Miriam Quiambao at ang kaniyang husband na si Ardy Roberto, ibinahagi ang ilan sa mga rason sa likod ng kanilang desisyon na tumira sa Boracay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga rason sa pagtira ni Miriam Quiambao at kaniyang buong pamilya sa Boracay
- Bakit mahalaga ang outdoor play para sa mga bata?
Mga rason sa pagtira ni Miriam Quiambo at kaniyang buong pamilya sa Boracay
Itinuturing ng mag-asawang Miriam Quiambao at Ardy Roberto answered prayer ang kanilang naging pagtira sa Boracay. Mula sa siyudad, napagdesisyunan ng mag-anak na lumipat at tumira sa isa sa pinakamagagandang isla sa Pilipinas, ang Boracay.
“Lord, saan ba kami? Where can we go?” ‘yan ang naging tanong ni Ardy sa Diyos mula sa kaniyang pagnanais na malaman kung saan dapat pumunta ang kanilang buong sambahayan.
Hiniling niya ito sa Diyos. Nais niyang malaman kung saang lugar maaring pumunta ang kanilang buong pamilya na mas higit silang magiging masaya. Bilang magulang naghahangad siya ng healthy environment at lugar para sa kaniyang asawa’t mga anak.
Sa ilang panahon ng paghahanap, luminaw nang luminaw ang kaniyang isip at dinala sila sa napakagandang isla ng Boracay.
“Yes to this adventure,” naman ang naging tugon ng kaniyang misis na si Miriam Quiambao sa malaking hakbang na ito ng kanilang buhay.
Wala nang rason para hindi sila tumuloy at tuluyang manirahan sa lugar. Dahil ayon kay Ardy,
“May ‘yes’ na kay Lord, may ‘yes’ pa kay wife. Happy wife, happy life, sabi nga nila ‘di ba?”
Active ang social media ng mag-asawa lalo na sa pag-uupdate sa kanilang naging buhay sa Boracay. Dahil dito naibahagi ng dalawa ang ilan sa mga bagay na kanilang nai-consider sa paglipat sa lugar.
“Best beach” daw ang Boracay! Maganda ang paligid, ang mismong lugar, at buong environment. Dahil sa paglipat nagkaroon sila ng outdoor lifestyle na hindi lang silang mag-asawa ang nag-e-enjoy kundi pati na rin ang kanilang mga anak.
“Elijah love running on the beach, getting his feet wet, walking in the sand.” pagbabahagi ni Ardy.
Ayon kay Miriam, naging habit na nila ito, “morning ritual” pa nga kung kanilang tawagin. Kakaibang environment daw ang mayroon sa lugar, malayong-malayo sa kanilang nakasanayan kung saan limitado lamang ang maari nilang puntahan dahil sa pandemya.
“It’s so satisfying to see them experiencing this environment,” sambit ni Miriam.
Hindi kagaya sa village na kanilang tinitirhan noon, mas malayang nakakalabas ang kaniyang mga chikiting. Malaya silang nakakapaglaro at marami ding mga activities na maaaring gawin.
Halimbawa na lamang ng mga outdoor activities na maaari nilang gawin ay ang hiking and trails, kayaking, biking, swimming, at parasailing. Bukod dito, nakakapag-explore din ang kanilang buong pamilya sa iba’t ibang mga isla, falls, at mga bundok sa Boracay.
Malaki ang naitulong ng kanilang pagtira sa Boracay pagdating sa paghubog ng social skills na kanilang mga anak.
“Mas naging sociable ang anak ko,” pagbabahagi ni Miriam Quiambao.
Iniiwasan ng mag-asawa, bilang mga magulang, ang magkaroon ng social anxiety ang mga bata. Dahil sa pandemya, hindi makalabas ang mga tao, partikular na ang mga bata.
Kaya naman kapag dumating ang panahon na normal na ang lahat, iniiwasan nila ang posibilidad na hindi na rin marunong sa tao ang mga bata.
Higit sa lahat, “The kids are really enjoying,” sambit pa ni Miriam.
Ayon kay Ardy, hindi mapapantayan ng pera o anumang halaga ang ginagawa nilang “investment sa memories” kasama ang kanilang buong pamilya sa isla.
BASAHIN:
Looking for a fun activity for the kids? 10 farms, zoos and outdoor parks near Manila
Bakit mahalaga ang outdoor play para sa mga bata?
Bukod sa physical activities na kanilang nagagawa, malaki ang benepisyo ng pagkakaroon ng outdoor play sa mga bata. Makakatulong ito sa child development ng iyong chikiting.
Bukod pa rito, makakatulong ito upang mas matuto silang makipag-socialize, mas maintindihan ang kanilang pangangatawan at mga kakayanan nito, pati na rin ang mag-enjoy sa labas ng tahanan.
Iba na ang klase ng mundo na ating ginagalawan ngayon. Dahil na rin sa pandemya, mas mahirap mag-schedule ng oras upang labas kasama ang mga anak.
Subalit tandaan na isa ito sa mga bagay na kailangang i-prioritize ng mga magulang dahil may kinalaman ito sa pagkakaroon ng healthy growth and development ng iyong anak.
Ang outdoor play ay makakatulong din upang mas ma-improve pa ang health condition ng iyong anak, partikular na ng physical at mental health nito.
-
Pahinga mula sa paggamit ng gadgets
Sa kasalukuyan, tayong lahat ay naninirahan na sa modernong panahon kung saan kadikit na ng ating buhay ang teknolohiya. Subalit habang bata pa, maaaring mabawasan ang screen time ng iyong anak kung magkakaroon sila ng oras para sa outdoor activities.
-
Improvement sa kanilang pagtulog, mood, at social skills
Ang pagkakaroon ng physical activities ay makakatulong sa mga bata upang magkarooon ng maayos at mahabang tulog sa gabi. Dahil may maayos at kumpletong tulog, higit na mag-iimprove ang kanilang mood sa susunod na araw.
Bukod dito, isa sa pinakamagandang dulot nito ay ang pagkatuto ng mga bata na makipag-socialize sa mga taong nakapaligid sa kanila. Nagkakaroon sila ng ability na matuto kung pano mag-engage sa ibang tao habang sila nag-eenjoy at nagiging masaya.