I am a mom of two boys. My first born was 4 years old and my second is now 1 year old. I'm a housewife and at the same time may online business. My husband in an OFW so ako lang nag aalaga sa mga anak ko but I'm living with my parents.
This is my story starts. During my pregnancy on my first born, hindi ako nakaranas ng post partum depression, though nagstruggle ako sa paglalabor sa kanya hanggang sa maipanganak sya coz he is a premature baby at wala din ako breastmilk na naproduce sa kanya. Dito sa second born ko naramdaman ko yung post partum na sinasabi nila na basta ka na lang magagalit,maiinis,maiiyak,malulungkot ng walang dahilan. Yung akala mo baliw ka na. Yung dumating sa time na halos everyday inaaway mo asawa mo kahit wala sya ginagawa masama,mainit ulo mo sa anak mo kaya konting kilos nya napapagalitan mo. Tapos sasabayan ng iyak nung baby mo kaya halos naririndi ka na sa sitwasyon mo. Yung pakiramdam na parang ang dami mong problema kahit yung iba simpleng problema lang. Tapos eto pa yung mahirap, yung buhok ko naglalagas simula nung nanganak ako hanggang ngayon na 1 year old na yung bunso ko. Tapos pakiramdam ko wala akong kakampi sa mundong to,yung ako lang mag isa. Pero sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan ko I'm still getting strong and even more stronger para sa mga anak ko. I learn to talk with God, and surrender all my worries to Him. Hindi ako nagpatalo sa depression na dumadating sa'kin dahil naniniwala ako na God will never let us down,lahat ng pagsubok na ibinibigay Nya naniniwala Sya na malalampasan natin. I stayed positive for my children dahil kung magiging mahina ako paano na sila,mga bata pa sila at hindi pa nila kaya tumayo sa sarili nilang mga paa. To all mommies who's having PPD don't loose hope, divert your mind into something na you can relax. to all daddies and relatives, wag nyo sila pababayaan. Guide them, this is not "KAARTEHAN" o "DRAMA" ng mga babaeng kapapanganak lang. There are more reasons why we're experiencing those kind of depression. You need to understand us and talk with us.