7 tips para maging mas masarap ang missionary position

Madalas na tinatawag na boring o "vanilla" ang missionary position, pero alam niyo ba na puwede pala itong maging mas exciting?

Kapag naiisip ng mga tao ang pinaka-exciting na sex positions ay siguradong hindi dito kasama ang missionary position. Siguro dahil ito na ang pinaka-“basic” na posisyon, at ito rin ang pinakamadalas na ginagawang sex position ng mga mag-asawa.

Pero alam niyo ba na hindi naman kailangan maging boring o tipikal ang ganitong posisyon? Mayroon kaming ilang mga tips na siguradong gagawing mas exciting ang sex life ninyong mag-asawa!

Ano ang missionary position?

Larawan kuha ni yanalya mula sa Freepik

Ito ang isa sa mga most basic sex positions. Ang terminong missionary position ay nagsimula noon pang 1960s o early 1970s. Noon, tumutukoy ito sa heterosexual intercourse position kung saan magkaharap ang mag-partner at ang lalaki ang nasa ibabaw habang ang babae naman ang nasa ilalim.

Pero ngayon, hindi na lamang ito para sa heterosexual intercourse. Mas lumawak na ang kahulugan nito. Sa sex position na ito, nasa taas ang isa sa pareha at nasa ibaba naman ang isa, ano man ang kasarian.

Karaniwang maririnig natin na boring ang sex position na ito. Pero alam niyo ba na isa ito sa most intimate sexual positions dahil kaharap mo ang iyong partner habang nag-se-sex kayo. Dahil magkaharap, magagawa niyong titigan ang mata ng isa’t isa through out the intercourse. Puwede niyo ring maya’t mayang halikan ang inyong partner.

Bukod pa rito, ano pa nga ba ang dapat gawin para mas maging exciting at satisfying ang missionary position?

Posible bang gawing mas exciting ang missionary position?

Heto ang ilang mga tips para maging mas exciting ang sex life ninyong mag-asawa:

Larawan mula sa Freepik

1. Wag kalimutan ang foreplay

Nakakatulong ang foreplay para mag-init muna kayong dalawa ni mister bago makipag-sex. Inihahanda rin nito ang katawan para makipagsex, at nagiging mas masarap ang pakikipagtalik kapag may foreplay.

2. I-stimulate ang boobs

Para sa ilang kababaihan, erogenous zone ang kanilang dibdib. Ibig sabihin, kapag ito ay nahahawakan, nagbibigay ito ng dagdag na stimulation, lalo na sa sex.

Kaya’t subukang i-stimulate ang iyong dibdib, o kaya sabihin mo sa iyong asawa na i-stimulate ito para maging mas exciting ang sex life ninyo ni mister.

3. Subukan ang oral sex

Bukod sa foreplay, nakakatulong din ang oral sex para maging mas exciting ang pakikipagtalik, kahit na missionary position ang inyong ginagawa.

4. Gumamit ng sex toys

Kung medyo adventurous kayong dalawa ni mister, puwede kayong gumamit ng mga sex toys tulad ng vibrator para may dagdag na stimulation sa inyong dalawa.

Larawan mula sa Freepik

5. Higaan mo ang dibdib ng iyong asawa

Magiging mas exciting ang sex para sa inyong dalawa dahil bukod sa stimulation na nakukuha kapag magkadikit ang inyong katawan, magbabago rin ang posisyon ng pagpasok ni mister, at may dagdag na stimulation din sa iyong clitoris.

6. Huwag magmadali

Tandaan, hindi dapat magmadali! Magiging mas sensual ang missionary position kung dahan-dahan itong gawin, at hindi kayo nagmamadaling matapos ni mister.

7. Sumubok ng ibang variation

Maraming variations ang missionary position. Bakit hindi subukan ang ibang mga variations na ito, tulad ng cross-booty position, purring kitty, at shoot the moon. Siguradong magiging mas masaya ang sex life ninyo ni mister!

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara