Miss England 2019 Bhasha Mukherjee balik muna sa pagiging doktor upang makatulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Miss England 2019 Bhasha Mukherjee iiwan muna pansamantala ang korona niya
Pansamantala munang iniiwan ni Miss England 2019 Bhasha Mukherjee ang kaniyang korona upang bumalik sa kaniyang profession. Ito ay ang pagiging doktor na labis na kinakailangan ngayon sa pagharap sa coronavirus pandemic.
Agosto ng nakaraang taon ng makoronahan si Bhasha Mukherjee bilang Miss England 2019. Mula noon ay iniwan niya muna ang kaniyang medical career. Ito ay matapos siyang makatanggap ng kabi-kabilang offer na maging ambassador ng iba’t-ibang proyekto at organisasyon. Sa katunayan nasa gitna siya ng isang charity work sa India nitong Marso ng mabuo ang kaniyang desisyon. Ito ay ang nais niyang bumalik sa United Kingdom at maging parte muli ng Pilgrim Hospital sa Boston, Eastern England.
“When you are doing all this humanitarian work abroad, you’re still expected to put the crown on, get ready… look pretty.”
“I wanted to come back home. I wanted to come and go straight to work.”
Ito ang pahayag ni Mukherjee sa isang panayam.
Pagbabalik sa kaniyang profession na pagiging doktor
Ayon kay Mukherjee, ang pangunahing dahilan kung bakit nag-desisyon siyang bumalik ay ang kagustuhan niyang makibahagi sa sakripisyong ginagawa ng mga health workers na lumalaban sa kumakalat na sakit. Dahil naniniwala siya na ngayon ang tamang oras upang patunayan niya na siya ay karapat-dapat sa napanalunang korona.
“Two or three weeks ago I was hearing about these really long shifts and that my colleagues were covering various parts of the hospital and taking on responsibilities we didn’t have before. I really wanted to join in the task force right away. That’s what initiated me to return to work in the first place.”
“There’s no better time for me to be Miss England and helping England at a time of need.”
Ito ang pahayag pa ni Mukherjee. Dagdag pa nga niya ay nakatakda naman na talaga siyang bumalik sa kaniyang medical career nitong darating Agosto. Napaaga lang ito dahil sa demand ng COVID-19 pandemic sa mga doktor at iba pang health workers.
Pagbabahagi pa ng 24-anyos na beauty queen, kakaiba raw ang ibinibigay na kasiyahan sa kaniya na malamang ang kaniyang ginagawa ay nakakatulong sa iba.
“It’s scientifically proven when you do an act of kindness it activates the happy sensor in your brain. It’s a whole different feeling of being able to sit next to someone, give them that support and to feel needed. Those were the biggest reasons for me as to why I went into the medical field,” saad ni Mukherjee.
Mensahe ni Miss England 2019 Bhasha Mukherjee sa kaniyang mga taga-suporta
Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa mga taong naniniwala at sumusuporta sa kaniya. Maliban nga sa pasasalamat ay may pakiusap siya sa bawat isa sa atin.
“Thank you for the attention, love, and support. I think more of this should be happening. For anyone reading this, if you know a doctor or a key worker, just reach out to them and tell them thank you. This started happening to me before I even got back to the United Kingdom. It really makes a big difference in terms of morale for key workers”, pahayag pa ni Mukherjee.
Si Miss England 2019 Bhasha Mukherjee ay may Indian decent na lumaki sa bansang England. Isa siyang espesyalista sa respiratory medicine. Nito lamang April 6 ay nakabalik na siya sa England. Pero siya ay sasailalim muna sa 14 days quarantine bago tuluyang makabalik sa kaniyang duty bilang isang doktor.
Ang pagiging responsable ni Miss England 2019 Bhasha Mukherjee ay isa mga ugaling nais ng bawat magulang na makita sa kanilang anak. Ngunit paano nga nating matuturuang maging responsable ang isang batang nasa mura pang edad? Ayon sa isang educational consultant at faculty member ng De La Salle University Manila na si Teacher Maricar de Ocampo ay narito ang ilang paraan.
Tips para maging batang responsable ang iyong anak
Start small.
Ang pagtuturo ng pagiging batang responsable sa iyong anak ay dapat magsimula sa maliliit na bagay na maari at kaya niyang gawin. Tulad ng paglilinis ng kaniyang kwarto, paglalagay ng kaniyang maruming damit sa labahan, pag-iingat sa kaniyang bag o paggawa ng kaniyang homework. Ang kailangan lang ay unti-unti itong ipagawa sa kaniya sa paraang hindi siya mabibigla at unti-unti ring makakasanayan niya.
Gumamit ng mga signs o pictures sa inyong bahay.
Para hindi maalis sa isip ng iyong anak at para maturuan siya na maging responsable sa lahat ng oras makakatulong ang pagsusulat o paggamit ng signs o pictures sa inyong bahay. Tulad ng paglalagay ng “please flush the toilet after use” sa banyo. Dahil ang mga bata raw ay very visual. Kaya ang mga signs o pictures ay makakatulong para maturuan sila ng mga bagay na nais mong matutunan nila.
Bigyan siya ng schedule.
Isa pang paraan para maging isang batang responsable ang iyong anak ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng schedule o listahan ng mga bagay na dapat niyang gawin sa araw-araw. Makakatulong kung bibigyan mo siya ng lugar sa inyong bahay tuwing umaga na kung saan pwede siyang maupo at basahin ang schedule o to do list niya. Pero ang mga ito ay hindi niya dapat gawin ng mag-isa. Dapat sa pagtupad ng mga responsibilities na ito ay kasama ka at unang-una ay dapat pumayag o naiintindihan niya ang mga task na ibinigay sa kaniya.
Gawin itong routine upang makasanayan niya.
Para tuluyang makasanayan at lumaking batang responsable ang iyong anak ay dapat gawin ang mga nasabing tips bilang isang routine para sa kaniya. Ngunit muli, hindi niya ito magpapatagumpayang magawa ng mag-isa. Ang iyong tulong at gabay ay kailangan niya upang lagi siyang paalalahanan ng mga bagay na dapat niyang gawin. Makakatulong rin ang mga papuri o praise mula sa iyo sa bawat job well done sa task na nagawa niya. Ito ay para mas ma-encourage siyang gawin pa itong muli na kinalaunan ay makakasanayan at madadala niya na sa kaniyang paglaki.
Source:
Basahin:
WATCH: Pia Wurtzbach teaches 2-year-old niece Lara how to be a beauty queen