5 pelikula sa MMFF 2019 na puwede sa buong pamilya

Panoorin ang MMFF movies na ito kasama at swak sa buong pamilya ngayong pasko!

MMFF 2019 pambata at pampamilya movies na hindi dapat palampasing panoorin ng buong pamilya ngayong pasko!

MMFF pambata at pampamilya movies

1. “The Mall, The Merrier”

Ang The Mall, The Merrier ay isang music comedy film na pinagbibidahan nila Vice Ganda at Anne Curtis. Ito ay isang pelikulang pampamilya na tungkol sa paligsahan ng dalawang magkapatid na sina Moira (Vice Ganda) at Morrissette (Anne Curtis) sa mall na kanilang minana. Ang alitan ng dalawa ay nagsimula sa pagdating ng kanilang Aunt Moody na ginagampanan naman ni Dimples Romana. Sa kanilang alitan ay may mga misteryosong bagay ang mangyayari na magtuturo rin sa magkapatid kung paano magpahalaga sa isa’t-isa.

Sa pelikula ay bibida rin sina Carla Humpries, Lassy Marquez, MC Calaquian at Tony Labrusca.

2. “Mindanao”

Ang pelikulang Mindanao ay pinagbibidahan ng aktres na si Judy Ann Santos na gumaganap sa role ni Saima, isang inang Muslim. Sa pelikula ay ipinapakita kung paano haharapin ni Saima ang buhay habang inaalagaan ang anak na may cancer na si Aisa (Yuna Tangog). At bilang isang asawa ng sundalong kasalukuyang lumalaban sa giyera na si Malang na ginagampanan naman ni Allen Dizon.

Ang pelikula ay umiikot din sa bedtime story na ikinukuwento ni Saima sa kaniyang anak na si Aisa. Ito ay ang epic tale tungkol sa paglaban ng magkapatid na sina Rajah at Sulayman sa isang dragon.

Image from The Web Magazine

3. “Miracle in Cell No. 7”

Kaabang-abang din naman ang Filipino adaption ng Korean movie ng Miracle in Cell No.7. Ito ay pinagbibidahan ng aktor na si Aga Mulach na siyang gaganap bilang Lito, isang mentally challenged na ama ng batang si Yesha na gaganapan naman ni Xia Vigor.

Si Lito ay makukulong dahil sa akusasyon na panggagahasa at pagpatay sa isang batang babae. Habang nasa kulungan, si Lito ay mapapalapit at magiging kaibigan ng kapwa niya mga inmates. Sila ang makakakita ng nakakantig na pagmamahalan ng mag-ama. At sila rin ang tutulong sa kanila upang magkita at magkasama kahit nasa loob ng kulungan si Lito.

Bida rin sa pelikula ang mga aktor na sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, Joel Torre, Bela Padilla, at Tirso Cruz III.

Image from VIVA Films

4. “Mission Unstapabol: The Don Identity”

Ang isa pang MMFF 2019 pambata at pampamilya movie ay ang pelikula nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza. Ito ay ang pelikulang “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Ang pelikula ay tungkol sa journey ni Don Robert Fortun (Vic Sotto) sa paghahanap ng isang perlas. Layunin niya ring linisin ang kaniyang pangalan sa kasalanang hindi niya nagawa. At ito ay sa pamamagitan ng tulong ng isang grupo kabilang ang hacker na si Donna (Maine Mendoza), magician na si Zulueta (Pokwang), wrestler na si Johnson (Jake Cuenca) at car racer na si Kikong (Bayola).

Gumaganap na kontrabida naman sa pelikula si Jose Manalo bilang Benjie, ang kapatid ni Don Robert Fortun na tumangay sa perlas na hinahanap niya.

5. “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon”

Bida rin sa isang comedy film ngayong MMFF 2019 sina Coco Martin at Jennylyn Mercado.

Ang pelikula ay tungkol sa buhay ni Apollo “Pol” Balbon na gaganapan ni Coco Martin. Siya ang anak ni Mary Balbon na gaganapan naman ni Aiai Delas Alas. Si Pol ay nagtratrabaho bilang bodyguard sa isang National Defense Agency director na ipinapatay ng kaniyang mga kalaban sa trabaho. Bago ito namatay ay may binilin at sinabi itong sikreto kay Pol.

Si Jennylyn Mercado naman ay gumaganap na Trina, ang anak ng amo ni Pol na gusto ring saktan ng mga taong pumatay sa kaniyang ama. Para maprotektahan si Trina ay nagpanggap na babae si Pol na itinuring na prime suspect sa pagkamatay ng amo niya.

Maliban kay Coco Martin, Jennylyn Mercado at Aiai Delas Alas bibida rin sa pelikula sina Sam Milby, Edu Manzano, Tirso Cruz III, Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Bianca Manalo, Jhong Hilario, Ping Medina, Pepe Herrera, Long Mejia, Lou Veloso na may special participation ni Mayor Isko Moreno.

Ang mga nasabing MMFF 2019 pambata at pampamilya movies ay mapapanood mula December 25 hanggang unang linggo ng January 2020 sa mga nangungunang sinehan sa buong Maynila.

 

Source:

GMA News

7 Great family bonding activities that won’t require you to leave the house!