Pinakamagandang mga baby names mula sa Miss Universe 2018

lead image

Heto ang mga napili naming pinakamagandang mga baby names mula sa Miss Universe 2018.

Ang pagpili ng pangalan para sa iyong baby ang isa sa pinaka-mahirap na desisyon na gagawin ng isang magulang. Upang mapadali ang iyong pagpili, heto ang pinakamagandang mga baby names mula sa mga kandidata ng Miss Universe 2018!

Baby names mula sa top 20 ng Miss Universe 2018

1. Zoë

Mula sa kandidatang si Zoë Brunet ng Belgium ang pangalang ito. Greek ang pinagmulan ng pangalan na ito, at ang ibig sabihin nito ay life. Bukod dito, naging pangalan din ito ng isang santo, si Saint Zoe of Rome.

2. Grainne

Ang pangalan na Grainne ay mula sa Irish candidate na si Grainne Gallanagh. Nagmula ang pangalan na ito sa Ireland, at ang ibig sabihin nito ay charminglove.

3. Akisha

Mula sa kandidata ng Curacao na si Akisha Albert ang pangalan na ito. Isa itong baby name na galing mula sa India, at ang ibig sabihin nito ay completepowerful.

4. Francesca

Ang pangalan na ito ay galing sa kandidata na si Francesca Hung mula sa Australia. Ito ay Italian na pangalan, na ang ibig sabihin ay free, o malaya.

5. Tamaryn

Galing naman ito mula sa kandidata ng South Africa na si Tamaryn Green. Ito isang Christian name na ang ibig sabihin ay palm tree.

6. Natalia

Ang pangalan na ito ay nagmula sa kandidata ng Costa Rica na si Natalia Carvajal. Ito ay mula sa latin, at ang ibig sabihin nito ay Christmas day.

7. Sophida

Galing ito sa kandidatang si Sophida Kancharin mula sa bansang Thailand. Ang Sophida ay galing sa Greek name na Sophia na ang ibig sabihin ay wisdom.

8. Manita

Ang pangalan na Manita ay mula sa kandidatang si Manita Devkota na galing sa bansang Nepal. Ito ay isang Indian name na ang ibig sabihin ay togetherconversation with God, at honored.

9. Kiara

Galing naman ang pangalan na ito mula sa kandidata ng Puerto Rico na si Kiara Ortega. May 3 itong pinanggalingan, ang Italian na Chiara, na ang ibig sabihin ay bright, at ang Irish na Ciara, na ang ibig sabihin ay dark-haired, at ang Indian na pangalan na Kiara, na ang ibig sabihin naman ay God's precious gift.

10. Catriona

Siyempre, ang pinakamagandang baby name sa aming listahan ay galing mismo sa ating kandidata na si Catriona Gray. Ang Catriona ay ang Irish version ng pangalan na Katherine, at ang ibig sabihin nito ay pure clear.

 

Basahin: Newly crowned Miss World Philippines Catriona Gray’s love for kids is inspiring

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!