Nakatakdang makikipag-usap ngayong araw sa grupo ng mga health workers si Pangulong Duterte. Ito ay para malaman kung ano ang gagawin sa susunod na buwan. Ie-extend nga ba ang Enhanced Community Quarantine o gagawin na itong Modified Community Quarantine?
Modified Community Quarantine
Ayon sa interview kay Senator Bong Go, makikipag-meeting ang Pangulo sa mga health experts. Kasama na ang mga dating health secretaries. Ito ay para malaman kung ano ang dapat gawin sa susunod na buwan, sakaling matapos na ang community quarantine.
Mayroon na lang natitirang 11 days bago ang katapusan ng buwan at ang ibig sabihin nito ay matatapos nang muli ang ECQ. Ang tanong ng marami, mai-extend ba ito? Ano ang mga plano ng gobyerno para rito? Ayon muli kay Senator Go, ngayong linggo magde-desisyon at maga-anunsyo ang pangulo.
Para naman sa kasalukuyang plano ng gobyerno, narito ang kanyang pahayag:
“Sa pagkakaalam ko mas dapat higpitan sa mga susunod na 11 araw hanggang April 30. And I think, ang Pangulo ay magde-decide ngayong linggong ito kung ie-extend pa [ang ECQ] o luluwangan.”
COVID-19 Philippines
Sa ngayon, tumataas na ang bilang ng mga nagre-recover sa sakit at ilang araw na rin na mas mataas ang bilang nito kaysa sa mga namamatay. Gayunpaman, sumampa na sa 6,087 ang kaso ng coronavirus dito sa bansa. Ito ay maaring sanhi na targeted mass testing. Unti-unti na kasing nakikita kung ilan talaga ang apektado ng virus dahil mas marami na ang nate-test para sa sakit.
Maaaring tumaas pa rin ang kaso ng COVID dito sa bansa, ngunit ang hinihintay ngayon ng gobyerno ay iyong antibody na binanggit ng pangulo kamakailan lang. Kung ito kasi ay dumating na at kung ito ay lunas nga para sa COVID, mas makakampante ang health department na luwagan na ang mga terms ng community quarantine.
Ang modified community quarantine ay nagkakahulugan lamang na maaring luwagan na ang mga terms ng quarantine sa Luzon kaysa i-lift ito nang tuluyan.
Dagdag pa ni Senator Go, “Desperado talaga ang Pilipino sa ngayon, sobrang desperado. Naghihintay tayo ng vaccine e matagal pa, sabi nila sa susunod na taon. Kaya may mga antibodies, ‘yung nababanggit ni Pangulong Duterte, na hinahantay natin para panlaban.”
US and Philippines cooperation?
Samantala, nabanggit din ng senador na nagkausap si US President Donald Trump at Pangulong Duterte kamakailan. Ito umano ay para sa bilateral cooperation on COVID-19 response. Hindi naman ito idinetalye, ngunit napabalita rin na nagsimula nang ma-test ng mga antibody sa tao sa US. Asahang malalaman natin kung gagana ito o hindi sa mga susunod na araw.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 572 na recovered patients at 409 naman ang namatay dahil sa sakit.
Source:
Basahin:
COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?