TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Molluscum contagiosum: Sanhi, sintomas, at lunas

3 min read
Molluscum contagiosum: Sanhi, sintomas, at lunas

Alamin kung anong klaseng sakit ang molluscum contagiosum o water warts, saan nakukuha o paano nakukuha ito, at kung paano ito maaaring magamot.

Ang molluscum contagiosum o water warts ay isang karaniwang viral infection na nakukuha ng mga batang may edad na 15 anyos pababa. Makikita ito bilang mga bukol na kasing laki ng ulo ng karayom hanggang pambura ng lapis. Kapag ang mga bukol na ito ay nakamot at nasugatan, maaari itong kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.

Maaari rin itong makahawa sa pamamagitan ng pagdikit ng balat.

Sintomas ng molluscum contagiosum

Ang mga bukol na nakukuha sa pagkakaroon nito ay:

  • Maumbok, mabilog at ka-kulay ng balat.
  • Kadalasan ay nasa 1/4 na pulgada (6 millimeters) ang lapad.
  • Madalas ay may lubog o tuldok sa gitna.
  • Maaaring mamula at mamaga.
  • May posibilidad na magdulot ng pangangati.
  • Puwedeng matanggal sa pagkamot na nagiging sanhi ng pagkalat nito.
  • Kadalasang nakikita sa mukha, leeg, kili-kili, braso at tuktok ng mga kamay ng mga bata.
  • Maaaring makita sa mga ari, puson at itaas na bahagi ng mga hita ng mga matatanda kapag ang sakit ay naipasa sa pagtatalik.

Kapag naghihinala na mayroong molluscum contagiosum, magpa-konsulta agad sa duktor.

Mga sanhi

Ang virus na nagdadala ng molluscum contagiosum ay madaling kumakalat sa pamamagitan ng:

  • Pagdikit ng balat.
  • Pag-gamit ng mga kontaminadong bagay.
  • Pakikipag-talik sa taong may molluscum contagiosum.
  • Pagkamot sa mga bukol na nagpapakalat sa paligid nito.

Hindi pa malinaw kung kumakalat ang virus sa mga tubig ng swimming pools. Ayon sa mga eksperto, maaaring kumakalat ito sa mga manlalangoy dahil sa hiraman ng mga tuwalya at kagamitan tulad kickboards. Maaari rin na dahil sa pagdikit ng mga balat.

molluscum contagiosum, water warts

Mga maaaring magkaroon ng molluscum contagiosum

Kahit kadalasang nakukuha ng mga bata, maaari parin mahawa ang matatanda sa impeksiyon na ito.

Karaniwan, ang mga matatandang nahahawa ay ang may mahihinang immune system. Sa mga matatandang may normal na immune system, ang pagkakaroon nito sa ari ay itinuturing na sexually transmitted infection.

Komplikasyon na maaaring madulot

Ang mga bukol at balat sa paligid nito ay maaaring mamaga. Ito ay itinuturing bilang paglaban ng immune system sa impeksiyon.

Kapag nakamot, maaaring lalong ma-impeksiyon ang balat. Kapag nagkaroon ng sugat sa may pilik-mata, maaaring maging sanhi ito ng sore eyes o conjunctivitis.

Gamot para sa molluscum contagiosum

Karaniwang nawawala ito nang kusa sa loob ng 6 na buwan hanggang isang taon. Ngunit maaaring magpatuloy ang pagtubo ng bumps na ito hanggang limang taon. Narito ang ilang mga treatments na maaaring imungkahi ng duktor:

  • Curretage o pag-tanggal ng papules gamit ang metal na instrument
  • Cryotherapy, ang pagfri-freeze ng papule
  • Gamot na magpapa-alsa sa mga papules

Pag-iwas sa pagka-hawa

Upang maiwasan ang pagkalat ng virus:

  • Maghugas ng kamay. Ang pananatiling malinis ng kamay ay maaaring magpigil sa pagkalat ng virus.
  • Iwasan ang paghawak sa mga bukol. Ang pag-ahit sa impeksiyon ay maaaring makapagkalat nito.
  • Huwag ipagamit sa iba ang mga personal na kagamitan. Iwasan ang pagpapa-hiram at paghiram ng mga gamit tulad ng damit, tuwalya, suklay at iba pa.
  • Iwasan ang pakikipag-talik. Sa mga may molluscum contagiosum sa may bandang ari, iwasan ang pakikipagtalik hanggang hindi pa ito nagagamot.
  • Takpan ang mga bukol. Takpan ang mga bukol kung may ibang tao sa paligid upang maiwasan ang pagdikit dito. Sa paglangoy, takpan ang mga bukol gamit ang bendahe na hindi pinapasukan ng tubig.

 

Source: Mayo Clinic, Medical News Today

Basahin: Common causes of skin allergies in children

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Molluscum contagiosum: Sanhi, sintomas, at lunas
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko