Dahil sa mga nangyaring pagbabago sa society, dumadami na ang mga career woman na mas malalaki ang kinikita kumpara sa kanilang mga mister. Alamin ang mga dapat gawin kung sakaling mas malaki ang income ni misis kaysa sa lalaki.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Epekto kapag mas malaki ang income ni misis kaysa kay mister
- Tips para sa mga misis na may malaking kita
Epekto kapag mas malaki ang income ni misis kaysa kay mister
Sa ilang mga pag-aaral, napag-alaman na sa kasalukuyan palaki nang palaki ang bilang ng mga kababaihang may magagandang career. Bunga ito ng mas magandang pagkakataon na mabigyan sila ng chance na makapag-aral at makapagtapos ng college.
Kaya nga sa ganitong mga pangyayari, kung sila ay darating sa stage na mag-aasawa na ay nagkakaroon ng pagkakataong mas malaki na ang kinikita nila kaysa sa kanilang magiging husband.
Napag-alaman ng mga researchers na sa tuwing malaki ang kita ng kababaihan sa isang tahanan ay tsaka lamang nagiging pantay ang hatian sa gawaing bahay. Kung mas kumikita kasi si misis, nakita na tsaka lang mas mag-eeffort na kumilos sa ilang household chores si mister.
Bagaman ganito, nahuhuli pa rin daw ng 5 oras kada linggo ang mga kalalakihan sa gawaing bahay. Habang 17 hours per week na lag naman sa pag-aalaga ng bata.
Dahil daw ito sa mga pagkakataong upang hindi maramdaman ng mister nila na ‘threatened’ sila sa kanilang misis ay kumikilos pa rin sa gawaing bahay ang mga babae.
May mga pag-aaral ding nakita na malaki ang divorce rate o paghihiwalay sa mag-asawang babae ang mas malaki kumita. Maaaring ang dahilan nito ay mas malakas ang loob ng kababaihan ngayon dahil kaya na nilang kumita sa sarili nilang lakas. At hindi isandig ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang mister.
Hindi katulad noon na nagiging dahilan kaya nagtatagal pa sa relasyon ay ang pagiging dependent ng misis sa asawa upang itaguyod ang kanilang pamilya at maibigay ang pangangailangan ng mga anak.
Mayroong din daw mga pangyayaring mas mataas ang tsansang magloko ang lalaking dependent sa karelasyon nila kaysa ang asawa ang dependent sa kanila. Dahil daw ito sa rason na ang kalalakihan ay nasa ilalim pa rin ng lipunang may toxic na pagtingin sa masculinity.
Tips para sa mga misis na may malaking kita
Para sa kababaihang nasa ganitong kalagayan, narito ang ilang tips na maaaring tandaan:
Tip no. 1: Laging tandaan ang bigat ng workload ng isa’t isa. Importanteng hindi makalimutan na kahit pa nasa ganitong kalagayan kayo ay hindi makalimutang magkakampi pa rin kayong mag-asawa. Iwasang magsilipan kung sino ang kumikita ng malaking sahod kaya dapat siya ang mas hindi kikilos sa bahay.
Kinakailangan pa ring magtrabaho kayo nang sabay upang mapanatiling maganda ang takbo sa loob ng tahanan. Pag-usapan kung paano kayo magbibigayan ng task lalo na sa pagsisiguradong ligtas ang mga anak ninyo.
Hangga’t maaari ay iwasan ding ibukas palagi kung sino ang mas malaking kita dahil pwedeng pagsimulan ito ng away. Ang pagbi-bring-up kasi ng ganitong mga isyu ay nagiging daan upang magsumbatan kayo.
Tip no. 2: Pag-usapan ang desisyon tungkol sa pinansyal. Mahalagang buksan ang usapin tungkol sa finances sa loob ng tahanan bilang malaking factor ito sa buhay mag-asawa.
Alamin kung magkanong pera ang nakalaan sa isa at kaninong bangko dapat inilalagay ito. Kinakailangan ding malaman ninyo kung paano binabayaran ang iba’t ibang monthly bills sa bahay.
Sa ganitong paraan kasi mas malinaw ang mga gagawing hakbang upang mas managae nang maayos ang inyong pera.
BASAHIN:
10 tips for exercising post-pregnancy, and know the risk of exercising too soon after giving birth
Tumatamlay ba ang pagtatalik niyong mag-asawa? 4 tips para maging masigla muli ang inyong sex life ayon sa experts
When do babies start cooing? 7 tips to encourage your newborn’s language milestone
Tip no. 3: Palaging magkaroon ng healthy na komunikasyon. Hindi ito basta-basta naayos sa isahang usapan. Kinakailangang parati itong mapagdiskusyunan dahil kadalasang ang mga isyung ito ay labanan ng emosyon sa isa’t isa.
Bilang pinalaki sa tradisyunal na pamilyang ang lalaki ang kumikita sa bahay at kadalasang nagdedesisyon sa malalaking pasya ng tahanan, dapat ay basagin ang ganitong kinalakhan.
Tandaan na magsisimula ang ganitong set-up sa inyong pamilya, kaya dapat laging bukas ang mag-asawa sa maraming usapin. Mas healthy ang komunikasyon, mas mababawasan ang misundertanding ninyong dalawa.
Tip no. 4: Kumonsulta sa mga eksperto. Kung sakaling ang ilang mga tips na nabanggit ay nagawa na at madalas pa rin kayong sumasailali sa pag-aaway, huwag agad isipin na ang problema ay ang iyong karelasyon.
Sa ganitong pagkakataon huwag mag-atubiling kumonsulta sa eksperto upang masort out ang inyong nararamdaman maging ang behaviors na inyong ginagawa. Tutulungan kayo ng mga ito na maramdamang magkakampi kayo at hindi magkalaban.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!