Umaabot na umano ng P762 ang daily wage gap sa Pilipinas nitong March 2024, ayon sa think tank na Ibon Foundation. Ito ay dahil sa mababang average daily minimum wage at sa pagtaas ng mga bilihin.
Minimum wage sa Pinas masyadong mababa para mabuhay ang pamilya
Makikita sa datos ng Ibon Foundation na ang wage gap ay na-compute base sa average daily minimum wage at average family living wage, para sa pamilyang may 5 miyembro sa lahat ng 17 rehiyon sa bansa, at ito ay pumapatak ng P1,207.
Ang wage gap ay ang gap sa pagitan ng kasalukuyang minimum wage at ng family living wage.
Ang family living wage naman ay tumutukoy sa kinakailangang family income para makapag-provide ng cost of living. Kabilang na rito ang lahat ng pagkain at iba pang bilihin. At ang allowance para sa savings at investments para sa social security.
Ibig sabihin tinatayang P1,207 ang karaniwang gastusin ng pamilyang may 5 miyembro kada araw.
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na minimum wage na P610. Pero umaabot ng P587 ang wage gap, ibig sabihin 51% lamang ito ng P1,197 family living wage.
Samantala, ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao naman ang may lowest daily wage na P361. At 18% lamang ito ng P2,053 family living wage sa rehiyon.
Pagtaas ng daily wage
Inaprubahan na ng Senado ang karagdagang P100 sa minimum wage para sa lahat ng mga nagtratrabaho sa private sector. Sa ngayon ay naghihintay na lamang ito ng approval mula sa House of Representatives. Bago ito makarating at malagdaan ng pangulo.
Una nang sinabi ng Ibon Foundation na may sapat na datos umano na makapagpapatunay na afford o kaya naman ng mga employer na magbayad ng panukalang dagdag na P100 sa daily minimum wage.
Subalit, ayon kay Ibon Executive Director Sonny Africa, sa report ng Inquirer, kahit na malaking bagay na ang P100 wage increase, hindi pa rin ito sapat para lumiit ang wage gap. Sa kabila ng panukalang pagtaas ng minimum wage ng 100 piso. Mananatili pa rin umano ang significant wage gap dahil sa mahal ng mga bilihin.
“The huge wage gap means that even workers in the most formal sector of the economy with presumably relatively the highest and most stable earnings are still ‘working poor,” saad ni Africa.