X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Jason Hernandez umaming hiwalay na kay Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

5 min read
Jason Hernandez umaming hiwalay na kay Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Dati nang nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa lamat sa relasyon nina Moira at Jason.

Kumpirmadong hiwalay na ang mag-asawang singer-songwriter na sina Moira dela Torre at Jason Hernandez. Pero magkaganoon man, base sa joint statement ng dalawa ay mananatili ang respeto nila sa isa’t isa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Paghihiwalay nila Moira dela Torre at Jason Hernandez
  • Love story nila Moira at Jason

Paghihiwalay nila Moira dela Torre at Jason Hernandez

moira dela torre at jason hernandez

Image from Bride and Breakfast

Nitong Abril ay nagsimula ang usap-usapang may problema sa pagsasama ng mag-asawang singer-songwriter na si Moira at Jason Hernandez. Ito ay matapos burahin ni Moira ang mga larawan nilang magkasama sa Instagram. At nang alisin nito ang apelyido ng asawa sa mga social media accounts niya.

Ang tsismis, hindi man diretsong nasagot ni Moira ay natigil noong mag-post siya sa Instagram na naka-tag ang mister. Siya ay nasa isang trip noon sa Singapore at kumakain umano ng paboritong pagkain ni Jason. Ang Instagram story post noon ni Moira ay ni-repost din ni Jason sa IG niya.

Pero nitong May 31 ng gabi, marami ang nabigla sa statement na inilabas ni Jason at Moira sa kanilang social media accounts. Dahil ayon kay Jason at Moira, sila ay hiwalay na matapos ang tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Bagamat, sabi pa nila, sa kabila nito ay mananatili ang respeto nila sa isa’t-isa.

“It is with a heavy heart that after three years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult time.”

Ito ang joint statement ni Moira at Jason.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)

Sa caption ng nasabing statement ay may dagdag na pahayag pa si Jason. Doon ay sinabi niya kung gaano kahirap na sabihin sa publiko ang kanilang paghihiwalay. Umamin rin siya na siya ay naging ‘unfaithful’ kay Moira nitong mga nakaraang buwan na naging dahilan ng problema sa pagsasama nila.

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.”

“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.”

Ito ang sabi ni Jason. Dagdag pa niya, deserve ni Moira na malaman ang totoo. At humihingi siya ng tawad dito pati na sa mga taong nasaktan sa paghihiwalay nilang mag-asawa.

“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.”

“From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

Ito ang sabi pa ni Jason sa kaniyang IG post na ni-repost ni Moira na wala ng dagdag na anumang pahayag.

BASAHIN:

LOOK: Donita Rose engaged na sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad!

Nanay ni Robert Bolick, hindi imbitado sa kasal ng anak: “What a shame.”

Erwan Heussaff niligawan si Anne Curtis sa pamamagitan ng pagkain, mix tapes at post cards!

Love story ng dalawa

moira dela torre at jason hernandez

Image from Instagram 

Nagsimula ang relasyon ni Moira at Jason sa pagiging magkaibigan. Ito ay nang magkakilala sila sa De La Salle–College of Saint Benilde kung saan nag-aaral sila ng kursong Music Production. Doon ay naging malapit ang isa’t isa at sila ay naging mag-bestfriend.

Sa kanilang mga naunang pahayag ay sinabi ni Jason at Moira na ang kanilang pagkakaibigan ang pundasyon ng naging pagmamahalan nila. At sa tagal nga daw ng pagkakaibigan nila ay noong taong 2016 na-realize ni Jason na unti-unti niya ng nagugustuhan si Moira.

Nang sumunod na taon ay naging magkasintahan sina Moira at Jason at sinundan ng kanilang engagement noong 2018.

“On a cliff sunset, my best friend asked me the easiest question I have ever had to answer.”

Ito ang caption ng post ni Moira noon sa kanilang engagement ni Jason. Ang naging engagement nila ay tampok sa music video ng kantang ‘Tagpuan’ ni Moira na marami ang naantig na puso.

Taong 2019 ay ikinasal sina Moira at Jason na kung saan marami ang kinilig at naniwala sa forever. Sinundan ito ng ilang tagpo sa pagsasama nila na kung saan makikitang masaya sila sa piling ng isa’t isa,

Sa isa ngang Instagram post ni Moira, ay sinabi niyang sa piling ni Jason ay nararamdaman niyang safe siya. At ito ang nagbibigay ng lakas sa kaniya sa oras na siya ay nanghihina at nawawalan na ng pag-asa.

“Thank you (Jason) for being my 95% when I’m at 5. You are and will always be my greatest blessing.”

Ito ang sabi ni Moira sa isa niyang Instagram post.

Sa ngayon, ay burado na ng mga larawan ni Moira at Jason na magkasama sa kanilang mga social media accounts. Bagamat sa Instagram ni Jason ay may isang larawan si Moira na hindi niya tinanggal. Ito ang caption niya sa larawang ito.

“To see you laugh is one of the greatest joys in this life.”

May comment si Moira sa post na ito ni Jason na tinawag niyang kaniyang greatest joy at blessing.

moira dela torre at jason hernandez breakup

Image from Jason Hernandez’ Instagram account

Instagram

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jason Hernandez umaming hiwalay na kay Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko