuel Mateo, my only son, YOU are the best gift God Almighty has given to our family – to MAMA.”
Bagamat hindi ito nanggaling sa kaniyang sariling tiyan, itinuring naman ng buong pamilya ni Sharon si Miguel bilang regalo mula sa Diyos. Noon pa lamang ay nangangarap at naghahangad na siyang magkaroon ng anak na lalaki.
Subalit mula sa kaniyang panganay na si KC Concepcion, hanggang sa dalawa pa nilang anak ni Kiko Pangilinan na sina Frankie at Miel, lahat ay puro babae. Kaya naman labis-labis na lamang ang tuwa ni Megastar nang dumating sa kanilang buhay si Miguel.
Pagbabahagi ni Sharon,
Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta
“Thank you for being the kind of son I always dreamed I could have.”
“We have the same love language/s and your love has gotten me through some of the toughest times I have had to go through in your twelve years of life.” dagdag pa niya.
Damang dama ng inang si Sharon kung gaano siya kamahal ni Miguel. Bukod pa rito, ibinahagi niya na pareho sila ng kung tawagin nila ay love language.
Ayon sa aktres, pareho sila ni Miguel ng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa tao, ito nga ay ang pagiging affecttionate at thru service din.
Ang pagmamahal na ito mula sa kaniyang anak ang tumutulong sa kaniya upang malampasan anumang pagsubok ang kaniyang pagdaanan.
Ibinahagi rin ni Sharon sa isa niyang vlog kasama ang kanilang buong pamilya na napaka-sweet at mabait na bata si Miguel. Sa mga magkakapatid, inamin ni Sharon na si Miguel ang pinakamalambing.
Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta
“Ang pinakamalambing, ito si Miguel,” sambit ni Sharon habang tinuturo ang kaniyang bunsong anak.
Si Miguel daw yung tipo ng anak na parating kinakamusta ang magulang. May mga pagkakaton rin kung sa bibisitahin siya nito sa kwarto upang sigurading okay siya. Kapag naman siya ay natutulog, kinukumutan siya, papatayin yung ilaw, at isasara yung kurtina.
Malapit na malapit si Miguel sa kaniyang ina na si Sharon, gayon din sa kaniyang ama na si Kiko Pangilinan. Masaya rin si Kiko na nagkaroon siya ng anak na lalaki at ito ay pinagpapasalamat niya sa asawang si Sharon, dahil ‘di umano ito magiging posible kung hindi dahil sa kaniya.
Samantala, binigyang diin din ni Sharon na ang kahalagahan ng isang pamilya. Hindi ito nasusukat sa hindi nila pagiging magkadugo, kundi sa kanilang relasyon bilang pamilya at kung paano nila naipaparamdam ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
“I AM GRATEFUL, HONORED AND PROUD TO BE YOUR MOTHER. Thank you for being MY SON.” sambit ni Sharon.
Paulit-ulit na binanggit ni Sharon kung gaano ni kamahal ang anak na si Miguel at kung gaano ito kahalaga sa kaniya. Parati niyang ipinaparamdam sa anak kung gaano siya ka-thankful sa pagdating ni Miguel sa kanilang pamilya.
Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta
BASAHIN:
Sharon Cuneta ibinahagi kung paano pinapahalagahan ang kaniyang mga yaya
Sana all payat! Sharon Cuneta wows in slimmer figure, wears medium clothes
Sharon Cuneta opens up about almost breaking up with Kiko Pangilinan
Paano aaminin sa iyong anak na siya ay adopted?
Ang karaniwang problema at pinag-aalala ng mga adoptive parent at kung paano nila sasabihin sa kaniyang anak na siya ay adopted. Mayroong mga pagkakataon kung kailan nagtatanong sila tungkol sa kanilang sarili at kung saan sila nanggaling.
Iyong pagkatatandaan na ang pagkakataong ito ay isa sa mga importanteng pagkakataon sa buhay ng iyong anak, kaya mahalang gawin ito ng tama. Higit na makabubuti kung bata pa lamang siya ay aaminin mo na sa kaniya ang totoo.
Dapat mong iwasan na malaman ito ng iyong anak mula sa ibang tao. Bilang magulang, sa’yo dapat magmumula ang katotohanan sa paraang mas madaling maiintindihan ng iyong anak.
Bago mo aminin, mahalaga na naipaparamdam mo sa iyong anak ang labis na pagmamahal mo sa kaniya at kung gaano mo siya pinahahalagahan.
Kailangan positibo ka lamang sa iyong sinasabi at siguraduhing naiparamdam mo sa kaniya na siya ay tanggap sa iyong buong pamilya.
Nakakalito para sa ibang bata kapag natuklasan nilang sila ay ampon. Maaari silang magtanong ng mga bagay ukol sa kanilang totoong magulang, kung sino sila, at saan siya nanggaling. Maaari din nilang tanungin kung bakit sila ipinaampon.
Magiging mahirap para sa iyong sagutin ang mga katanungang ito. Subalit kailangan mo sabihin sa kaniya ang katotohan sa simple at positibong paraan.
Sa ganitong paraan ay mas madali para sa kaniya intindihin ang mga bagay na dapat niyang malaman. Mas makikilala rin niya ang kaniyang sarili at mas magiging proud siya sa kung sino talaga siya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!